SI EIRA

1684 Words
“ANO BA talaga ang nangyari doon sa babaeng dinala mo rito kagabi, Bor?” tanong ni Karl habang magkaharap sila sa hapag at nag-aalmusal. Nilunok ni Jus ang nginunguya at uminom ng tubig. “Nakita ko siyang nakahandusay malapit sa sapa at sugatan. Kaya dinala ko siya rito.” “Paano siya napunta roon sa sapa kung ganoon? Wala naman siyang madaan maliban sa tatlong gate na lagi namang nakasarado.” “Baka naiwang bukas ang gate sa farm kaya nakapasok siya roon.” “I doubt that. Hindi siya makakapasok sa loob ng lupain unless…inakyat niya ang pader. Kaya ba nagkaroon siya ng sugat sa hita dahil nasangit sa barb wire?” nagdududang tanong ni Karl. “I don’t know,” maikling sagot ni Jus at nilagyan ng kanin ang plato ni Zea. Gusto niyang iwasan ang mga tanong ng kaibigan. “Uncle!” reklamo ng pamangkin. “Kumain ka nang marami para mabilis kang tumaba. Ang payat mo.” “Sabi po ni Aunt JM slim po ako. Hindi payat,” sagot ni Zea. “Basta kumain ka nang marami,” aniya. “Opo,” nagpapatianod na sagot ni Zea. “Hindi mo tinanong kung tagasaan ang babaeng iyon? Ano ang pangalan niya o ilang taon na siya?” tanong na naman ni Karl. Lihim na napabuga ng hangin si Jus. “Ang sabi niya sa akin ay Ameera ang pangalan niya. Pero hindi niya maalala kung tagasaan siya at sino ang pamilya niya. Marahil dahil sa natamo niyang sugat sa noo,” aniya at nagsubo uli ng pagkain. “So, you mean, she had a temporary amnesia,” wika ni Karl na matamang tinitigan si Jus. Binigyang diin ang salitang temporary. “Maybe,” Jus answered shortly. “Paano kung may tinatakasan pala siya? Paano kung isa pala siya masamang tao?” “You think?” “Hindi naman porke’t maganda siya, eh, inosente na. Looks can be deceiving, you know,” patuloy ni Karl. “Coming from you.” “Hey, inaamin kong guwapo ako pero mabuti akong tao, ano?” “Sabi mo, eh.” “Huwag mong iniiba ang usapan. Pero maganda siya, ha? Muntik ko nang isiping isa na naman siyang engkantada.” Muntik nang masamid si Jus sa sinabi ni Karl. Matalim ang tingin na binalingan niya ang kaibigan. Nakangisi pa ito. “Hindi magandang biro iyan.” “So, ano ang plano mo sa kaniya?” Nagkibit-balikat si Jus. “She will stay here for now. Habang nagpapagaling siya ng sugat niya. Aalis din siya soon.” “Hindi ba delikadong hayaan siyang umalis gayong wala siyang maalala? Maybe we should ask Icen to look after her.” “I don’t think that would be necessary,” wika ni Jus at tinapos na ang pagkain. “But—” “Let’s not talk about her, can we? Marami akong iniisip ngayon at ayokong dagdagan pa iyon,” may pinalidad sa boses na wika ni Jus. “Kumusta na pala ang plano mo sa lupain ng kuya mo?” pag-iiba ni Karl ng usapan. Wala naman siyang balak sirain ang araw ng kaibigan dahil sa kakatanong niya tungkol kay Ameera. “This is now my property, Bor. Na sa tamang gulang ni Zea ay mapupunta rin sa kaniya,” sinulyapan niya ang pamangkin na kumakain katabi ng ninong. “Gusto kong paunlarin ang lugar na ito.” “Kung gusto mo ay magtayo ka ng recreational area. Iyong may pa swimming pool, ganoon.” “No, thanks. I do not have any plans to open this place in public. Siguro ay puwede akong magtanim ng iba pang namumungang kahoy at hindi puro mangga at niyog lang. Gusto ko ring dagdagan ang mga alagang hayop. Maybe we can add turkeys, sheep and breed horses or anything.” “Uncle, I want elephants and monkeys and tigers...” Ngumiti si Jus sa pamangkin. “Sweetheart, hindi tayo magtatayo ng zoo.” “Oh,” nalungkot ang boses ni Zea na ipinagpatuloy ang pagkain. “Malaking capital ang kailangan mo, Bor. Dadagdag pa ang manpower.” “Money is not a problem. Malaki na rin ang naipon ko sa bangko at nasisiguro kong sasapat iyon sa kakailanganin ko.” “Payag ba si Zea sa plano mong ito? You knew how she loved the forest, ang sapa...” wika ni Karl na kung makapagsalita ay parang wala sa tabi nito si Zea. Napatikhim ang bata na naka-focus ang tingin sa kaniya. Naghihintay ng kaniyang sagot. “Oh, hindi ko gagalawin ang sapa. Alam kong mahalaga ang lugar na iyon hindi lang kay Zea kung hindi pati na rin kina Res at Ereneya,” gumuhit ang mapanuksong ngiti sa labi ni Jus pagkabanggit sa magkasintahan. Natawa nang marahan si Karl. “Speaking of them, anong kaguluhan ang nangyari kay Res at sa isang empleyado ng munisipyo kahapon?” Napapangiting napailing si Jus. “Jealousy. Nginitian lang ni Ereneya ang lalaking empleyadong iyon ay tinamaan na ng suntok ang pobre. Tsk, tsk!” “Ganyan talaga ang umiibig...” “Oh, come on!” ani Jus at mabilis na tumayo. “Pakiimis ng hapag pagkatapos ninyong kumain ni Zea.” “I’m done!” mabilis na tinapos ni Zea ang pagkain. “Oh, damn!” wika ni Karl at binilisan ang pagkain. May usapan kasi sila sa bahay na kung sino ang huling matapos kumain ay siyang mag-iimis ng pinagkainan. That’s a rule lalo at wala silang katulong sa loob ng bahay. Sila ang nagtutulong-tulong sa paglilinis ng bahay. Hinawakan ni Zea ang kamay niya para sumama sa kaniyang lumabas ng dining area. Naiwan namang napapaungol si Karl habang nagsisimulang linisin ang hapag. Batid niyang kapag usapang pag-ibig na ay sinasadyang umiwas ni Justin. “EIRA!” mabilis na kumawala si Zea sa pagkakahawak kay Jus at masiglang sinalubong ang diwata nang makita nitong nakasandal ito sa puno ng mangga sa hardin. Mukhang hinihintay talaga nitong lumabas sila. Nakita ni Jus na niyakap ng pamangkin si Eira nang mahigpit. Mabilis na nakagaanan ng loob ni Zea si Eira dahil likas na mabait ang diwata. “Kumusta ang pinakapaborito kong mortal?” nakangiting wika ni Eira. “I’m doing good, Eira. Masaya ako at binisita mo kami rito,” ani Zea na hinawakan ang kamay ni Eira. “Bigla kasi kitang na-miss kaya nandito ako ngayon.” Napatikhim si Jus. “Ang lagay, eh si Zea lang ang na-miss mo? I just want to remind you, Eira, na mas nauna mo akong nakilala,” pabirong wika ni Jus. Halos sabay na nagkatawan sina Zea at Eira. Kinuha ni Zea ang kamay ng tiyuhin at pinaghawak ang kamay nito sa kamay ni Eira. “Ayan, Uncle. Ang bilis mo naman po magselos.” Natatawang dinala ni Jus ang palad ni Eira sa bibig at inakbayan ito habang hawak naman nito si Zea. Naging malapit silang magkaibigan ni Eira to the point na komportable na sila sa isa’t isa. Malaki ang utang na loob niya sa diwata kung kaya’t malapit sa puso niya ito. Kung hindi dahil kay Eira ay siguradong hindi gumaling si Roxanne at hindi niya alam kung ano ang maaaring nangyari sa pinsan. Nagsimula silang maglakad-lakad nang marahan. Kung may makakakita lamang sa kanila ay siguradong aakalain ng makakakita na isa silang pamilya. They were a picture of a beautiful family kung titingnan. “Kumusta naman ang farm mo?” maya-maya’y tanong ni Eira. “Ayos naman. Gumaganda na ang tubo ng mga punla. Hindi magtatagal ay ililipat na namin iyon sa lupa. Minsan ay tumyempo kang nagtatanim kami saka ka bumisita para makatulong ka naman…Aray!” Natawa si Zea nang makitang dumistansiya ang tiyuhin at hinaplos ang tagilirang kinurot ni Eira. Maya-maya’y bumalik din sa pagkakaakbay kay Eira. “Sa kaharian namin ay iginagalang ako at hindi inuutusang magtanim ng kung anong puno para malaman mo,” wika ni Eira na bagamat nakairap ay nasa tono naman ang pagbibiro. “Magkaiba doon kaysa rito. Dito walang halaga ang kapangyarihan mo. Sa ayaw at gusto mo ako ang boss,” nakangising wika ni Jus. “Ah, ganoon. Eh, kung tustahin kaya kita ngayon at paikut-ikutin sa ere?” Matunog na halakhak ang sinagot ni Jus. “Eira, huwag ka masyadong matapang kay Uncle. Baka ipagpalit ka niya sa iba.” “At kanino naman niya ako ipagpapalit?” taas-kilay na tanong ni Eira kay Zea. “Kay Am—” “Halina nga kayo. Dami ninyong sinasabi, eh,” putol ni Jus sa pagtangka ni Zea na sabihin ang pangalan ni Ameera. “Teka, sino ang sinasabi ni Zea na ipapalit mo sa akin, ha?” Inalis niya ang nakaakbay na kamay ng binata sa balikat niya. “Wala!” sagot ni Jus na hinawakan pa sa ulo si Eira at bahagyang tinulak para maglakad patungo sa farm. Binigyan naman niya ng nagbabantang tingin ang pamangkin na mabilis na kumapit sa kamay ni Eira. Patuloy sa pag-uusisa ang diwata ngunit hindi na lamang niya pinapansin. “Justin!” “Sinabi na ngang wala. Dinaig mo pa ang nagdududang asawa,” sabi niya na sinabayan ng tawa. “Aba, baka may itinatago kang babae sa bahay mo, ah! Kapag nalaman ko tutustahin talaga kita.” “Eh, ano naman kung mayroon?” panunubok niya kay Eira. Natigilan ito at napaismid. “Sige na nga. Naniniwala na akong wala.” Lalo siyang natawa sa hitsura ni Eira. Ang sarap pisilin ng pisngi nitong bahagyang namumula. “Iyon naman pala. Ano, puwede na bang umakbay uli? Nangangalay ang braso ko, eh,” pagdadahilan nito. Umismid si Eira. “Umakbay ka sa sarili mo,” aniya at nagpatiunang maglakad kasama si Zea. Naiwan naman si Jus na inilagay ang sariling kamay sa balikat. Narinig niyang humalakhak si Zea na nakalingon pala sa kaniya. “Lagot kayo sa akin kapag naabutan ko kayo!” aniya at tumakbo nang mabagal. Napapatiling tumakbo sina Zea at Eira habang magkahawak ang kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD