KANLUNGAN

1846 Words
“AMEERA ang ngalan ko at...at isa akong...diwata.” “Pinagloloko mo ba ako?” hindi napigilang bulalas ni Jus na sinabayan nang malalim na pagkunot-noo. Tumayo siya at sa nanghihinang katawan ay tumayo rin ang babae. Sinuri ng tingin ni Jus ang babae. Halos kaunti lamang ang itinangkad niya rito. Labis ang pagkalitong rumehistro sa mukha ng babaeng nagsasabing isa itong diwata. “Kung sino ka man ay umalis ka na sa lugar na ito. Wala akong panahong makipagbiruan sa ‘yo.” “Hindi, Ginoo. Hindi ako nagbibiro. Hindi ko sinasadyang mapadpad sa lugar na ito. Hindi ko alam na dito ako dadalhin ng lagusan mula sa Silvana,” paliwanag ni Ameera. “Whatever. Basta umalis ka na. Baka may makakita pa sa iyo rito at mapagkamalan kang baliw. Bumalik ka na sa tirahan mo.” “Pakiusap, Ginoo. Hayaan mo muna akong makapagtago mula sa mga humahabol sa akin. Wala akong alam na mapupuntahan. Wala rin akong kakilala rito sa inyong mundo. Kailangan kong makaligtas mula sa mga tauhan ni Argon!” pagmamakaawa ni Ameera. Hindi alam ni Jus kung totoo ang sinabi nito. Sinuri niya nang mataman ang kaharap. Nanginginig ang boses nito at bakas sa mukha ang kaba at takot but of course, anyone could fake that lalo pa kung may tinatagong kasalanan para isiping inosente ito. “Alam mo, Miss. Kung naglayas ka lamang ay mabuti pang bumalik ka na sa iyong mga magulang! Sa tingin ko ay menor de edad ka pa lamang. Hindi makakabuting pagala-gala ka rito sa gubat at baka matuklaw ka pa ng ahas,” mahinahon na wika ni Jus dahil sa tingin niya ay dalagita pa lamang ang kaharap. Matangkad man ang babae ay mahahalatang bata pa ito. Kung hindi man ay marahil kasing edad ito ni JM. Ang nakababatang kapatid ni Ayla. “Hindi ako maaaring bumalik sa pinanggalingan ko, Ginoo! Nasisiguro kong mamamatay ako kapag bumalik ako sa aming kaharian!” “The hell I care! Umalis ka na rito bago pa may makakita sa iyong tagalabas at pagsamantalahan ka pa! Wala akong panahon sa mga batang naglalayas! Go!” pagtataboy niya rito. Umiling si Ameera. Lumapit ito kay Jus at sa pagkabigla ng binata ay kinuha ng babae ang palad niya. Ginagap niya ito at nagsusumamo ang mga matang tumitig sa mukha niya. “Ginoo, alam kong likas na may kabutihan ang mga mortal. Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Mas lalong manganganib ang aking buhay kapag umalis ako sa lugar na ito. Patay na ang aking amang hari at inang reyna kaya’t wala na akong babalikan sa aming kaharian...” Guilt hit him but he immediately dismissed it. “Come on, kid. Huwag mo akong paandaran ng mga ganiyan mong istorya. I’ve had enough of it!” Binawi ni Jus ang palad mula sa pagkakagagap ni Ameera at tumalikod na. Ngunit hindi pa naman siya nakakadalawang hakbang ay pinigilan siya ni Ameera sa braso. “Nakita mo ang aking kapangyarihan kaya’t maniwala ka sa akin, Ginoo! Ipinapangako kong bago sumikat ang araw bukas ay lilisanin ko na ang lugar na ito. Hayaan mo lamang akong makapagpahinga kahit ngayong gabi lamang.” Malalim na napabuntong-hininga si Jus at nilingon si Ameera na nagsusumamo. Of course, naniniwala siyang kakaibang nilalang nga ito dahil nakita niya mismo ang paglitaw ng bolang apoy sa palad nito. But he doesn’t want to involve himself anymore to someone like her. Sapat nang nariyan si Zea, Si Ereneya, si Eira at ang mga Orsia. Hindi na niya kailangan pa ng bagong engkantada o diwata sa buhay nila. They wanted to live a happy ang peaceful life! Ngunit maaatim ba niyang pabayaan na lamang ang diwatang kaharap gayong nangangailangan