Chapter 6 (A Family Away from Home)

847 Words
     Dinatnan ko si Ate Liza sa common area ng barracks na nag-aayos ng kanyang labahin. Samantalang nakaupo naman sa kabilang sulok sina Kuya Rodel at Kuya June. Bale 9 ang kwarto ng barracks namin at may maluwag na common area kung saan may tv, ref, water dispenser, picnic table na nagsisilbing dining table namin at sofa.  “O Leci, andyan ka na pala.  Ung hapunan mo andyan sa mesa.  Dinala nung anak ni Sir na si Joey.”  Tugon niya sa akin. “Hi, Ate at mga Kuya.”  Bati ko sa kanila.  “Salamat, Ate.”  “Bakit ikaw lang?  Asan si TJ?  Natanaw ko kayong magkasama kanina ah.”  Tanong ni Ate Liza. “Ah. Eh.” Hindi ko alam kung ano isasagot kay Ate Liza.  Hindi ko naman talaga alam kung saan pupunta si TJ.  Buti na lang biglang nagsalita si Kuya June. “Malamang pumunta sa kabarkada na naman niya si TJ.  Ganun naman talaga yon.  After ng trabaho, sa kabarkada niya naglalagi.“   Agad na sagot ni Kuya June.   “Pero mabait si TJ saka masipag at responsable.  Wala kaming masasabing pangit na ugali ni TJ. Un nga lang masyadong malihim.  Wala kaming nababalitaan na nililigawan or kung may GF yan dito sa isla.”  Dagdag naman ni Kuya Rodel. “OO nga.” Sabi ni Ate Liza.   “Malamang ay ikaw pa lang, Leci.”  Biglang sabi ni Kuya June na nakangiti sa akin. “Ang alin pong baka ako pa lang, Kuya June?”  Medyo naguluhan kong tanong. “Baka ikaw pa lang ang mabalitaan naming liligawan o maging GF ni TJ.”  Sagot ni Kuya June.   “Ay, pwede yan, Pareng June” Segunda naman ni Ate Liza.  Nag-appear pa sila ni Kuya June. “Pag nagkatotoo yan, makakahigop na tayo ng mainit na sabaw.”  Dagdag naman ni Kuya Rodel. Asar talo ako sa tatlong eto, sa loob loob ko.  Ramdam kong nag-init ang pisngi ko at tiyak ko ay namumula na ito. “O, Leci, bakit ka namumula?”  Tanong sa akin ng kadarating lang na si Ate Neri kasunod sina Kuya Paul at Kuya Ray.  Ang linaw naman ng mata ni Ate Neri at napansin agad ang pamumula ng mukha ko. Nakupo nadagdagan pa ang Team Tukso.  Sarado na ang grocery kaya andito na silang lahat. Kinuwento agad-agad ni Ate Liza ang naganap na pagreto nila kay TJ sa akin.  “Aba may bagong love team pala tayo dito sa barracks ah.”  Ani naman ni Kuya Ray. “Oo.  Magkasama nga sila kanina. Natanaw ko sila.” Sabi ni Ate Liza. “Kaya pala kanina, nagmamadaling naglinis si TJ ng sarili niya at nakabihis ng lumabas ng kwarto niya.  Sinundan ka pala sa tabing dagat.”  Gatong naman ni Kuya Sid na nakiumpok na din sa amin sa common area. Pwedeng maging writer tong mga kasama ko.  Ang galing magdugtong dugtong ng kwento sa loob loob ko. “Mukhang may balak nga ung manok natin, mga pare.”  Sabi ni Kuya Paul. “Basta ang masasabi ko lang, wala namang masama, Leci na ligawan ka at kung sakaling maging kayo ni TJ.  Pareho naman kayong walang pananagutan pa.  Pero kilalanin niyo muna ang isa’t isa.  Huwag kayong magmadali sa desisyon nyo ha, Leci.  Pero kilala namin si TJ. Hindi kami mapapahiya sa pagreto namin kay TJ sayo, Leci.  Wala kaming masasabing masama tungkol kay TJ dahil maayos makisama si TJ at kahit siya ang Foreman namin, lagi namang andoon ang paggalang niya sa amin. Eto ay payong kapatid lang naman.  Saka tandaan mo, Leci, na andito kami para sa’yo kung kailangan mo ng makakausap or pag need mo ng advice or kahit anong tulong na kakailanganin mo.”  Sabi ni Kuya June. “Tama.” Halos sabay sabay silang sabi. Lahat sila ay nakatingin sa akin na may ngiti sa labi.  Halatang-halata na excited sila sa kahihinatnan ng “istoryang” binuo nila at ung sincerity sa sinabi ni Kuya June na willing silang tulungan ako. “Hay naku, mga Ate at mga Kuya.  Parang masyadong advance naman po yan.  Saka baka hindi po ako ung tipo ng babae ni TJ.  Pero maraming salamat po sa concern nyo.  Na-touch naman ako kasi kahit bago lang ako dito ay nafeel ko na tanggap nyo agad ako.”  Masaya kong sabi sa kanila. “Hay naku, Leci.  Ano ka ba?  Pamilya tayo dito.  Wala namang ibang magdadamayan kung hindi tayo-tayo din.  Kaya wag kang mahihiya sa amin ha.  Mga ate at mga kuya mo kami habang andito ka sa isla na ‘to.”  Sagot ni Ate Neri. “Saka bakit ka naman hindi magugustuhan ni TJ e maganda ka naman, Leci, saka mukhang mabait ka naman.” Ani ni Kuya Rodel. “Korek.” pagsang-ayon ni Ate Liza. Masaya kaming kumain sa common area.  Natapos na kaming kumain at isa isa ng nagsipasukan sa aming mga kwarto ay ni anino ng ka-“love team” ko ay wala pa.  Nakatulugan ko na ang pag-iisip kung nasaan na nga ba si TJ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD