Chapter 3 (The First Encounter)

1138 Words
    Kinabukasan, maaga akong nagising at maaga ding natapos magprepare para sa pagpasok sa office kaya 7am pa lang e nasa labas na ako ng aking kwarto.  Dahil kakadating ko lang ay may palibreng food si Bossing simula kagabi.  Binigay sa akin ni Ate Liza kanina.  Ganoon daw talaga sabi ni Ate Liza.  May libre din daw akong tanghalian at hapunan mamaya.  Pero bukas daw, bahala na ako sa pagkain ko.  Buti na lang may baon akong dollars na panggastos.  Though provided naman halos lahat ang mga gamit sa kwarto gaya ng kama, kutson, unan, punda, bedsheet at kurtina pati na para sa kusina like butane na kalan, mga kaldero, plato at kubyertos.  Kung may kulang man na gamit ay saka na ako bibili sa pagsahod ko.  Nabanggit din ni Ate Liza na pwede kaming magcharge sa grocery store ni Bossing.  Though may monthly limit na $100.00.  Ikinakaltas na lang daw sa sahod.  Every two weeks kasi ang pasahod.   Mamaya pag out ko e bibili na lang ako ng stock ko at maglalakad lakad na din para maging familiar sa isla. Tutal 8am to 5pm lang naman ang pasok ko.  Monday to Friday lang pero pag kinailangan ng tao, required akong pumasok ng Sabado or Linggo. Ang opisina ay kadugtong ng grocery sa 1st floor at ung reception counter ng inn.  Samantalang ung mismong inn naman na paupahan sa mga turista ay nasa 2nd floor.  Usually daw mga Chinese at Japanese ang mga turista dito sa isla at mga taga kabilang isla. Walong kwarto yon.  Inilibot ako ni Bossing sa kabuuan ng building. Pagkatapos ay inorient niya ako sa mga gagawin ko sa opisina.  Syempre the usual accounting works pero may kasamang billing and collection para sa construction at purchasing or ordering of stocks para sa grocery.  Talagang susulitin ang pasahod sa akin, sa loob loob ko pero ok lang. Mas maraming work, mas busy at mas iwas homesick.  Nang umalis ang aking amo ay sinimulan ko na muna ang mag file ng mga check vouchers na naipon sa ibabaw ng table na nakaassign sa akin. Napagdesisyunan ko na magsesegregate muna ako ng  vouchers dahil magkakahalo ung mga voucher ng construction, inn at grocery. Para bang pagka-issue ng mga voucher ay pinatong na lang basta sa mesa. Hindi na inalintana kung para saang negosyo yon.  Naisipan kong sa sahig magsegregate tutal carpeted naman ang opisina saka sabi naman ni Bossing, hindi na siya babalik kaya mag-isa lang ako sa opisina.  Mas makakagalaw ako ng maayos at mas mabilis pag sa sahig ako magsegregate ng mga vouchers dahil mas malaki ung space.  Malapit ng mag 12 ng tanghali ng may biglang nagsalita, “Hello. Good morning.”   Medyo nagulat ako kaya nasabi ko, “Ay kabayo!” “Tao po ako, hindi kabayo.” Sabi ng lalaking nakatayo sa may pinto ng opisina at nakatingin sa akin. Nakangiti naman ito sa akin. Hindi man siya kasing gwapo ni Hyun Bin pero may dating.  Ung tipo na hindi mo pagsasawaan na tignan ang mukha niya.  Halos kasing tangkad ko lang at moreno ang kulay.  Mukhang kaedad ko lang din.  Parang Piolo Pascual ang dating pero… Ay basta may itsura siyang sapat lang sa standards ko. “Ay, Sorry!  Nagulat lang po ako.  Hindi ko po sinasadya.  Hindi naman ikaw yong tinawag kong kabayo.” Nahihiya akong sumagot sa kanya.   “Wala yon.  Pasensya na din at nagulat kita. Ako nga pala si TJ.  Ikaw siguro si Leci ang bagong accountant ni Bossing.” Sabay abot ng kamay niya sa akin.  Nakatayo na siya sa harap ko. “Ah, OO. Ako nga si Leci.  Nice to meet you TJ.” Sagot ko naman habang iniabot ko din ang aking kamay para makipag handshake sa kanya.  Siya pala ang TJ na sinasabi ng mga kasamahan namin kagabi. May naramdaman akong tila kuryente nang magdaiti ang mga kamay namin.  Ano ba, Leci? Anyare, girl? Potek. Para namang first time mong makipag handshake.  Agad kong binawi ang kamay ko sa takot na maramdaman ng kaharap ko ung kuryenteng naramdaman ko at dali dali akong tumayo. “May kailangan ka ba?” Patay malisya kong sambit agad nang makatayo na ako sa harap ni TJ. “May pinapakuha kasing papeles si Bossing. Nakafolder daw yon. Sabi nya, kunin ko daw sayo.” Nakangiting tugon sa akin ni TJ. “Ganun ba. Wala kasi siyang ibinilin pero baka nabanggit naman niya kung saan nakalagay para kunin ko.” Sagot ko kay TJ. Ang relaxing ng ngiti niya pati ang mga mata niya. Naku talaga naman, Leci. Behaved, Leci, ani ng utak ko.  “Sa ibabaw daw ng filing cabinet malapit sa mesa niya.  Nakalimutan daw niyang dalhin kanina sa pagmamadali niya.  Ayun yata.” Sabay turo ni TJ sa folder na nasa ibabaw ng filing cabinet. “Ah iyon nga siguro.  Sandali kukunin ko lang.”  At medyo nagmamadali akong lumapit sa filing cabinet para kunin ang folder.  Nang ibibigay ko na kay TJ ang folder ay natalisod ako sa isang kahon na nasa lapag na hindi ko napansin na nandoon.  Masusubsob sana ako kung hindi ako nasalo at nahawakan agad ni TJ sa magkabilang braso ko.  Ang resulta, kay TJ ako napasubsob.  Muntik ng magtama ang aming mga labi kung hindi ko lang agad naiiwas ang aking mukha sa mukha ni TJ.   Sa balikat nya tumama ang mukha ko.  Ay naku, Leci, ngayon ka pa talaga sinumpong ng pagiging clumsy mo.  Nakakahiya talaga.  “OK ka lang ba, Leci?” Halatang may halong pagaalala ung tanong ni TJ.  Ramdam ko din ang hininga nya sa leeg ko. “Ha? Ah e Oo, TJ. Salamat ha.” Nahihiyang sagot ko sa kanya.  Agad akong bumitaw sa pagkakahawak ko sa balikat ni TJ.  Ang firm ng balikat nya in fairness.  Ilan kaya abs nya? Iyan pa talaga Leci ang inisip mo.  Gusto kong batukan ung sarili ko. Napahiya na nga ako e iyon pa talagang abs ang inintindi ko. Bumitaw na din si TJ sa bagkakahawak sa braso ko. “Sigurado ka bang ok ka na?  Wala bang masakit sayo, Leci?” Tanong ni TJ sa akin. Ung pride ko masakit, sagot ng isip ko.  Kasi naman kakakilala lang namin ni TJ, nasaksihan niya agad ang clumsiness ko. “Wala naman, TJ.  Salamat ulit.  Sige na baka hinahintay ka na ni Bossing.”  Giya ko sa kanya para hindi na niya makita na namumula na ang mukha ko sa kahihiyan. “Sige, aalis na ako, Leci.  Ingat ka ha.” Ani ni TJ.   Hinagod pa niya ako ng tingin na tila may pag-aalala bago tuluyang lumabas ng opisina.  Pag-aalala talaga? Assuming ka naman girl.  Kakakilala mo lang sa tao may nalalaman ka pang pag-aalala na agad.  Naiiling na lang akong pinagpatuloy ang ginagawa ko. Pilit kong pinayapa ang isip at puso kong kanina pa malakas ang kabog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD