Chapter 2 (Hello Isla sa Kawalan)

1154 Words
     Sa kanan ko, asul na dagat. Sa kaliwa ko, asul na dagat pa din.  Sa harapan ko, ano pa nga ba kundi dagat na kulay asul din. Isla nga di ba kaya puro anyong tubig dagat ang nakapaligid. Sa likod ko, ah bundok naman.  Bundok at karagatan ang nakapalibot sa akin. Ano ba, Leci? Bakit ka nga ba pumunta dito? Tanong ng isang parte ng utak ko.  Hindi ko din alam, sagot naman ng kabilang parte.    Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Andito na ako.  Desisyon ko to kaya panindigan na ang desisyon at hanapin ang rason kung bakit may nagtutulak sa akin na pumunta dito.  Tutal parang Palawan or Boracay naman ang ganda ng islang ito kaya ienjoy ko na lang kasabay ang malalim na buntong hininga.  Saka dollars naman ang kikitain ko dito kaya i-push mo lang girl susog ng utak ko.  Ilang oras na ang nakakalipas ng lumapag ang eroplanong sinakyan ko papunta sa Isla ng kawalan mula Pilipinas.  Kawalan kasi nga puro dagat.  Ga-tuldok lang kung hahanapin mo sa mapa ng mundo itong kinalalagyan ko ngayon.  Buti na lang kahit isla lang itong kinalalagyan ko ay may direct flight papunta dito galing Pilipinas. Apat na oras lang ang naging biyahe.    Sinundo ako sa airport ng aking magiging amo at ng asawa nya na parehong local o native ng isla.  Sa isang family-owned business ako magtratrabaho na construction ang main business. Hindi naman daw kalakihan na kumpanya kasi nga isla lang tong kinalalagyan ko.  Usually mga government funded ang projects nila dito sa isla.  Nakiki-subcontract lang din sa iba pang may construction business dito sa isla ang amo ko.  Though may iba pa siyang negosyo gaya ng paupahang inn at supermarket.  So bukod sa pagiging accountant, pwede akong maging substitute cashier sa supermarket or receptionist sa inn.  Kung wala ang incharge e ako ang magsubstitute.  In short, all around.  Multi-tasking ang peg.  Madaming sinabi ung amo kong lalake tungkol sa magiging work ko habang nasa byahe kami papunta sa village kung nasaan ang bahay at negosyo nila. Pero hindi ko na inabsorb lahat.  Sa loob loob ko, idiscover ko na lang ung mga sinasabi niya sa mga susunod na araw.  Saka ang summary lang naman ng lahat ng sinabi niya ay gawin ko ang trabaho ko bilang Accountant at iba pang iaassign niya sa akin ng maayos. As for me, I’m gonna live each day at a time dito sa islang ito.  At for the meantime, kakalimutan ko muna na CPA ako dahil mukhang dito sa isla e walang lugar ung lisensya ko at pagiging board passer.  Pero ang mas pumukaw sa pandinig ko ay ung sinabi ng amo ko na Pinoy din ang mga tauhan nya.  Buti naman. Atleast hindi all the time ay English ang magiging salita ko.  Kaka-nosebleed din kaya kung puro Inglisero ang makakausap ko.   From airport ay diniretso ako ng mga amo ko sa barracks na titirahan ko.  Barracks ang tawag nila sa bahay na tinitirahan ng mga tauhan nila. Halos katapatan lang ng barracks namin ung bahay ng amo namin at ung building nila kung nasaan ang inn at grocery. Doon pinakilala nila ako sa mga tauhan nila na andun.  Past 7pm na kaya halos lahat ng tauhan ay nandun na.  After nila ako iintroduce sa mga magiging kasamahan ko at ipakita ang aking magiging kwarto ay iniwan na nila ako.   May kanya kanya kaming kwarto na may sariling banyo at kitchen.  Ayos to, sa loob loob ko, hindi ako mapipilitang lumabas ng kwarto ko pag wala akong pasok unless maglalaba ako kung saan nasa likod ng common area ng barracks ang laundry area na may washing machine at drier. No need to make kusot kusot na hate ko dahil nagsusugat ang kamay ko pag naghandwash ako.  Siyam ung nakilala ko doon na tauhan din ni Bossing.  Dalawang mag asawa na tauhan sa grocery.  Sina Ate Neri at Kuya Paul at sina Kuya Ray at Ate Liza.   Ung natirang limang lalake naman ay sina Kuya Caloy, Kuya Leo, Kuya June, Kuya Sid at Kuya Rodel na tauhan sa construction. Puro may asawa na daw sila at nasa Pinas. Lahat sila e mas may edad sa akin kaya pwede ko silang tawaging mga kuya at ate.    “Dalaga ka pa ba Leci saka ilang taon ka na nga ba?” Tanong ni Kuya Caloy sa akin. “Ah eh, opo, Kuya. Dalaga pa po ako.  27 na po ako," Tila nahihiya kong sagot kay Kuya Caloy.  "Boyfriend? " Tanong naman ni Kuya Leo.  "Wala po. Wala pa po kasing nagkamali.”  Sabay tawa ko. “Sus, mas maigi nga iyon, Leci.  Wala kang sakit ng ulo. Hindi kontrolado ang mga galaw mo.” Ani ni Ate Neri. “Aba e sakit lang pala ako ng ulo sayo.  Ganun ba, Misis ko?”  Pabirong tanong naman ni Kuya Paul kay Ate Neri.  Natawa kaming lahat.  Biglang kabig naman si Ate Neri sa sagot niya. “Ang ibig kong sabihin sana e kagaya mo ung mahahanap ni Leci na hindi ako binibigyan ng sakit ng ulo at hinahayaan lang ako sa mga gusto kong gawin, Mister ko.” “Iyon naman pala ang ibig sabihin ni Mareng Neri, Pareng Paul.  Ikaw naman kasi mabilis kang mag react.”  Sabi naman ni Ate Liza. “Eh ako ba, Mahal, hindi din ba ako sakit ng ulo mo?” Malambing na tanong naman ni Kuya Ray kay Ate Liza. “Ay syempre naman, Mahal, hindi. Never kang naging sakit ng ulo sa akin.”  Tugon naman ni Ate Liza sabay ukyabit sa braso ni Kuya Ray.   “Uy.  Tama na nga iyan. Lalo tuloy naming namimiss ung mga asawa namin.  Saka baka biglang maghanap ng magiging boyfriend itong si Leci.”  Ani ni Kuya June. “Ay nga pala, Leci, may isa pa tayong kasamahan pero wala siya sa barracks ngayon.  Nasa kabarkada nya. Dun yata matutulog.  TJ ang pangalan nya. Siya bale ung tumatayong Foreman namin sa construction.”  Sambit ni Kuya Rodel. Hindi ko alam kung bakit pero may naramdaman akong kakaiba nung sinabi ni Kuya Rodel ung pangalan ni TJ.  I haven’t met him kaya nagtaka ako sa naging pakiramdam ko.    Parang may biglang talon akong naramdaman sa puso ko.  Bakit may ganun? Kalma lang sabi ko sa puso ko.   Pinilit kong inalis sa isipan ko ung pakiramdam na un habang nakikipagkwentuhan sa aking mga bagong kasamahan.  Nang mapansin nila na mag aalas diyes na ng gabi, sabay sabay na silang nagpaalam para matulog na. “Matulog ka na, Leci dahil kailangan mo ng lakas bukas.  Masasabak ka sa mga nakapending na papeles sa opisina ni Bossing” Sabi sa akin ni Kuya Caloy bago ako pumunta sa aking kwarto. “Sige po.  Salamat po. Good night po sa inyo.” Tugon ko naman.   Dahil siguro sa pagod ko sa byahe kaya hindi ako namahay ng gabing yon.  Nakatulog agad ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD