bc

Mi Loves (COMPLETED)

book_age16+
1.8K
FOLLOW
4.3K
READ
brave
confident
dare to love and hate
sweet
bxg
humorous
lighthearted
female lead
office/work place
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Estranghera si Leci sa islang pagtratrabahuhan niya. Malayo sa pamilya nya at wala ni isang kakilala. Maski siya sa sarili niya ay nagtataka kung bakit tinanggap niya ang job opportunity na ito. What would be waiting for Leci in this island of nowhere? A story of finding love in the most unexpected place, trusting love and to fight for the person you love.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 (Goodbye Philippines)
    "Ready ka na ba, Sis Leci?" Tanong sa akin ng kaibigan kong si  Kris pagkatapos niyang maipark ang kanyang kotseng sinasakyan namin. Nasa parking lot na kami ng Departure Area ng NAIA Terminal 1.  Nakangiti kong tinanguan si Kris habang nakatingin sila sa akin ng isa pa naming kaibigan na si Alyssa.   Ako nga pala si Leci Reyes. Lek-si kung ipronounce ang name ko. 27 years old.  Taga-Bulacan. Nag-iisang anak ng aking Tatay at Nanay.  Ulila na ako sa ama.  Namatay si Tatay noong nasa 1st year High School pa lang ako dahil sa liver cirrhosis. Kaya masasabi kong si Nanay na ang nagtaguyod sa akin para makapagtapos ako sa aking pag aaral. Sa isang tanyag na private school sa Bulacan ako nag elementary at high school.  Hindi naman kami mayaman pero mas pinili ni Nanay na sa isang private school ako pag aralin. May maliit kaming tindahan at 2 pintong paupahan na pinagkukunan ng aming ikinabubuhay bukod sa buwanang pension na naiwan ni Tatay kay Nanay.   Nang magkolehiyo ako ay hinayaan ako ni Nanay na magdesisyon kung saan ako mag-aaral.  Mas pinili kong mag-aral sa isa sa mga state university sa Maynila ng kursong BS Accountancy.  Pasado naman ako sa isa ding tanyang na unibersidad na pribado sa Maynila pero mas pinili kong mag aral sa pampublikong unibersidad dahil bukod sa mura lang ang tuition ay ginusto ko namang mag-try ng ibang sistema.     Gusto ni Nanay na mag abugado ako pero hinayaan pa din nya ako sa kursong gusto ko.  Nang makagraduate ako ng college ay agad akong nagreview para sa board exam.  Thank God dahil pinalad akong makapasa sa board exam at naging CPA.   Una kong napasukan na trabaho ay sa Makati bilang external auditor.  Tatlong taon lang ako dun.  Nakakapagod din kasi ung byahe araw araw papasok sa Makati dahil sa traffic kaya sinubukan ko naman magtrabaho sa Bulacan.  Dito ko nakilala sina Kris at Alyssa na naging kasamahan ko sa trabahong napasukan ko bilang Accountant.  Si Kris ay sa Billing at Collection samantalang si Alyssa naman ay sa Marketing.  Magkakaiba man kami ng departmento ay nagclick kami agad matapos naming magkasamang tatlo sa isang company event.  Simula noon ay hindi na kami mapaghiwalay na tatlo.  Powerpuff Girls nga ang tawag sa amin ng mga lalakeng kasamahan namin sa kumpanyang pinagtratrabahuhan namin. Nasa ikatatlong taon na ako sa kumpanyang aming pinapasukan nang may mag alok sa akin na magtrabaho sa ibang bansa.  Or mas tamang sabihin na mangibang-isla pala sa mga group of islands sa Dagat Pasipiko na nasa gilid lamang ng Pilipinas na isang US territory.  Ewan ko ba kung bakit agad agad akong nagdesisyong i-grab ung job opportunity na yon.  