ANG MIRA AT ANG PIREA

1891 Words

“MAY SAKIT ba si Zea at bigla na lang siyang nawalan ng malay?” tanong ni Karl na pabalik-balik ng lakad sa harapan ni Jus na nakaupo naman sa couch na nasa sala. Iniwan muna nilang nagpapahinga si Zea sa loob ng silid nito. “Ang sabi ni Icen ay wala naman daw itong problema. But he suggested na kailangan ni Zea magpa-laboratory test. Baka may sakit siyang hindi natin alam… na sana’y wala.” “Kung ganoon ay gawin na sa lalong madaling panahon.” Tumango si Jus sa sinabi ni Karl. Napansin niyang maayos naman ang lagay ni Zea kanina. Nawalan lamang siya ng malay nang mahawakan nito ang singsing na pag-aari ni Ameera. “Kahit si Res at Ereneya ay abala ngayon. Dapat ay may kasamang babae rito si Zea. Mamaya baka may dinaramdam na ito at hindi lang nagsasabi dahil ayaw makaabala. Alam mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD