ANG PANAGINIP NI ZEA

1588 Words

NAGLALAKAD-LAKAD si Jus sa kakahuyan nang hindi niya napansing nakarating na pala siya sa kubo na pinagdalhan niya kay Ameera. Sandali pa siyang huminto dahil baka naroon pa ang diwata. Baka isipin nitong sinadya niyang magpunta roon para makita ito. Ngunit walang narinig na pagkilos si Jus mula sa loob ng kubo. Napahinga siya nang maluwag at marahang tinungo ang pintuan ng kubo. Nang makapasok siya’y sumalubong sa kaniya ang katahimikan. Wala na roon ang diwata at marahil ay nakabalik na sa mundo nito. Iginala ni Jus ang paningin sa buong silid. Ang totoo’y labis din siyang nag- aaalala kay Ameera ngunit ayaw niyang malaman iyon ng kaibigang si Karl. Siguradong makakatikim siya ng kantyaw mula rito. Hindi naman totoong wala siyang pakialam sa kakilala lamang na diwata ngunit ayaw niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD