Aila NAPATITIG ako sa kawalan saka humawak sa aking dibdib nang bumukas ang lift. Huminga ako nang malalim. At kahit na parang mayroong mabigat na bagay sa aking mga paa ay mabilis akong nagdesisyon na ihakbang ito palabas. Napakagat ako sa 'king ibabang labi, saka alangan na ngumiti sa isang lalaki habang papalapit sa pinto kung saan ako papunta. "Good morning, Ma'am," magalang nitong bati sa akin nang tuluyan akong makalapit dito. Lumunok ako bago diretsong tumingin sa kanya. Kahit na tila naghalo-halo na ang aking nararamdaman ay maayos pa rin akong humarap dito. "Good morning. Tama ba ako nang napuntahan? Ito ang office ni Calter?" seryoso ang aking tono. Gayunpaman ay hindi nawala ang ngiti mula sa mga labi ng lalaking nasa aking harapan at aking kausap. "Yes, Ma'am," magalang

