ANG PAGKIKITA

1199 Words
MALAYO na ang tinatakbo ni Ameera ngunit ayaw pa rin niyang tumigil at panaka-nakang nililingon ang pinanggalingan upang tingnan kung may sumusunod pa rin sa kanya. Nagkakandasugat na ang kanyang mga braso, binti at paa sa kung anong sanga ng kahoy ang tumatama sa kanya at tinatapakan niya. Labis na rin ang panunuyo ng kanyang lalamunan ngunit kailangan niyang makalayo mula sa mga humahabol sa kanya at sa nagtatangkang kitilin ang kanyang buhay. Itinaas niya ang laylayan ng mahaba niyang kasuotan upang hindi makasagabal sa kanyang pagtakbo. Nang makakita ng mataas na bakod ay napatigil siya sa kanyang pagtakbo at tiningala ang lampas taong bakod. Gawa iyon sa manipis na bakal at matutulis ang dulo. Muli ay nilingon niya ang pinanggalingan at sa matalas na pandinig ay narinig niya ang mabilis na pagsipol ng hangin sa hindi kalayuan, ibig sabihin ay malapit na sa kanyang kinaroroonan ang mga humahabol sa kanya. Kailangan niyang makapagtago. Kailangan niyang mailigtas ang sarili mula sa kalaban. Bumwelo siya. Inubos ang natitira pang lakas at tinalon ang may kataasang bakod at dahil sa hindi sapat ang lakas dahil sa ilang oras na pagtakbo ay nasagi ng matulis na dulo ng bakod ang kanyang hita. Pabagsak na lumapag siya sa loob ng lupaing nababakuran at mariing hinawakan ang nagdurugong hita kasabay ng pagngiwi. Nang sipatin niya ang sugat ay mahaba iyon at mahapdi. Pinilit niyang makatayo. Paika-ikang naglakad siya palayo at sumandal sa katawan ng malaking puno. Nang lingunin niya ang direksyon ng mga humahabol sa kanya ay wala siyang nakikita o naririnig. Pinunit niya ang laylayan ng kanyang kasuotan at itinali sa kanyang nagdurugong sugat. Pagkatapos ay marahang naglakad, nagtatago sa bawat punong madaraanan niya upang hindi siya makita ng mga humahabol sa kanya. Paika-ika siyang naglakad hanggang sa makarating siya sa isang sapa. Nilinga niya ang paligid upang siguraduhing walang sinuman ang naroon. Agad siyang yumuko sa tubig at sumalok gamit ang kanyang mga palad at dinala iyon sa bibig. Uhaw na uhaw siya sa pagtakbo at ang malamig na tubig ng sapa ay tila nagpanumbalik ng kaunting lakas sa kanyang katawan. Nilinga niya ang paligid. Tahimik. Yumuko siya lalo na tila nakadapa na sa pangpang upang ilublob ang mukha sa malamig na tubig. Ngunit nang mag-angat siya ng ulo ay natigilan siya nang may marinig siyang munting kilos sa paligid. Agad siyang tumayo at paika-ikang umalis at nagtago. Sa kakamadali ay hindi niya napuna ang ugat ng puno na nakatikwas mula sa lupa at sumabit ang paa niya roon. Impit ang sigaw na nagmula sa kanyang lalamunan at ang sumunod na nangyari ay ang pagbagsak ng buong katawan niya sa lupa at pagtama ng kanyang noo sa bato bago tuluyang nagdilim sa kanya ang lahat. NATIGILAN si Justin nang may marinig siyang impit na sigaw mula sa hindi kalayuan. Kung hindi siya nagkakamali ay boses ng babae ang kanyang narinig. Si Ereneya? bulong ng kanyang isip. Ngunit imposibleng naroon ngayon si Ereneya sa kakahuyan dahil nasisiguro niyang hindi ito papayagan ng kaibigan niyang si Res maliban sa magkasama ang mga ito. Ngunit dahil sa kursyudad ay tinungo niya ang pinanggalingan ng sigaw. Sa hinuha niya ay malapit iyon sa sapa kaya tumungo siya roon. Pagdating niya sa sapa ay natigilan siya at bumilis ang t***k ng kanyang puso nang may makita siyang isang babae na nakadapa sa lupa at tila walang malay. Mabilis itong nilapitan ni Justin at sinuri. Hinawi niya ang mahaba at alon-alon nitong buhok na nakatakip sa mukha ng babae at sunod-sunod ang ginawa niyang pagmura nang makitang may umaagos na sariwang dugo mula sa gilid ng noo nito. “Damn!” Ininspeksyon niya ang katawan ng babae at maliban sa sugatang hita na may nakataling tela na pinunit mula sa laylayan ng suot nito ay wala na itong ibang sugat. Itinihaya ni Jus ang babae at marahang binuhat. Nilinga niya ang paligid at nagpasyang dalhin ang babae sa ilalim ng lilim ng punong mangga. Isinandal niya ang babae sa katawan ng puno at ilang sandaling pinagmasdan. She’s beautiful. Really beautiful. Kahit nakapikit ang walang malay na babae ay mahahalatang maganda ang mga mata nito na binagayan ng malalantik na pilik-mata. Maliit at matangos ang ilong. Bumaba ang mga mata ni Justin sa labi nito at hindi niya napigilan ang mapalunok. Why, her lips seemed to be inviting even in her unconcious state! Her lips was so sensual, promising untold delights and he wondered how sweet her lips could be. Napipilitang inalis ni Justin ang tingin sa labi ng walang malay na babae. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng suot ng walking short at itinali sa sugatang noo nito. Sa anyo nito ay tila tumakbo ito ng pagkahaba. Marumi ang mga braso at ang suot nito. Kahit ang mga binti nito ay may mga sugat. He thought her legs to be endless! Hindi maikakailang matangkad na babae ito. Kahit sa maruming hitsura ay hindi maipagkakailang galing ito sa may kayang pamilya. Ngunit ano ang ginagawa nito roon sa lupaing pag-aari ng kanyang kapatid? Paano itong nakarating doon at bakit ganoon ang kanyang hitsura? May humahabol ba rito? May pinagtataguan? Binalik ni Justin ang tingin sa suot ng babae at sa ilang sandaling pagkatitig sa kasuotan nito ay napakunot ang kanyang noo. Hindi pangkaraniwan ang suot ng walang malay na babae. May mga adorno ang kanyang damit na nang hawakan niya ay napagtanto niyang mamahaling bato. Ang kasuotan nito ay gawa sa sutla. Kahit ang suot na hikaw nito ay tila totoong perlas. She’s even wearing a small tiara na sigurado siyang hindi peke. Ang ayos nito...tila ito nanggaling sa ibang mundo. Ibang mundo? Muli ay napatitig siya sa mukha ng babae at natawa ng bahaw. Imposible iyon. Marahil ay nasanay siyang ang mga magagandang babaeng nakikita niya katulad ng kaharap niya ngayon ay mga engkantada katulad nina Eira at Ereneya. Napakaimposibleng isang engkantada ang babaeng nasa harap niya. Marami din namang magagandang babae sa lupa at hindi imposibleng isa ito sa mga iyon. “Aniya...” narinig niyang ungol ng babae. “Miss?” tawag ni Justin sa kanya. Biglang napamulat ang babae at sa hindi inaasahan ay umangat ang kanang kamay nito at lumabas roon ang bola ng apoy! “Sino ka?” nahintakutang tanong nito kay Jus na dala ng matinding pagkagulat ay napaatras at napaupo sa damuhan. “Sino ka? Isa ka bang tauhan ni Argon?” He was lost for words for a moment. “Hindi kita maintindihan. Ako ang dapat magtanong sa ‘yo kung sino ka at ano ang ginagawa mo rito sa lupaing pag-aari ko!” Bigla ay natauhan ang babae at naglaho ang apoy sa palad nito at mabilis na itinago ang palad sa likod. Nasa mga mata pa rin nito ang labis na takot. “Too late to hide that. Nakita ko na ang ginawa mo. Ngayon, sabihin mo sa akin kung sino ka at kung anong klaseng nilalang ka!” tila kulog ang boses na wika ni Justin. Napatitig ang babae sa madilim na mukha ni Justin kasabay ng mabilis na pagtaas-baba ng dibdib. “Ameera ang ngalan ko at...at isa akong...diwata.” Justin uttered some expletives. Diwata? What the f*ck is going on?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD