Chapter 1
(≧∇≦)/ Irene's POV:
"Irene, enough." Malumanay na saway sa akin ni mommy.
Kahit kailan talaga ay hindi ko sya maintindihan. Pare-pareho lang sila, bakit ba hindi nila matanggap ang relasyon namin ni Cleo?
Dahil anak lang ng family driver namin ito?
Damn it!
Padabog akong pumasok sa kwarto at nagkulong. Naiinis talaga ako! Buong araw akong nasa loob lang, kahit na ilang beses pa akong tawagin ng mga katulong ay hindi ako lumabas.
Malaki pa rin ang pagtatampo ko kay mommy. Why can't she understand me? Mahirap bang intindihin ang nararamdaman ko?
I know Cleo more than anyone else. At alam kong mahal nya din ako.
"Irene!" Nataranta ako nang marinig ang boses na iyon ni daddy.
Umuwi sya?
Mabilis akong tumayo para pagbuksan ito. Pinaka-iniiwasan ko sa lahat ay ang daddy ko na strikto. Ngayon palang ay natatakot na ako.
Kaya ko bang ipaglaban si Cleo? Hindi ba ako maduduwag sa harapan ni daddy?
Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko pagbukas ng pinto. Hindi ako makapaniwalang nanggaling iyon kay daddy.
"What's wrong with you, Irene?!"
"Dad...let me e-explain."
"Hiwalayan mo ang lalaking iyon kung ayaw mong palayasin kita sa pamamahay ko." May diin nitong sambit bago umalis.
Naiwan akong tulala at gulong-gulo.
Paano nasabi ni daddy sa akin iyon?
Anak ba talaga nya ako?
Nang tulog na ang lahat ay dahan-dahan akong umalis ng bahay bitbit ang isang bagpack na may lamang mga damit ko. Dala ko rin ang perang inipon ko mula sa allowance na binibigay sa akin ng mga magulang ko.
Somewhat, I felt guilty.
Pero buo na ang desisyon ko, sasama ako kay Cleo.
"Love!" Tawag sa akin ni Cleo habang papalapit sa kinauupuan kong bench sa park.
Agad ko naman syang niyakap.
"Sorry."
"No, it's okay. Alam ko naman na una palang ay marami ng tutol sa relasyon natin."
Muli ko syang niyakap.
Umuwi kaming dalawa sa nirerentahan nitong kwarto.
"Pasensya ka na, magulo."
"Okay lang." Sabi ko naman.
Habang nag-aasikaso ito ng kakainin namin ay nagligpit na muna ako ng mga kalat. Kahit papaano naman ay marunong akong maglinis. Hindi naman kasi ako pinalaki na walang ginagawa sa bahay. Kahit na may mga katulong kami ay tinuturuan pa rin ako ng mga magulang ko sa mga gawaing bahay.
Mahirap naman kasi kung wala akong alam baka masaktan lang daw ako ng magiging asawa ko.
Napatigil ako sandali sa paglilinis nang may napansin akong lipstick sa ilalim ng higaan.
"Kanino to?"
Pinagmasdan ko iyon. Hindi ako pwedeng magkamali, ito ang binigay ko kay Denise noong grumaduate kami ng college. Paanong napunta ito dito? Napapaisip talaga ako.
Hindi ko naman pwedeng pagbintangan na may something sila ni Cleo dahil never pa naman sila nagkakilala.
Itinabi ko nalang iyon sa ibabaw ng drawer.
Mayamaya lang ay tinawag na ako ni Cleo para kumain.
"Anong tawag sa pagkain na yan?" Inosente kong tanong.
Medyo malansa kasi ang amoy niyon pero mukhang masarap naman.
"Sardinas. Ito lang kasi ang meron ako. Bukas ko pa makukuha ang sahod ko eh."
Tumango-tango naman ako.
"May kutsara ka?"
"Pasensya ka na...hindi ka sanay sa buhay na meron ako. Pinagsisisihan mo na bang sumama sa akin?"
Nasasaktan ako sa tuwing sinasabi iyon sa akin ni Cleo.
"Hindi ah." Iling ko. "Masasanay din ako." Sabi ko pa.
First time kong kumain ng nakakamay lang. Pinagtatawanan pa ako ni Cleo dahil para daw akong may pinupulot sa sahig na nahulog. Nakaramdam naman ako ng pagkahiya pero sa huli ay natawa nalang ako.
Sobrang saya ko talaga kapag kasama sya. Parang ayaw ko ng matapos ang gabing iyon.
Kinabukasan ay maaga itong pumasok sa trabaho kaya naman naiwan akong mag-isa.
Para akong siraulo na napapangiti sa tuwing sumasagi sa isip ko na katabi ko na sya matulog. Na dati lang ay pangarap ko.
Napatingin ako sa pinto nang may biglang kumatok doon.
Sa pag-aakalang bumalik si Cleo ay agad ko iyong binuksan.
Biglang napawi ang mga ngiti ko nang tumambad sa harap ko ang bestfriend ko na si Denise.
Gulat na gulat ang ekspresyon nito.
"So, you're really here?"
Tumango ako. "Hehe, paano mo nalaman?" Kiming tanong ko pa.
Nag-iwas sya ng tingin. "From someone."
Niyakap ko sya. "Sorry, hindi ko nasabi sayo."
"It's okay. Can I go inside?"
"Sure!"
(≧∇≦)/ Denise's POV:
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi ng kaibigan kong si Madeline nang banggitin nito na may kasamang babae si Cleo pabalik sa apartment nito.
Ilang beses ko ring tinawagan ang numero nito pero lahat iyon ay di magkonek.
Niloloko ba ako ng lalaking iyon?
Kaya kinaumagahan ay nagpasya akong magpunta sa mismong apartment ni Cleo para alamin ang katotohanan.
Nasa byahe palang ay hindi na ako mapakali. Para akong bulate na binudburan ng asin sa sobrang likot.
Napansin naman iyon ni Madeline na syang kasama ko.
"Look, Denise. Nahihilo na ako sayo."
"Shut up! Let me clear my mind."
Nagkibit-balikat lang sya.
Pinag-iisipan ko kung anong gagawin ko sa babaeng iyon once na makita ko. Ngayon palang ay nangangati na ang kamay kong manampal.
How dare she snatched my Cleo?!
Mayamaya lang ay nakarating na kami. Pagkababa ko ng sasakyan ay nag-angat ako ng tingin, nakabukas ang bintana ng apartment nya.
"Hindi mo ba ako isasama? Para tutulungan kitang sabunutan ang babae ng bf mo."
"No need. Maghintay ka lang dito sa ibaba." Sabi ko pa at naglakad papasok sa building.
Tanging tunog lang ng suot kong sapatos ang naririnig sa hallway. Kinakabahan ako at the same time ay nanggigil ako.
Nang nasa harapan na ako ng pinto ng apartment ni Cleo ay agad din akong kumatok.
I was about to call his name nang biglang bumukas ang pinto.
Irene? What the hell are you doing here?
"Denise, bakit ka nga pala nagpunta dito? Paano mo nalaman ang address?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin.
Pakiramdam ko ay na-hot seat ako.
Wala akong idea na ang sponsor na tinutukoy ng boyfriend ay ang sarili kong kaibigan---bestfriend ko pa.
Gusto kong tawagan ngayon din si Cleo para magpaliwanag.
"Denise? Ayos ka lang ba?"
Ngumiti ako. "Oo naman. May iniisip lang."
"Mind sharing? Makikinig ako."
Nagdadalawang-isip pa ako ngunit sa huli ay napakwento na rin ako. Naging mapilit kasi ito kaya naman wala na akong nagawa pa.
Kinuwento ko ang sitwasyon, inibi ko lang ang mga pangalan para hindi sya makahalata.
Ayokong biglain sya.
"Ha? Anong ginawa ng friend mo?" Tanong nito matapos kong magkwento.
"Hindi ko alam. Ikaw anong mai-aadvice mo sa kaibigan kong iyon?"
"Mahirap kasi eh. Biruin mo magbestfriend kayo tapos pareho kayo ng boyfriend. The worst is, wala kayong alam."
Tumango-tango ako.
"Kung sa atin mangyari iyon..."
Napalunok ako ng sariling laway. Pipiliin nya ba ang bestfriend nya kaysa sa boyfriend nya? Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.
Napakaseryoso nito. Bihira kong makita ang side na iyon ni Irene.
Kinakabahan.
"Pipiliin kita. Di ba bestfriend forever tayo?"