Saktong 5pm ay lumabas na ako sa opisina. Maghapon na naman akong magisa dahil wala si Bossing. Sabi nga nila, mas naglalagi daw sa construction site ang amo namin. Si Ma'am naman daw ay hindi din madalas pumupunta sa opisina dahil siya ang nag-aalaga sa biyenan niya na matanda na. Pero mas gusto ko yon kasi mas makakapagtrabaho ako ng maayos. Walang mga matang nakabantay sa bawat kilos ko or mag-uutos sa mga gagawin ko. Nag umpisa na akong mag-encode ng mga vouchers sa ginawa kong format using MS Excel ng Disbursements Book per company. Bukas ung Receipts Book naman ang aatupagin ko at pagtawag sa mga supplier sa kabilang isla ng mga order namin para sa grocery. May iniwan si Bossing na listahan ng mga oorderin sa mesa ko na may note na ang bilin ay sa petsa bukas ko iorder at ung telephone book na naglalaman ng mga contact number ng suppliers.
Dumaan ako sa grocery para iinform si Ate Neri na mag-out na ako. Siya ang nakaduty as cashier sa grocery.
“Ate, out na po ako.” Paalam ko kay Ate Neri.
“Ah sige, Leci. Mag-ready ka na. Balita ko mag didinner daw kayo ni TJ mamaya.” Masaya niyang tugon sa akin. Halatang kinikilig pa.
“Ha? Sino naman po nagbalita nyan sayo, Ate?” Patay malisya kong tanong.
“Si Pareng June. Nacorner daw nila si TJ kanina. Ayon, umamin daw na inaya or aayain ka yata niyang magdinner mamaya.” Sagot ni Ate Neri.
“Maniwala ka naman dun, Ate. Baka kwentong barbero lang po yun.” Tugon ko naman.
“Hay, naku. Sige na, Leci. Umuwi ka na sa barracks para makapag-beauty rest ka man lang kahit sandali para fresh ka sa date nyo ni TJ.” Taboy sa akin ni Ate Neri. “Kwentuhan mo ako ha.” Dagdag pa niya na mukhang mas excited pa kesa sa akin.
"Sige po." Ani ko kay Ate Neri. Wala na akong nagawa kundi lumabas na ng rocery. Naku, TJ, humanda ka sa akin. Masyadong napublicize tong dinner treat mo.
Pagpasok ko sa barracks ay siyang dating din nina Kuya June, TJ at Kuya Sid.
“O, TJ, ayan na pala si Leci. Sakto dating natin.” Bungad ni Kuya Sid.
“Leci, mamayang alas sais ha. Ung usapan natin.” Kakamot-ulong sabi sa akin ni TJ.
“Aling usapan?” Tanong ko. Kunwaring hindi ko alam ang sinasabi niya.
“Ano ba naman kasi yan, TJ? Mali naman yang diskarte mo. Ayusin mo kasi pakikipag usap kay Leci.” Tudyo ni Kuya June kay TJ na tila takang-taka sa sagot ko.
“Iwan muna natin sila, Pareng June, para makadiskarte ng maayos yang bata natin.” Aya naman ni Kuya Sid kay Kuya June. Pabiro pa nilang tinulak ung “bata” nila palapit sa akin.
Nang maiwan kaming dalawa ni TJ ay humarap ito sa akin.
“Di ba magdidinner tayo?” nakatitig na tanong sa akin ni TJ. Abot tenga pa ang ngiti ng loko.
“Tuloy ba un?” Patay malisya pa din akong sagot sa kanya. Walang emosyon ang mukha ko. Pinipigilan kong ngumiti kasi naman tong lalakeng nasa harap ko e kahit na medyo gusgusin e lalo pang gumwapo ang dating sa akin.
“OO naman. Maliligo lang ako sandali at aalis na tayo.” Tugon niya.
“May kasalanan ka sa akin.” Naniningkit ang mata ko kunwari sa inis na sabi ko sa kanya.
“Mamaya na natin pag-usapan yang sinasabi mong kasalanan ko sayo. Ayokong ma-late sa pagsundo sayo. 45 minutes na lang. Kailangan kong magready na para presentable ako sayo mamaya.” Kinindatan pa ako at tinungo ang kwarto niya. "See you later, Leci." Pahabol pang salita ni TJ.
Tila nagmamaktol akong naglakad papasok sa kwarto ko. Naiinis na nangingiti ako sa lalakeng yon. Akala ko kaming dalawa lang ang nakakaalam tungkol sa dinner na to. Yun pala e buong barracks na ang may alam. Aaminin ko may kilig akong nararamdaman. Nagsimula ng magliparan na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Naeexcite ako sa dinner na to. Pero relax lang puso. Masyado pang maaga para maexcite. Kakakilala mo pa lang sa kanya. Ienjoy mo lang muna tong dinner treat na to ni TJ, Leci.