Aila DUMIRETSO ako sa bar na pagmamay-ari ni Kuya Keen, nang matapos ang pag-uusap namin ni Manang Jo. Hindi ko nais na umuwi sa unit na tinutuluyan namin ni Alther— ayokong makita niya 'ko sa ganitong lagay. Ayoko. I took a deep breath as I looked at the bottle I was holding. Mauubos ko na ang pangalawang bote ng cognac na nasa aking harapan, pero tila hindi pa rin namamanhid ang aking puso. Nais ko sanang makalimot kahit papano, nais ko ang makatakas mula sa 'king mga nararamdaman ngayon, pero kahit maubos ko yata ang lahat ng alak sa bar na 'to, hindi gagaang ang nararamdaman ko! Natigilan ako nang biglang maalala si Manang Jo. Ewan ko, pero tila gusto kong matawa sa mga rebelasyon na sinabi nito sa akin. All this time, alam pala niya ang tungkol sa amin ni Calter. All this tim

