“Fvck!” mainit ang ulo na sinipa ni Gabriel ang maliit na bato at muli ay patuloy na naglakad para hanapin si Maricon.
Halos mamaos na siya sa pagsigaw pero hindi pa rin niya ito makita. Imposible naman na umalis na ito ng isla dahil walang bangka na umaalis ng ganoong oras. Maliban na lang kung may emergency.
Isa pa ay nagbilin siya sa mga bangkero doon na hindi ito pwedeng pasakayin sa bangka ng hindi siya kasama. Malamang kasi na takasan siya ni Maricon kaya nagbilin na agad siya mga naroon na bantayan ito. Nasabunutan niya ang sarili nang maalala na mahigit tatlong oras siyang nakatulog at nang magising naman siya ay hindi na niya makita ito makita pa.
Pasado alas otso na ng gabi at madilim na sa labas kaya hindi niya mapigilan na mag alala ng sobra.
Kapag ganoong oras kasi ay bihira na lang ang mga tao sa daan. Paano na lang kung natuklaw ito ng ahas?
Sa naisip ay binalot ng matinding kaba ang puso niya. Mabilis na tumakbo siya at paulit ulit na tinawag ang kaniyang asawa. May narinig siyang malakas na tugtog mula sa may hindi kalayuan kaya doon siya nagtungo. Alam niya ang lugar na iyon dahil doon nakatira ang dating kusinera ng mommy niya na si nanay Pilar. Malapit siya sa matanda kaya sa tuwing nagbabakasyon siya sa isla Camito ay ito agad ang binibisita niya.
Hindi nga lang niya ito napuntahan agad dala na rin ng matinding pagod. Maliban sa nakakapagod na tapusin ang trabaho niya ay mahigit isang oras din ang biyahe patungo sa isla. May pasaway pa siyang misis na wala na yatang ginawa sa buong araw kundi ang magreklamo dahil naiinip daw ito sa isla.
Isang araw pa lang silang tumutuloy doon ay parang gusto na nitong lumangoy pabalik ng bayan nila. Katakot takot na stress tuloy ang inabot niya sa loob ng buong araw.
“And I don’t wanna go on pretending that it’s gonna be a happy endi—iiing!”
Napamulagat siya nang makita kung ano ang nangyayari sa labas ng mga kubo at kung sino ang babaeng kumakanta at pasway-sway pa.
My god!
Natampal niya ang noo nang makita si Maricon. Daig pa nito ang sasali sa amateur contest kung makabirit sa mikropono. Wala man ito sa tono ay parang balewala naman iyon dito at sa mga taong natutuwa sa performance nito.
“And ohhhh, it will never be the same without you, babe—eee!”
Kamuntik na niyang matawag ang lahat ng kilala niyang santo dahil sa totoo lang ay medyo masakit sa tenga ang boses nito. Hindi papasang singer si Maricon dahil para lang itong paslit na nag aaral pa lang magsalita.
Mas mag eenjoy pa nga siguro siyang pakinggan ang isang bata na pautal utal na kumakanta kaysa tiisin ang wala sa tonong boses nito.
Pero may kung anong emosyon ang bumabalot sa puso niya habang pinagmamasdan ito. Hindi man ito papasang singer ay kontento na siyang pakinggan ang masiglang tawa nito sa tuwing pumipiyok ito. Napabuntong hininga siya dahil parang gusto nang sumabog ng puso niya.
“Dahan-dahan naman sa pagtitig Gabriel Theodoro at baka matunaw na ang asawa mo.”
Napalingon siya nang marinig ang boses ni nanay Pilar. Maliban sa mommy niya ay ito lang ang tumatawag sa kaniya sa buo niyang pangalan. Ginagawa nito iyon kapag may kakaibang bagay itong napapansin sa kaniya.
“Ang ganda-ganda niya, 'di ba 'nay?”
“Kahit hindi ko siya tingnan, nakikita ko naman sa mga mata mo kung gaano talaga siya kaganda.”
“Teka lang….” napakunot noo siya nang mapansin na ang pagsway na ginagawa ni Maricon ay nauwi na sa pagsuray. “Lasing po ba ang asawa ko?”
Fvck!
Bakit hindi niya agad iyon napansin kanina? Masyado na ba siyang nalunod sa sarili niyang emosyon kaya ilang sandali siyang nakontento na pagmasdan lang ito? Humagikhik si nanay Pilar.
“Alam mo ba na parang ganito din ang naging plano namin noon ng lola mo nang malaman niya na nag away ang mga magulang mo? Nilasing namin ang mommy mo noon kaya ka nga nabuo.
Malaki ang utang na loob sa akin ng daddy mo at ikaw may utang ka na rin sa akin. Hala sige, sunduin mo na ang asawa mo at gumawa na kayo ng baby.” Taboy nito sa kaniya.
Napakamot na lang siya sa batok at mabilis ang mga hakbang na nilapitan si Maricon. Hinawakan niya ito sa braso at binawi ang mikropono mula dito.
“Kumakanta pa ako!” protesta nito at mabilis na nilingon siya. Bumakas ang pagkagulat sa magandang mukha nito nang makita siya.
“Anong ginagawa mo dito? Tinakasan na nga kita—” natigilan ito at natutop ang mga labi.
Napailing siya nang mag iwas ito ng tingin sa kaniya. Halatang lasing na nga ito dahil lumabas na mismo sa bibig nito ang plano nito kanina na takasan siya.
“Umuwi na tayo, lasing ka na.”
Mariin ang ginawa nitong pag iling na para bang isang malaking kasalanan ang sinabi niya.
“Ayoko, mas gusto ko dito. Mag iinuman pa nga kami nila nanay Pilar.”
Naihilamos niya ang isang palad sa mukha dahil sa sobrang inis. Kung noon pa man ay matigas na ang ulo ni Maricon ay parang nadoble pa iyon ngayon na nakainom ito.
“Kailangan mo nang magpahinga, at saka hindi ka nagpaalam sa akin. Sino ang may sabi sa'yo na pwede kang uminom?” sermon niya.
Kumibot ang mga labi nito at inirapan siya.
“Sumusumpong na naman ang pagiging territorial mo, iinom ako kung gusto ko at wala ka nang magagawa pa. Diyan ka na nga!” nakasimangot na asik nito sa kaniya.
Tinalikuran na siya nito at pasuray suray na naglakad. Ibinigay niya ang mikropono kay tatay Rody at sinundan si Maricon.
Hindi niya kayang tingnan ito sa ganoong estado na parang matutumba na ito dahil sa kalasingan kaya nilapitan niya ito at walang paalam na binuhat na parang isang sako ng bigas.
“Ano ba!” gulat na sigaw nito.
Hindi niya pinansin ang pagsigaw nito at nagmamadaling naglakad na siya. Narinig niya ang malakas na palakpakan at sigawan ng mga taong naroon na parang nanonood ang mga ito ng shooting ng pelikula.
Napapalatak na lang siya at tiniis ang ginagawa ni Maricon na pagpupumiglas at paghampas ng palad sa likod niya.
“Ibaba mo ako! Bwisit ka! Bwisit!”
May ilang minuto na siyang naglalakad bago niya natanaw ang bahay nila. Halos takbuhin na niya iyon dahil sa inis niya sa asawa. Pabalibag na binuksan niya ang pinto at umakyat sa second floor ng bahay. Nang makarating sila sa kwarto ay hindi sinasadyang bumagsak ito sa kama nang mabitiwan niya ito. Kinagat kasi siya nito sa balikat kaya sa gulat niya ay nabitiwan niya ito.
“Sh@t!” malakas na pagmumura niya.
“Sh@t ka rin!” bulyaw ni Maricon sa kaniya.
Dahil sa sobrang inis ay kinubabawan niya ito. Nagpumiglas naman ang babae kaya mariing hinawakan niya ang mga kamay nito at itinaas sa may bandang ulo nito.
“Hanggang kailan mo ba sasagarin ang pasensiya ko? kahit anong gawin mo hindi ka makakatakas sa akin at mas lalong hindi ko papayagan na mawala ka sa akin!” hinihingal na sabi niya.
Itinikom nito ang mga labi. Nag iwas ito ng tingin sa kaniya at parang bigla itong kinabahan kaya napakunot noo siya. Nagbaba siya ng tingin sa katawan nito at natigilan nang makita ang posisyon nilang dalawa. Mas lalong bumilis tuloy ang paghinga niya.
Napakalapit ni Maricon sa kaniya. Magkadikit ang mga balat nila kaya malaya niyang nararamdaman ang init ng katawan nito. Pakiramdam niya ay siya pa ang mas nalasing ng mga oras na iyon. Nakakalasing ang init na ipinapadama sa kaniya nang paglalapat ng mga katawan nila ni Maricon. Para na siyang mababaliw habang nararamdaman niya ang pagtaas baba ng dibdib nito habang habol nito ang paghinga.
“Sweetie…” hinihingal na anas niya.
Mabagal na nilingon siya ng asawa. Kagat nito ang mga labi nang salubungin siya nito ng tingin. Hindi niya mapigilan ang sarili na haplusin ang malambot na mga pisngi nito.
Ganoon na lang ang pagbaha ng tuwa sa puso niya ng hindi siya nito pinigilan na hawakan ito. Parang anomang sandali ay sasabog na ang puso niya. Hindi niya makayanan ang napakaraming emosyon na bumabalot ngayon sa kaniya. Nang hindi na siya makapagtimpi pa ay ipinaloob niya ang mga palad sa mainit na mga pisngi nito at maingat ang mga kilos na siniil niya ng halik ang mga labi nito.
Narinig niya ang malakas na pagsinghap ni Maricon. Hindi nito nagawang tugunin agad ang halik niya. Ilang beses niyang tinudyo ang mga labi nito bago nito nagawang tumugon. Pareho silang nagpakawala ng malakas na ungol ng unti unting lumalim ang halik na pinagsasaluhan nila.
Ipinulupot niya ang mga binti nito sa baywang niya at nagsimulang ipaloob ang isang kamay sa ilalim
ng suot nitong bestida.
D@mn! She was a good kisser. Ngayon lang niya nagawang tikman ang matamis na labi ng asawa niya. Nasasabik na siyang maangkin ito at mas maramdaman pa ang init ng katawan nito pero ayaw niya itong madaliin.
Napalunok siya nang dumampi ang palad niya sa kaliwang dibdib nito. Parang ayaw na niyang alisin pa ang kamay sa malambot na bagay na iyon. Kusang napangiti siya nang muli ay tumugon ito sa paghalik niya. Isang ungol ang muli ay pinakawalan niya pero mayamaya ay naglaho ang tuwa sa dibdib niya nang maalala ang sinabi nito sa kaniya kanina.
“Ang kapal mo! Asawa mo lang ako sa papel. Anong honeymoon ang pinagsasasabi mo diyan? Never, as in NEVER akong makikipagsex sa’yo!”
Nawala ang init na humahaplos sa puso niya dahil sa masakit na mga salitang iyon. Pinakawalan niya ang mga labi ni Maricon at nasasaktang umalis siya sa ibabaw nito. Nagulat naman ito at hindi na nakapagsalita pa.
“Pasensiya na kung nakalimot ako, nangako ako sa sarili ko na hahayaan ko lang na may mangyari sa atin sa oras na makuha ko na ng buong buo ang puso mo. Alam ko na hindi pa ito ang oras na hinihintay ko, I’m really sorry.” Nahagod niya ang batok at nagsisikip ang dibdib na lumabas na siya ng kwarto.
D@mn!
Mukhang kailangan na niyang maligo para lang mabawasan ang init na nararamdaman niya!