Nag-iinit ng todo ang mga pisngi ko matapos kong masabi ang nararamdaman ko kay Justin. Mas lalo lang akong tinatamaan ng hiya dahil hindi siya nagsasalita at nananatili lang ang titig sa akin! Hindi ko alam kung nabigla ba siya sa sinabi ko o hindi na niya ako gusto ngayon kaya hindi siya makapagsalita! Huminga ako ng malalim matapos pakalmahin ang sarili. Hinawi ko ang braso niya na nakapatong sa steering wheel para i-start na ang engine ng sasakyan para makauwi na kami at kahit papaano ay makalayo na ako sa kanya. Hiyang-hiya ako at kung pwede lang bawiin ang mga sinabi ko ay kanina ko pa ginawa! Hinayaan naman niya ako na paandarin ang sasakyan. Tahimik lang siya na nakaupo pero panay ang sulyap niya sa akin! Pigil na pigil naman ako sa pagsulyap sa kanya dahil hindi ko na talaga ki

