Chapter 4 (Sa Dalampasigan)

946 Words
   Pag-out ko ng alas singko ng hapon ay bumili na ako ng mga pwede kong iluto sa mga susunod na araw.  Sa grocery na lang ako ni Bossing namili.  Nakakahiya din naman kung sa iba pa ako bibili.  Though may iba pang grocery store akong nakita na malapit din sa barracks.  Saka na lang ako titingin sa iba tutal halos lahat naman ng kailangan ko ay meron sa grocery ni Bossing. Pagkatapos kong mailagay sa kwarto ko ang mga pinamili ko ay napagdesisyunan kong maglakad-lakad sa tabing dagat.  Tanaw kasi mula sa barracks ang dalampasigan at ang dagat.  Nakakaengganyong puntahan ung kulay asul na dagat.  Tutal may pagkain naman ako mamayang hapunan kaya hindi ko kailangang magluto.  Paglabas ko ng barracks ay nakasalubong ko sina Kuya June at Kuya Rodel.  Medyo madusing pa sila kasi nga galing sila sa construction project ni Bossing. “Saan ka pupunta, Leci?”  Tanong ni Kuya June. “Maglalakad-lakad lang po, Kuya June, sa tabing dagat.” Tugon ko naman. “Maganda yan para malibang libang ka at iwas homesick.” Sabi naman ni Kuya Rodel. “Sige po, mga Kuya.  Alis po muna ako. Mamaya na lang po.” Sagot ko naman sa kanila.  "Sige, Leci." Sabay pa nilang sagot sa akin.  Nagpatuloy na ako sa paglakad palabas ng barracks.  Sa isang sulok ng aking mga mata ay nakita ko si TJ. May kausap na lalake sa kabilang kalsada sa harap ng grocery ni Bossing.  Nakita kaya niya ako?  Nakatingin ba siya sa akin? Na-conscious naman akong bigla.  Nagkunwari na lang akong hindi ko siya nakita at pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko papuntang tabing-dagat. Walang tao sa tabing-dagat. Nakakarelax ang tunog ng alon sa dagat at ang view ng papalubog ng araw.  Ako lang mag-isa nung mga oras na yon kaya naisipan kong umupo sa dalampasigan nang halos naka-kalahating oras na yata ako sa paglalakad.  Dala ko ang cellphone ko kaya nakapag-selfie selfie ako.  Isesend ko sa groupchat namin nina Kris at Alyssa bukas pagpasok ko sa opisina pati na din kay Nanay.  Buti na lang may internet sa opisina.  Kailangan ko na nga palang magtanong kina Ate Neri kung paano ko magagamit ung dala kong cellphone dito sa isla.  Musta na kaya si Nanay saka ung 2 power puff?  Namimiss ko na sila.  Hindi pa ako nakakatawag sa amin. Masyado yatang malalim ang iniisip ko kaya di ko namalayan na may tao na palang nakatayo sa may gilid ko.  Medyo nagulat pa ako ng may biglang nagsalita.  “Pwedeng makiupo?” ani nito. Tiningala ko kung sino ang nagsalita.  Si TJ.  Ano ginagawa niya dito? Ang hilig naman niyang manggulat. Ako naman nagiging magugulatin. Kainis.  “Ah eh o-oo naman.  Pwede naman.” Halos magkanda-utal ako sa pagsagot sa kanya.  Agad kong naramdaman na tumalon-talon ung puso ko.  Ano ba? Kalma lang puso.  Makikiupo lang ung tao.   Umupo nga siya sa malapit sa akin.  Halos isang tao ang pagitan namin.  Hay, salamat at hindi siya tumabi ng malapit sa akin.  Atleast may pagitan.  Baka marinig niya ung t***k ng puso ko at ung mga paru-paro sa sikmura ko na nagsisimula na namang magliparan. “Madalas ka dito?”/”Ang ganda di ba.”  Magkasabay naming salita.  Natawa kami pareho.   “Sige mauna ka na sa sasabihin mo.” Sabi ko kay TJ. “Ang ganda di ba ng papalubog na araw.  Nakakarelax tignan.  Pati ung dagat. Nakakakalma ng isip.”  Ani ni TJ. Nakatingin siya sa dagat at sa papalubog na araw.  “Oo kaya nga naisipan kong pumunta dito para maglakad-lakad.” Pagsang-ayon ko naman sa kanya. “Madalas ka bang pumunta dito?”  Tanong ko kay TJ. “Minsan lang pag gusto kong marelax.  Madalas kasi nasusundo ako ng mga kaibigan ko kaya hindi ako masyadong nakakapunta dito.  Saka pagod na din kasi ako pagkagaling sa construction tapos need ko pang magluto ng pagkain ko.” “Ah.”  Maikling tugon ko sa kanya.  Hindi ko na kasi alam kung ano pa ang sasabihin sa kanya.  Nahihiya naman akong magurirat about sa kanya kasi baka akalain nya feeling close naman agad ako. Ilang saglit kaming natahimik.  Pareho kaming nakatanaw sa papalubog na araw.  Though hindi ko maiwasang mapasulyap ng palihim sa kanya.  Ang ganda pala ng mga mata niya. Medyo mahaba ang pilikmata saka ung labi nya medyo mapula.  Mukhang hindi siya naninigarilyo kasi hindi maitim ang labi niya.  Biglang tumingin sa gawi ko si TJ.  Agad ko namang binawi ang tingin ko sa kanya.  Nakita kaya niya akong nakatitig sa kanya?  Naku, Leci, nakakahiya ka talaga. “May asawa ka na ba, Leci?”  Biglang tanong ni TJ sa akin. “Wala.  Dalaga pa ako. Ikaw?”  Balik kong tanong sa kanya. “Wala din. Binata pa ako.”  Sagot naman niya sa akin.  “Wala kang naiwang boyfriend sa Pilipinas?” Dagdag na tanong sa akin ni TJ. “Wala.  Bakit mo naman natanong?”  dagdag tanong ko kay TJ. “Wala naman.  Natanong ko lang.”  Nakangising sagot ni TJ sa akin.   Tumayo siya. “Tara na.  Uwi na tayo sa barracks.”  Sabi ni TJ sabay lahad ng kamay niya sa akin para alalayan akong tumayo. “Mauna ka na.  Gusto ko pang mag stay dito.”  Sagot ko naman sa kanya.  Hindi sa gusto ko pa talagang mag stay.  Ayaw ko lang sumabay sa kanya kasi nga kumakabog ang dibdib ko. Ayaw mapanatag habang kasama ko si TJ.  “Kung ganon e mamaya na lang din ako uuwi.  Sasamahan na lang muna kita dito.” Sabay upo sa tabi ko pero ngayon mas malapit na siya sa tabi ko umupo.  Magkakabungguan na ung mga balikat namin sa lapit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD