Chapter 5 (Getting to Know Each Other)

681 Words
   Kung kanina ay tahimik lang kami habang nakatitig sa dagat, ngayon ay nagsimula nang magtanong si TJ tungkol sa akin at ganun din ako sa kanya.  Panganay siya sa limang magkakapatid na puro lalaki.  Taga-Baguio siya.  Pure Togori (binaliktad na Igorot) sabi nga nya.  Limang taon na siyang nagwowork dito sa isla.  Civil Engineering graduate siya pero dahil  sa job opportunity dito sa isla ay hindi na siya nagtake ng board exam.  Pagka-graduate ay lumipad na siya dito tutal naman daw it doesn’t matter naman daw dito sa isla kung professional ka man o hindi. Pantay pantay lang din naman daw ang mga Pinoy dito.  Pare parehas na OFW. At ang tingin ng mga locals sa mga Pinoy dito e katulong na kahit ano ang iuutos nila ay kailangan sundin. Kunsabagay, ganoon naman yata ang thinking kahit saang parte ng mundo. Pero sabi nga niya, mababait naman ang mga tao dito gaya nina Bossing pero hindi maiiwasan na may discrimination lalo na wala kami sa sariling bansa namin.  Saka un nga may apat pa siyang kapatid na nag-aaral that time kaya need niyang makatulong sa mga magulang niya.   Magka-edad lang kami.  January  siya samantalang ako ay March naman pinanganak.  Ung dalawang kapatid niya ay may asawa na.  Ung isa naman ay nagtratrabaho na din.  Samantalang ung bunso na lang nila ang nag-aaral.  Dati din daw nagwork dito sa isla ang tatay niya.  Nung dalawang taon na si TJ na nandito sa isla ay nagdesisyon ang tatay niya na umuwi na for good sa Pilipinas.  Tutal naman daw ay  nakagraduate na ung dalawang kapatid niya saka sapat naman na ung income nila sa paupahan nilang transient house sa Baguio sa daily expenses nila sa bahay.  Tinanong din niya ako kung bakit naisipan kong mag abroad, ganung CPA naman daw ako.  Sinabi ko na lang sa kanya na gusto ko lang maranasan kung paano magtrabaho abroad. Hindi ko sinabi sa kanya na maski sa sarili ko ay hindi ko din alam kung bakit hindi ko mahindian ung job offer na to at gusto kong tuklasin ung rason na yon.  Ayoko din kasing isipin ni TJ na sa edad kong ito na 27 ay impulsive ako at walang specific na plano or direksyon sa buhay.   Marami pa kaming napag-usapan gaya ng tungkol sa isla, kina bossing at pamilya nito, sa mga kasamahan namin at kung ano ano pa.   Unti-unti ay wala na akong naramdamang pagka-asiwa sa kanya.  Hindi din ako nabored sa pakikipagkwentuhan sa kanya.  Pinakiramdaman ko ung sarili ko pero wala na talagang pagka-asiwa. Panatag ang pakiramdam ko.  Relaxed lang pwera lang sa manaka nakang mga paru parung lumilipad sa sikmura ko pag nagkakatinginan kami. Nang mapansin naming nag-ilaw na ung street light sa poste ay nagdecide na kaming umuwi ng barracks.  May agwat kami sa paglalakad.  Sinadya ko na wag sumabay sa kanya.  Pinauna ko siya ng ilang hakbang para mapagmasdan ko siyang mabuti.  Gusto kong makita kung paano siya maglakad at ung kabuuan niya.  Pero lagi niya akong hinihintay pag nakikita niyang lumalagpas na sa dalawang hakbang ang pagitan namin. Pagtapat namin sa isang restaurant na malapit sa barracks ay bigla siyang nagsalita.  “Kain muna tayo, Leci.” Aya ni TJ sa akin. “Huwag na.  May pagkain kasi ako sa barracks.  Galing kay bossing.”  Sagot ko naman sa kanya.  “Ah oo nga pala.  Free food ka today.  Baka magalit pa si Ma’am pag nalaman na hindi mo kinain ung food na bigay nila.  Bukas na lang tayo kumain.  Diyan tayo mag-dinner.  Libre kita.”  Ani ni TJ. “Ha? Naku.  Huwag na, TJ.  Nakakahiya naman sayo. Kakakilala lang natin eh ililibre mo na agad ako.”  Pag-decline ko sa alok niya. Nakarating na kami sa tapat ng barracks ay patuloy pa din kaming nagpipilitan about sa pag-aya niyang magdinner kami bukas. “I would not take No for an answer.  Kaya bukas ng 6pm e susunduin kita sa kwarto mo.  OK, Leci?  No more buts.  Diyan ka na muna. Basta bukas ha.”  At iniwan niya ako sa harapan ng barracks na iiling-iling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD