PANGALAWA

1224 Words
Maricar POV Nang sumapit ang umaga ay wala pa rin ang kanilang mga magulang, nagtataka sila kung bakit dahil kapag may ganitong nangyayari ay umuuwi naman sila agad. “Saan na kaya sina nanay at tatay? Anong oras na wala parin sila.” nag-aalalang turan ng kanyang ate Kathy. “Tanungin kaya natin si Mang Lary at Mang Dodong baka alam nila, sandali at ako na ang pupunta.” si Allan na agad kumaripas ng takbo palabas. “ Baka nasa sugalan ang mga iyon kaya di umuwi o di kaya ay nasa hospital pa sila kasi di pinalabas kasi walang pambayad” turan ni Gelo na parang sigurado siya sa dalawang hula niya. Humihingal na bumalik si Allan at sabay sabing “Hindi raw nila alam dahil pagkahatid nila kay nanay sa hospital ay agad din silang umalis pagkatapos “  “Hindi rin daw sumama si itay sa paghatid kay nanay bumaba raw ito sa kabilang baryo, nang tanungin nila ito kung saan daw pupunta ay ang sabi daw eh wag daw makialam” dagdag niya. “Naman oo!!  Tara na ate puntahan na natin si nanay sa Ospital baka anon a ang nangyari dun!!” saad ko na natataranta. “OKAY!! CUT!” mga salitang gusto kong marinig sa madarama kong buhay. Sana isa nalang itong pelikula, natatapos at ang lahat ay pawing katotohanan lamang pero labing anim na taon na yata akong nag sho-shoot ng pelikulang ito daig ko pa ang teleseryeng “Ang Probinsyano” sa tagal. Dali-dali kaming naglakad papuntang Amer Hospital kung saan isinugod si nanay. Mahigit triyenta minutos din kaming naglakad kasama si Ate Kat at Allan, naiwan si Gelo at ang iba pa naming kapatid na maliliit. Pagkadating ay agad na nagtanong si ate sa nars na nasa nurse’s station ba iyon, di ko na sigurado dahil sa pagmamadali “Mary Joy  Del lapaz po?” “kaano-ano niyo po ang pasyente?” “Nanay po” “sandali lamang po” “Nakalabas  na ho siya kahapon ng hapon” “po?” sabay naming tanong. “Nakasaad po sa record naming na nadiscgarge siya kahapon ng alas 3.” “Jake, diba yung pasyente na isinugod kahapon, yung nakasakay ng motor, nakalabas na diba “ “ahh oo, yung sinundo ni Doc. Richard” “Salamat po” tanging nasabi nalang ng ate bago kami lumabas ng hospital na may panghihinayang at pagtataka. Habang naglalakad kami pabalik ng bahay ay nakaramdam kami ng gutom, sunod-sunod na pagkalam ng sikmura ang aming narinig saka pa lang namin naalalang wala pa pala kaming agahan. “Hala , wala pa pala tayong agahan baka umiiyak na sina Jane sa bahay ate” may pag-aalalang saad ni Allan. Nang makarating sa aming bahay dali-dali kaming pumasok ngunit ang akala namin ay makakakita kami ng mga batang umiiyak at nagrereklamo ng dahil sa gutom pero ang nadatnan namin ay wala, walang tao sa bahay pati sa labas ng bahay ay wala rin ang mga kapatid ko. “Jane!, Lian!,Gelo!, Krystal!” Nakasigaw na tawag ni Allan sa mga kapatid. “Jane!, Gel--… “ hindi natuloy ang sanang pagsigaw ko ng nakita ko ang mga nakababatang babaeng kapatid na may dalang pagkain at tumatawa. “oh, nanjaan nap ala kayo ate, hali kayo at may pagkain kaming dala” si Lian na nakangiti habang ipinapakita ang dlang supot. “saan galing ang mga iyan Lian? Bakit may pagkain? Saan kayo kumuha ng pera pambili” nagdududang saad ko. “kay kuya Gelo galling ang pera ate” naiiyak na saad ng 12 anyos naming kapatid na si Krystal marahil ay natakot sa tono ng aking pananalita. “baka nagnakaw si Gelo ate” “hindi kuya Allan, nakita namin na binigyan si kuya ng pera nung lalaki” pagdedepensa naman ng 9 anyos naming bunso na si Jane. “Bakit ka umiiyak Krystal? Anong problema” malambing na ani ng ate. “ka…kas…kasi a-ate si kuya Gelo , inanatay naming si kuya pagkabigay niya ng pera akala kasi namin sasama siyang bibili. Pinapasok siya doon sa bahay tapos maya-maya ay narinig kong u-umiiyak s-si kuya sabi niya “masakit, dahan-dahanin mo”, ateee baka napano na si kuya” humagulgol na ng iyak si Krystal matapos magpaliwanag. “lalaki? Lalaki ang nag-abot ng pera tapos pinapasok sa bahay…” nagtatakang naisatinig ni Allan.  Natigilan kaming lahat sa pagdating ni Gelo na sapo-sapo ang kanyang puwet at ang ekspresyon ng kanyang mukha ay di maipinta, may dala din itong supot ng pagkain at supot ng mga barya. Nagkatinginan kami ni Allan at natawa, nagtataka naman ang mga bunsong kapatid kung bakit. Hindi na napigilan ni Lian at nagtanong. “Anong nakakatawa ate, kuya?” “Dahil ba nakakunot at nakahawak si kuya sa kaniyang pwet?” inosenteng tanong ni Jane. “nakakatawa ba yun Jane?” tanong ni Lian kay Jane ng nagtataka. Natawa na naman kami dahil sa narinig ng tingnan ko ang ate ay nagpipigil din itong humalakhak. “Tumahimik nga kayo, wala na akong ibang maisip na paraan para lang tumahimik yang mga lintik na iyan sa kakaiyak dahil sa gutom!” Bigla naman kaming natahimik sa sigaw ni Gelo at bigla naman itong pumasok ng kwarto at binalibag ang sira-sirang pintuan. “Hoy!, baka masira ng tuluyan ang pintuan” pigil na ngiting sigaw ni Allan kay Gelo. “tumigil na kayo Maricar at Allan, walang nakakatuwa sa mga nangyari” maawtoridad na turan ng ate. Napayuko naman kami ni Allan dahil baka bumulanghit na naman kami ng tawa at isa pa nakakatawa rin ang mga nagtatakang mukha ng mga kapatid. Itong si ate naman parang di natatwa eh. “isa,dalawa…” “ oo na ate, titigil na” Lumabas kami ng bahay ni Allan at doon ipinagpatuloy ang pagtawa, ng silipin namin sa loob ng bahay ang ate ay yumuyuyog ang balikat nito. “sinaway pa tayo pero siya rin naman nagpipigil ng tawa hahahahhaha” “aray, sakit na ng tiyan ko Allan, tama na hahahahhaha” Third Person POV Ilang minuto na ang lumilipas at hindi pa rin lumalabas si Gelo kaya napagpasyahan ni Kathy na akatukin ito. "Gelo buksan mo ang pinto at mag-usap tayo" "Pagtatawanan lang ako nila ate Mari at kuya Allan kaya wag nalang""kain muna tayo ate Kat gutom na gutom na kami" singit ni Lian. "tawagin niyo na ang kuya Allana at ate Maricar ninyo sa labas ng sabay na tayong kumain" tumalima naman ang tatlo at agad lumabas at tinawag ang mga kapatid. "isa, lalabas ko o gigibain ko tong pintuan? mamili ka""oo na, lalabas na" pagbukas ng pinto ay ang siya namang pagpasok nina Allan, Maricar at ang tatlong nakababatang kapatid."pffttt..." si Maricar at Allan sabay takip ng mga bibig na animo'y makakapigil sa kanilang tawa. "tumigil na kayo ha. Hindi na ako natutuwa" pagalit na ani ni Kathy sa dalawa. "sila kasi eh, nakakainis na ate Kathy" nang-aakusang turan sabay turo ni Gelo sa mga kapatid. Habang kumakain ang magkakapatid ay hindi maiwasang mag-asaran at mga kaunting pasaring kaya ay kumuha si Kathy ng walis tingting at inilagay iyon sa kanyang gilid, sinadyang ipakita ni Kathy ang pagkuha niya nito. Isa itong hudyat sa magkakapatid na tumigil na kumbaga ito ay isang simbolo ng "last warning" o "ang final destination nila kung sakali man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD