8

1284 Words
“Teka, ibaba mo ako, sinabi nang ibaba mo na ako 'eh! Ayoko nga sabing tumira sa isla, bakit ba ang tigas ng ulo mo!” nanggigigil na sigaw ni Maricon nang nakasimangot na buhatin na siya ni Gabriel matapos siyang magmatigas na bumaba ng bangkang sinasakyan nila. Daig pa nila ang bagong kasal na sasabak sa honeymoon dahil sa paraan nang pagbuhat nito sa kaniya. Pinaghahampas niya ng palad sa dibdib ang lalaki at inis na pinagmumura ito. “Bwisit ka talaga! bakit hindi mo sinabi sa akin na ilang linggo tayong titira sa isla? k********g ang ginagawa mo!” sigaw ulit niya. Halos sumabog na ang dibdib niya sa inis ng hindi siya nito pakawalan. Patuloy lang itong naglakad sa tubig habang buhat siya. “Kapag sinabi ko ang plano ko, malamang na may gawin ka naman na hindi maganda. Ano ba naman ang malay ko kung baka mamaya ay bigla kang magpanggap na may sakit para lang hindi matuloy ang honeymoon natin.” Sa wakas ay sagot nito. Napaawang ang mga labi niya sa sinabi ni Gabriel. Hindi niya alam kung bakit biglang umikot ang sikmura niya sa narinig. Excited ba siya? Hindeee! “Ang kapal mo! Asawa mo lang ako sa papel. Anong honeymoon ang pinagsasasabi mo diyan? Never, as in NEVER akong makikipagsex sa’yo!” Mukhang nainis na sa kaniya si Gabriel. Nagulat na lang siya ng bitiwan siya nito.Napasinghap siya nang sumayad ang mga paa niya sa ilalim ng tubig. Hanggang sa tuhod niya na lang pala ang tubig pero hindi niya mapigilan ang inis nang maramdaman ang pagkabasa ng suot niyang bestida. Argh! Nag eeffort pa naman si Dorothea na ayusan siya ngayon. Hindi ito pumayag na magpakalosyang siya kaya sapilitan siya nitong isinama sa mall para mamili ng mga damit. Kinumbinsi rin siya ni Allyson na magparebond –sa parlor na pag aari nito—dahil kumukulot na daw ang buhok niya. Kung alam lang nila na talagang nakakakulot ng buhok ang sobrang stress dahil sa walanghiyang bayaw nila! Ibinaba niya ang laylayan ng bestida nang bahagyang tumaas iyon at galit na nag angat siya ng tingin kay Gabriel. Nakahanda na sana siyang talakan ang magaling na lalaki kaya lang ay natigilan siya nang mapansin ang matiim na pagtitig nito sa kaniya. “A-anong…G-gabriel!” nanlaki ang mga mata niya ng bigla siya nitong hapitin sa baywang. Gulat na naitukod niya ang kamay sa dibdib nito. Bigla na lang ay nagkaroon ng komosyon sa loob ng katawan niya nang magtama ang mga mata nila. Ilang beses siyang napalunok para pigilan ang panunuyo ng lalamunan niya. Noon pa man ay may kakaiba na siyang nararamdaman sa tuwing tinitingnan siya ni Gabriel na para bang gusto siya nitong higupin at isama sa sarili nitong mundo. Pero hindi niya iyon binibigyang pansin dahil alam niya sa sarili niya na kahit na sinong babae pa ang tingnan nito sa ganoong paraan ay talagang maaapektuhan. Tumikhim siya at tinapik sa dibdib ang mister niya. “Hindi na ako magwawala, bitiwan mo na ako.” Ayaw man niyang magmukhang nagmamakaawa ay hindi rin niya mapigilan. Kung hindi pa siya lalayo kay Gabriel ay baka tuluyan na siyang matunaw sa mismong harap nito. Teka..bakit ganito? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? Pasimpleng hinagod niya ang kaliwang dibdib at sinaway ang sarili ng hindi sinasadya ay mapasulyap siya sa mapulang mga labi Gabriel. Napakagwapo talaga nito. Si Gabriel ang tipo ng lalaki na hindi aakalain ng kahit na sino na isa palang businessman. Mas mukha kasi itong modelo dahil maliban sa gwapo ay matangkad at maganda ang body built nito. Blue ang kulay ng mga mata ni Gabriel at hindi siya masisisi ng kahit na sino kung halos malunod siya sa emosyon habang tinitingnan siya nito ngayon. Kung bakit naman kasi wala akong makitang pangit sa mukha niya, wala tuloy akong maipintas! Katulad ng mga kapatid ay mestiso rin si Gabriel. Matangos ang ilong nito at ang mga labi ay natural na mapula. Pinaghalong brown at black naman ang kulay ng buhok nito at palaging brush up ang ayos niyon. Perpekto rin ang hugis ng mukha nito na sigurado siya na namana nito sa ina. Malaki ang katawan ng lalaki na bumagay naman sa height nitong 5’11. Halatang alaga sa workout ang katawan nito dahil napansin niya na maganda ang shape ng balikat at malapad ang dibdib nito. “Be a good girl, sweetie, nangako ako kay mommy na uuwi lang tayo sa oras na may pagbabago na sa relasyon natin.” Anas nito sa kaliwang tenga niya. Nahigit niya ang paghinga. Paanong hindi niya namalayan ang pagdampi ng mainit na labi nito sa tenga niya? Muli siyang napalunok. Hindi niya magawang salubungin ng tingin ang asawa dahil sa takot na tuluyan nang manlambot ang mga tuhod niya. Kahit anong pagtaboy niya ay hindi mawala wala ang kuryenteng naglalakbay sa bawat himaymay niya. Hindi rin niya magawang huminga ng maayos dahil sa paglalapit ng mga katawan nila ni Gabriel. Nang bumitiw na ito sa kaniya ay saka lang niya pinakawalan ang hangin na naipon sa dibdib niya. Ilang sandali lang ay narinig niya ang mahinang pagmumura ng lalaki bago ito tumingin sa buhanginan kung saan may limang lalaki na nag uusap at nakatingin sa kanila. Anong… nagulantang siya ng pumihit si Gabriel na parang tinatakpan siya. Nakagat niya ang likod ng mga pisngi ng hubarin nito ang suot nitong t-shirts at iabot iyon sa kaniya. “Isuot mo ito, hindi ko pinangarap na pagpiyestahan ng tingin ng ibang lalaki ang katawan ng asawa ko kaya please, huwag na sanang matigas pa ang ulo mo.” Seryosong sabi ni Gabriel. Naikurap niya ang mga mata. Hindi niya magawang pagkasyahin sa dibdib niya ang pagbaha ng maraming emosyon nang makita ang pagod sa mga mata nito. Naalala niya na halos wala pa nga pala itong tulog dahil marami itong tinapos na trabaho kagabi. Sa apat na araw na pananatili nila sa mansiyon ng mga magulang nito ay sa library na ito natutulog. Mukhang pinaghandaan talaga nito ang bakasyon nila kaya ilang araw nitong nilamay ang mga trabaho nito. Naglaho ang inis sa dibdib ni Maricon dahil parang hinaplos na ng awa ang puso niya nang makita ang bakas ng matinding pagod at puyat sa gwapong mukha ni Gabriel. Hindi naman siguro siya ganoon kasamang asawa para pahirapan pa ito ngayon. Hahayaan na lang muna siguro niya na makabawi ito ng pahinga bago niya ulit ito awayin para naman hindi na siya makonsensiya pa. Natitigilang isinuot niya ang damit nito. Pero mayamaya ay bigla siyang natigilan nang mapansin ang tattoo sa kaliwang dibdib ni Gabriel. Nakatatak sa dibdib nito ang buong pangalan niya at may disenyo pa iyon ng infinity sign sa ilalim ng mga letra. Gulat na nag angat siya ng tingin sa lalaki. Kumislap naman ang katuwaan sa mga mata nito nang magtama ang mga mata nila. Pero bakit masaya ito? Natutuwa ba ito dahil hindi na niya ito pinahirapan pa at sinunod niya agad ang utos nito? at bakit may tattoo ito ng pangalan niya sa dibdib nito? ganoon ba talaga siya nito kamahal para lang hayaan nitong mamantsahan ang balat nito? Hayyyy… magulong magulo na ang isip ni Maricon. Bakit ba kasi ganoon ang nararamdaman niya? Bakit parang kung kailan naisip na niya kung paano niya papahirapan si Gabriel habang nasa isla sila ay parang iba naman ang gustong gawin ng puso niya? “Let’s go?” ani Gabriel. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at tinanggap niya ang nakalahad na palad nito. Ngayon naman ay magkasabay pa silang naglalakad habang inaalalayan siya nito. Argh! Lumangoy na lang kaya siya ngayon pabalik ng Mondemar?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD