UNA
Si Maricar ay isang batang babae na nangangarap ng maganda at mapayapang pamumuhay, siya ay labing anim na taong gulang at siya ay nasa grade 9 na ngayong pasukan. Kilala si Maricar at ang kaniyang mga kapatid bilang anak ng isang lasinggero at sugarol. Pito silang magkakapatid, dalawang lalaki at lima silang babae, siya ay pangalawa sa magkakapatid. Sila ay nakatira sa tabing ilog, maputik ang daan at dikit-dikit na mga bahay.
Palaging maingay ang kanilang kapaligiran sapagkat sila ay nakatira sa eskwaters maraming batang naglalaro, mga tambay na umagang- umaga pa lamang ay nag-iinom na,mga nanay na tinatalakan ang mga anak nilang batugan, at mga kababaihang di malaman ang kanilang ipinaglalaban at sila ay binansagang “the Marites” na nag-aabang na naman sa labas ng kanilang tahanan sa kadahilanang ang kanyang mga magulang na kulang na lang ay magpatayan sa lakas ng mga bunganga, panay ang bangayan at alam na niya kung saan na naman hahantong ang lahat.
MARICAR POV
Ang mga kapatid ay walang habas sa pag-iyak at pag awat sa kanilang mga magulang, siya at ang panganay nila ay naghihintay lamang na matapos ang lahat at di kumikibo. Hindi na bago sa kanila ang ganitong eksena dahil mula pagkabata ay ganyan na lagi ang mangyayari kapag kulang ang bigay ni papa kay mama galling pamasada. Laging umiinom ang kanyang ama kaya’t kalahati o di kaya ay wala na masiyado itong naibibigay sa kaniyang inay, kulang na kulang ang dalawang daan kada araw ni tatay at kukunan pa ng pang alak at pangsugal ni nanay, bibili pa ng bigas at panggatong at ulam, hihingi pa kami ng pangbaon sa skwela kaya wala na talagang matitira.
Matitigil lamang ang pisikalan at sagutan kapag nakakakita na ng dugo si tatay sa mukha ni nanay o di kaya ay pag may tanod ng pupunta sa bahay dahil tumawag na ang mga nagrereklamong kapitbahay sa barangay. Pero iba ang naging dahilan ng pagtigil nila ngayon dahil bigla na lamang natumba at nagdurugo ang bandang binti ni inay.
“ITAY SI INAY, MAY DUGO SA BINTI, INAAAAAYYY” iyak ng nakababatang kapatid ni Maricar.
Agad namang dinaluhan ng kanilang tatay ang namimilipit sa sakit nilang nanay.
“mahal ko, ayos ka lang?, di mo naman kasi sinabing buntis ka. Hindi ka nag- iingat kasi eh”
“bwisit ka talaga, ako pa talaga ang sinisi mong animal ka… a-aaaarrraaaayyyyyyyyy…!!!”
“naaaayyyyyyy… nanaaaaayyyy… inaaaayyyyy” iyak ng mga nakababata kong kapatid.
“tulungan ninyo ako Dodong, buhatin natin siya at isakay sa motor ni Lary” agad namang tumalima si kuya Dodong at dali-daling inalalayan at sabay na binuhat nila si inay.
Agad namang rumesponde ang mga kapit bahay naming nanunuod lang kanina dinala si inay sa pinaka malapit na hospital sa amin.
Pagka tapos nilang umalis ay tinawag kami ni aleng Helen,
“Maricar, Kathy, tawagin ninyo ang inyong mga kapatid at kumain kayo dine. Yang mga magulang ninyo kasi ay inuuna ang pag-aaway bago ang sikmura ng mga anak, hala bilis pasok kayo at kumain”
“magdadala ba ng kanin aleng Helen?” tanong ni Allan na pangatlo sa aming magkakapatid.
“aba’y kung mayroon kayong sinaing ay dalhin mo na dine at nang hindi mapanis ano”
“ay wala po pala kaming nasaing…hehe… nakalimutan na ho sapagkat sumabak agad kami sa matinding bakbakan nina Elmer at Mary joy” nakatawang saad ni Allan.
“aba’y ala una y media na at hindi pa kayo nakapag agahan at tanghalian, ay kain na, kain na”
Habang kami ay kumakain napansin kong nakatingin lamang si Aleng Helen na parang naiiyak.
“Sabay ka na ho sa amin Aleng Helen” aya ko sa kanya.
“Oo nga po nakakahiya naman ho kami lang ang kumakain at kayo ay nakatingin lang” si Gelo ang pang- apat sa aming magkakapatid.
“Huwag ninyo akong alalahanin at akoy tapos na, kain laang ng kain”
“umiiyak ka po ba Aleng Helen?” tanong ng aming bunso na si Jane.
“Pasensya na at ako ay naawa sa inyong magkakapatid, nararansan na ninyo kung gaano kapait ang buhay sa murang edad” sagot ni Aleng Helen sabay punas sa luhang kumawala sa kanyang mata.
Nang matapos kaming kumain ay dali-dali kaming naghugas agad ng pinagkainan sapagkat ayaw na ayaw ni Aleng Helen na gumagawa kami ng kahit anong bagay kapalit ng mga ibinibigay o ginagawa niya sa amin dahil ang pagtulong niya raw ay walang hinintay na kapalit, kusa niya ito ika pa niya.
Nagtagal kami ng ilang oras doon at nanuod kami ng teleserye sa TV nina Aleng Helen at pinag miryenda din niya kami ng tinapay na may palamang munggo at juice. Nang magdidilim na ay nagpaalam na kami na babalik na ng bahay dahil mag-aala singko na ng hapon, nakakahiya naman kung dit pa kami maghapunan.
“Maraming salamat po Aleng Helen” sabi ni ate Kathy na dinugtungan naman ni Allan ng…
“Sa uulitin Manang Helen sana din po adobo po ang ulam hehe”
“Walang problema. Sige na at umuwi na kayo nang makapagpahinga na”
Pag balik ng bahay ay agad kaming naglinis ng mga gamit na nasira at nagkalat. Magsasaing na sana ako ng pagtingin ko sa lalagyan ng bigas ay isang salok na lamang iyon.
“Ate wala ng bigas, ito nalang oh” sabay pakita ng lalagyan sa kanya.
“Maglugaw ka nalang Mari para magkasya sa atin”
“Lugaw na naman ate?” nakalabing sabi ni Lian.
“Di naman lugaw ang lulutuin ni ate Lian, porridge ito iyong pang mayaman ba” sagot ko sa kanya.
“talaga? Pers taym ko atang makakain niyan.” Excited niyang turan.
“Niloloko mo na naman yang si Lian, Maricar. Pag yan umiyak bahala ka” sa mahinang boses na sabi ni ate.
“Ang arte kasi, parang mayaman eh wala naman tayong pera, paampon ko yan eh” naiiritang saad ko.
“wag mo nalang pansinin, tingnan mo nalang yang niluluto mo at baka masayang wala na tayong makain”
Tumalima naman ako at nag pokus nalang sa pagluluto, ng matapos ang pagluluto ay tinawag na niya ang mga kapatid para kuamin. Kumain sila ng tahimik at alam niyang nagrereklamo na naman ang mga kapatid sapagkat lugaw at asin na naman ang kanilang hapunan.
“wag nga kayong mag-inarte mabuti na lamang at hindi lugaw ang kinain natin kanina .” sabi ng ate na hindi na nakatiis dahil sa mukha nilang yamot na kumakain.
“kasi naman eh” naiiyak na saad ni Jane.
“Kung ano ang nasa hapag ay wag magreklamo mabuti na nga alang at may kinakain pa tayo eh” segunda ni Allan ng magrereklamo na naman ang mga nakababatang kapatid.
Nang matapos mag hapunan ay nasa kwarto na silang lahat at nag-iintay na umuwi ang kanilang mga magulang, ngunit alas 9 na ay wala pa rin.
“matulog na kayo at baka bukas ay nariyan na sina inay at itay”
“opo, ate kat”
“naku pustahan tayo Gelo at nasa inuman at sugalan sila mama kaya di pa sila umuuwi” saad ko sa pabulong na boses.
“wag na tayong magpustahan ate at ganyan din ang tingin ko” natatawa niyang bulong sa akin.
Natawa kaming dalawa sa aming naisip. Mahina sa una pero di naming napigilan at humalakhak na kami.
“Maricar, Gelo , tahimik at may natutulog” saway ni ate Kathy sa amin.
Tumigil na kami ngunit natatawa pa rin. Nakahiga na kaming lahat sa aming mga pwesto at di nagtagal ay nakatulog na ng mahimbing.