Ok naman ang sahod ko sa pinagtratrabahuhan ko pero para kasing may nagtutulak sa akin na tanggapin yon.  Pakiramdam ko, hindi ko pwedeng hindian yung job offer na yon. Kaya pagkatapos ng mahaba mahabang paliwanagan at pagpapaalam sa aking Nanay ay pumayag na din siyang mag abroad ako.   Kaya eto na nga ako ngayon.  Hinatid ng aking kapwa powerpuff girls sa NAIA sa araw ng flight ko papunta sa isa sa mga isla sa Dagat Pasipiko.  Hindi na sumama si Nanay sa paghahatid sa akin kasi baka hindi pa ako matuloy umalis pag nagkataon.  Sa bahay pa lang kasi ay abot abot na ang mga bilin at pagiyak ni Nanay.  Ako man ay ganun din sa kanya. Buti na nga lang kasama namin sa bahay ang dalawang pinsan ng nanay ko na mga matatandang dalaga at isa kong pinsan na ulilang lubos na kaya mahirap man sa loob ko ay medyo panatag akong aalis dahil may kasama naman si Nanay sa bahay namin. Unang beses kasi itong malalayo ako kay Nanay. Saka nangako naman sina Kris at Alyssa na dadalaw dalawin nila si Nanay habang wala ako. Nakaclose na din kasi nila si Nanay.  “Ano ba sisteret? Desidido ka na ba talagang umalis at iwan kami ni Sis Alyssa? Pwede pang magbago isip mo tutal hindi ka pa naman nakakapag check in.” Saad ni Kris habang nakapulupot ang kamay sa braso ko.  Nasa labas na kami ng check-in area ng airport. “Oo nga naman Sis Leci.  Maaatim mo bang iwan kami ni Sis Krissy saka si Nanay?” Gatong naman ni Alyssa na sa kabilang braso ko naman nakapulupot.   Kaloka talaga ‘tong dalawang kaibigan ko na ‘to. Mga naka-puppy eyes pa habang nakatingin sa akin. Akala mo mga bata na nakakunyapit sa kanilang ina ang itsura.  Nakailang iyakan moments na kami bago pa ang flight ko at mukhang uumpisahan na naman nila ako.  “Ayan na naman tayo eh. Hindi pa ba sumasakit ang mga mata nyo sa pagiyak? Aba e ako ay masakit na mga mata ko sa kakaiyak. Napagusapan na natin yan di ba? Nag – OK na kayong dalawa at si Nanay.  Hayaan nyo na lang muna ako, mga sissy.  Sabi ko nga sa inyo di ba, gusto ko lang idiscover kung bakit hindi ko din mahindian ung job offer na ‘to simula ng ialok sa akin. Saka susubukan ko lang din kung kaya kong mamuhay ng mag isa. Isang taon lang naman ang kontrata ko di ba.  Pag di ko nagustuhan doon, uuwi ako agad pagkatapos ng kontrata ko. Hindi na ako magrerenew pa kung sakali.” Sagot ko naman sa kanila. “Promise yan ha?”  Sabay pa nilang sabi at nagkatawanan kaming tatlo. “OO.  Kaya behaved kayo dito ha habang wala ako.  Huwag nyong awayin ang mga BF nyo pero wag naman kayong magpapaapi sa kanila." Sa amin kasing tatlo, ako lang ang walang nobyo. "Wala ako dito para ipagtanggol kayo at awayin ung mga BF nyo.” Sabi ko pa kins Kris at Alyssa. “Mamimiss ka kasi namin.” Ani ni Kris. “Oo nga. Hindi na kumpleto ang powerpuffs.” Saad naman ni Alyssa. “Ganoon din naman ako.  Maninibago din naman ako.  Mamimiss ko kayo ng sobra.  Mahirap para sa akin to dahil wala kayo doon pero 1 year lang naman to. Saka lagi naman tayong magvideocall di ba.” Tugon ko sabay yakap sa kanilang dalawa.   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
557.0K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

Hired to Be Yours

read
2.9M
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
316.0K
bc

Married to a Hot Magnate

read
357.0K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
543.3K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook