ANG PAGHAHANAP SA TAGAPAGMANA

2111 Words

“UNCLE, saan ka po pupunta?” halos maiyak na habol sa kaniya ni Zea. Napapikit nang mariin si Jus nang matantong naroon pala si Zea. Sandali niyang nakalimutan ang pamangkin dahil sa labis na pag-aalala kay Eira. “Sweetheart, iiwan ka muna ni Uncle sandali, ha? Babalik din ako kaagad. Dito ka muna kasama si Ninong Karl,” malumanay na wika niya sa bata. Matatag na umiling si Zea at takot na sinulyapan si Ameera. “Don’t go with her, Uncle. She’ll kill you!” Nabigla si Jus sa tinuran ng pamangkin at lihim na sinulyapan si Ameera na walang ideya sa sinabi ni Zea. Hinawakan ni Jus si Zea sa magkabilang balikat at umupo para makapantay ito. Pinahid niya ang mga luhang nagsimulang tumulo sa pisngi nito. “That won’t happen, Sweetheart. Hindi siya masama,” aniya. “But Uncle… nakita ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD