AILA "DATI KONG KASINTAHAN ANG AMA NI CALTER." Halos manlambot ang mga tuhod ko mula sa aking tinatayuan nang marinig ang lahat ng sinabi ni Manang Jo. Hindi ko alam kung paano ito kakausapin, sapagkat walang salita ang nais na lumabas mula sa 'king bibig dahil sa sobrang pagkabigla. Hindi ko na alam ang aking paniniwalaan! "A-ano ba ang mga sinasabi mo, Manang? H-hindi ho kita m-maintindihan," kanda utal kong sambit sa kanya. Totoo naman, hindi ko siya maintindihan! Hindi ko alam kung dapat ba 'kong maniwala sa mga naririnig ko o hindi. Napalunok ako nang isang beses siyang kumurap mula sa 'king harapan. Pagkatapos ay napagalaw ako bago nito ibinuka ang kanyang mga labi. "Naaalala mo pa ba noong isang beses tayong magkakwentuhan sa kusina, sa mansyon ng mga Montivar?" Sandali a