ito ng tulong? Paano kung totoong may humahabol nga rito at nais itong patayin. Kakayanin ba ng konsensya niyang ilagay ito lalo sa panganib? A’right, Jus. You’re making yourself responsible of her now! Aren’t you? hiyaw ng kanyang isip. “Ginoo?” Justin clacked. “Fine. Isang gabi lang. Bukas ay aalis ka na rito.” “Gaya ng ipinangako ko,” Ameera smiled and Jus was stunned for a moment. Why, she looked beautiful kahit madungis pa ang hitsura at dahil lamang sa tipid na ngiting iyon! “Tatanawin kong isang malaking utang na loob ang kabutihan mong ito sa akin,” dagdag ni Ameera. “Don’t mention it!” He snapped. “Ipagpaumanhin mo, Ginoo ngunit hindi ko naiintindihan ang mga salitang binanggit mo.” Justin unlikely rolled his eyes. “So, ako pa ang kailangang mag-adjust, gano’n?” naiinis na wika niya na lalong ipinagtaka ni Ameera. “Huwag mo nang pansinin ang sinabi ko, diwata. Sumunod ka sa akin at ihahatid kita sa iyong magiging kanlungan,” aniya na may halong sarkasmo ang boses. Paika-ikang sumunod si Ameera sa binatang hindi pa niya alam ang kung ano ang pangalan. Ang mahalaga ay napapayag niya itong manatili roon kahit isang gabi lamang. Sapat na iyon upang manumbalik ang lakas ng kanyang katawan. Hindi rin naman siya magtatagal sa lugar na iyon dahil kailangan pa niyang hanapin ang kapatid na si Aniya. Hindi niya batid kung saan ito dinala ni Lusiya upang magtago pero nasisiguro niyang tumungo rin ang mga ito sa mundo ng mga mortal. “Bilisan mo ang paglalakad. Aabutan na tayo ng dilim,” blanko ang ekspresyong wika ni Jus na sandaling sinulyapan si Ameera na nakasunod sa likuran niya. Napahawak si Ameera sa kanyang sugatang hita at pilit na iniinda ang sakit at hapdi upang maiayos ang paglalakad at makaagapay sa binata. Hindi siya nababagabag sa kasungitan nito sa kanya. Sa tingin ni Ameera ay hindi talaga gano’n ang ugali ng binata. Nasisiguro niya dahil mahusay siyang kumilatis ng tao kahit kakakilala lamang niya rito. Magpakita man ito ng kagaspangan sa kanya ay natural lamang iyon sa estrangherang katulad niya. Kung likas na masama ang taong ito ay hindi malayong nanganib na siya sa mga kamay nito. Bagkus ay tutulungan pa nga siya nito ngayong gabi. “Ba-bakit?” takang tanong ni Ameera nang biglang tumigil ang binata at humarap sa kanya. “Hindi ka makapaglakad nang maayos dahil sa sugat mo,” nililis nito ang laylayan ng suot niya at tiningnan ang kanyang sugat. Nagdurugo iyon. “Hayan at nagdurugo. Sa tingin ko ay malalim ang nakuha mong sugat at kailangang maampat ang pagdurugo niyan,” ani Jus na tinago ang pag-aalala sa boses. Nagtatakang sinundan niya ng tingin ang kilos ng binata. Tumalikod ito at bahagyang ibinaba ang likod. “Ano’ng g-ginagawa mo?” “Sumakay ka sa likod ko.” “Hindi na k-kailangan. Kaya ko namang maglakad,” tanggi niya. “Nasaan naman ang puso ko kung hahayaan kitang iniinda ang sugat mo sa mahabang paglalakad? Huwag kang mag-alala dahil kaya kitang buhatin. Malayo pa ang pupuntahan natin at kapag nagpumilit kang maglakad ay mauubusan ka ng dugo pagdating doon sa kubo.” “Kung...kung hindi nakakasagabal sa ‘yo-” “Stop talking and get on my back!” wika ni Jus sa naiinip na boses. Walang salitang tumalima si Ameera. Hindi man niya naiintindihan ang sinabi nito ay batid naman niya ang nais nitong mangyari. Sa una ay hindi niya alam kung paano gawin ang sinasabi nito ngunit ang binata na mismo ang kumuha ng mga braso niya at iniyakap sa leeg nito. Hinawakan ng binata ang magkabilang hita niya, nag-iingat na hindi masagi ang kanyang sugat. Nagulat pa siya nang bigla tumayo ang binata kaya napahigpit ang kapit ng mga braso niya sa leeg nito. “Huwag masyadong mahigpit! Papatayin mo ba ako?” sabi nito, almost choking. Humingi ng paumanhin si Ameera at niluwagan ang pagkakayakap sa leeg ng binata. Tila ay balewala lamang para dito ang bigat niya. Ilang sandali pa silang tahimik na naglakad at hindi napuna ni Ameera ang pagbagsak ng talukap ng kanyang mga mata. Iginupo siya ng antok dahil sa pagod. “HEY!” Nilinga ni Jus ang kargang diwata. Tama nga ang hinala niyang nakatulog ito dahil dumantay ang pisngi nito sa kanyang balikat at bumigat ito. Napapailing na sinipa niya pabukas ang pinto ng isang kubo. Matagal na iyong hindi napapasyalan kung kaya ay maraming alikabok at inaagiw na ang kisame. Malayo iyon mula sa bahay at sa kubo na tinitirhan ng pinsan niyang si Roxanne at ng kanyang tiyo Tonyo. Pinagpagan niya ang lumang papag at inihiga doon ang diwata. Mahimbing ang tulog nito na nasisiguro niyang dahil sa pagod. Kumuha si Jus ng lumang basahan at sinimulang linisin ang mga luma at inaalikabok na ring kasangkapan doon. Wala namang laman ang kubo maliban sa isang stool, maliit at bilog na mesa at ang mismong papag. Malayo kasi iyon sa bahay kaya hindi na napapasyalan para tambayan nilang magkakaibigan. Isa pa’y halos wala na rin silang oras dahil lahat ay ginugugol sa kani-kanyang trabaho at kay Zea. Pagkatapos alisan ng alikabok ang mga kasangkapan ay binalikan niya ang diwata. Sa pagkakatanda niya ay Ameera ang sinabi nitong pangalan. Lihim siyang napangiti. Napakagandang pakinggan ang pangalan nito. Katulad nina Eira at Ereneya. Tiningnan niya uli ang hita ni Ameera na may sugat. Hindi pa rin maampat ang pagdurugo niyon. Halos naliligo na sa dugo ang kanang binti nito. Pumunit uli siya ng laylayan ng suot nito at itinali sa sugat nito. He sighed. Tumayo siya at naghanap ng gasera at sinindihan iyon gamit ang dala-dala niyang lighter. Lagi siyang may dalang lighter dahil naninigarilyo siya paminsan-minsan. Dinala niya ang gasera sa mesa upang magkaroon ng liwanag sa loob ng kubo. Iiwan muna niya si Ameera dahil kailangan niyang kumuha ng gamot para sa sugat nito at pambihis sa marumi nitong suot. PAGDATING sa bahay ay agad na tinungo ni Justin ang sariling silid at kumuha ng malinis na damit. Pinili niya ang medyo may kaliitan para magkasya kay Ameera. Hindi naman siya maaaring manghiram ng damit kay Ereneya dahil magtataka at magtatanong ito kung saan niya iyon gagamitin. Tinatamad siyang magpaliwanag. Pagkatapos ay tinungo niya ang banyo kung saan naroon ang first aid kit. Nang makuha ang lahat ng kailangan ay nagmadali siyang bumaba. Tyempong nanonood ng pelikula si Zea at mga kaibigan niya kaya walang nag-aabalang usisain siya. Nang makababa ay tinungo niya ang kusina at kumuha ng tubig at pagkain na sasapat para kay Ameera. “Para saan ang mga dala mong iyan? Magka-camping ka?” biglang sulpot ni Karl sa likuran niya at tiningnan siya nang may panunukso. “Sa gitna ako ng gubat maghahapunan. Bakit, sasama ka?” Natawa si Karl. “Ayokong kumain na may kasalong kung anong kulisap,” anito at kumuha ng isang pitsel ng malamig na tubig at dalawang baso. “Pakisabi sa kanila na gagabihin ako ng uwi!” pahabol niya sa kaibigan nang tumalikod na ito. “Kahit huwag ka nang umuwi!” ganting sagot nito na sinabayan pa ng mahinang tawa. Pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay at tinungo ang pinag-iwanan niya kay Ameera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD