“Pupunta muna ako kina Aleng Helen pinapatulong akong gumawa ng tosino baka bigyan akong bigas pagkatapos”
“walang lalabas ni isa sa inyo, maglinis kayo ng bahay at mag laba ng mga damit may isang bareta pang naiwan diyan. Maricar ikaw na ang bahala dito.” bilin ng ate habang nagsusuklay at paalis na ng bahay.
Nang makaalis ang ate ay nagsimula na kami sa aming mga gawain pagkatapos naming maglinis at maglaba ay kumain na kami ng pananghalian, kanin at talbos ng kamote ang ulam.
“Ba’t mo naisipang maging pokpok Gelo?” may panunuyang sabi ni Maricar.
“Sa una lang daw masakit yan pag pangalawa okay na.” malokong dugtong naman ni Allan.
Nakayuko lamang si Gelo at naka kuyom ang mga palad na tila nagpipigil ng galit. Nangingilid ang mga luha at gusting-gusto ng manakit at ang makukulit niyang kapatid ay patuloy pa rin sa pang- aalaska sa kanya. Di naman niya ginusto ang ginawa pero wala na siyang pagpipilian kaysa walang makain ang mga nakababatang kapatid.
“Sino ba duon ang tumira Gelo? Yun bang si Ar-ar na kalbo o yung si Beauty na makapal ang kalyo ay este ang kilay?” si Allan na itinataas-baba pa ang kilay.
Di na nakapagpigil si Gelo at sinunggaban niya ng suntok si Allan sa mata nito. Agad namang napasigaw ang magkakapatid ng magsuntukan na ang dalawa.
“Jane tawagin mo si ate dali, bilisan mo naaaa…” naiyak na utos ni Krystal.
Agad namang sumibat si Jane at tinawag ang ate Kathy niya kina Aleng Helen na tumutulong sa paggawa ng tosino
“HOY! TIGIL TANGNA! NANDIYAN NA SI ATE!” natatarantang awat ni Maricar.
“kuyaaaa Allan, kuyaaa Gelo tamaaa na” iyak nina Lan,Jane at Krystal na pumapagitna na rin sa dalawa.
“Sumusobra na kayo eh!” sigaw ni Gelo
“Wag mo akong during tangna ka, kuya mo parin ako!”
“Ano ba tama na Allan!. Wag ka ng magalit Gelo, sorry na” kinakabahang pagpapakalma ni Maricar kay Gelo ng akma na naman itong aamba ng suntok kay Allan.
“Sige suntukin mo! Wala ka ng respeto sa aking hayop ka” yakap-yakap pa rin ni Maricar si Allan at si Krystal at Lian naman kay Gelo.
“Tumigil na kayo ha, sinasabi ko sa inyo. Isa pa, isa pang pang-aalaska ibabalibag ko kayo. Isa pa.” humihingal at pagalit na singhal ni Kathy sa mga kapatid.
"Jane, Lian, Krystal pumunta muna kayo kina Aleng Helen may miryenda duon"
"Ano na namang kaguluhan to? ba't kailangang magsuntukan ha Gelo, Allan? at ikaw Maricar diba sabi ko maglinis lang maglaba wala naman akong inutos na ipagsabong mo tong dalawa" nagpupuyos sa galit na saad ni Kathy.
"Ano?! Magsalita kayo! wag niyo akong antaying magalit ng todo at baka maibalibag ko kayo"
Si Kathy ay isang judo player sa paaralang kanyang pinapasukan, sumali siya ng judo para makakuha ng scholarship dahil nasa kolehiyo na siya, break nila sa paaralan kaya wala siyang masyadong ginagawa at ang paghahanap lamang ng makakain ang tangi niyang inaatupag sa ngayon. Nababahala rin siya at baka matigil siya sa pag-aaral ngayong di na umuuwi ang kanyang mga magulang at walang kakayod para sa mga kapatid.
"Si Gelo ang unang sumuntok ate pero kami ni Allan ang dahilan, katuwaan lang naman sana..."
"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Sabi ko tumigil na diba?!" kumuha si Kathy ng asin at inilagay sa sahig nilang walang floor mat o ano, lupa at mababato pa.
"Luhod" walang tumalima at nakayuko lamang ang tatlo.
"LUHOD!" malakas ng sigaw ni Kathy kaya agad namang nagsiluhuran ang mga kapatid.
"ngayon mag-usap tayo ng mahinahon at walang halong kalokohan"
"Anong ginawa nila sa'yo Gelo at sinuntok mo ang kuay Allan mo?"
"inaalaska kasi nila ako ate na ba't daw ako nagpopok at pinagkakatuwaan nila ako kesyo sauna lang daw masakit kaya di ko na natiis" naiiyak na saad ni Gelo.
"Kayo? diba sinabi kong tumigil na? di pa rin kayo nakinig yan ang napapala niyo. Tayo ka na Gelo."
Tatayo pa lamang si Gelo ng hilahin ni Allan ang laylayan ng damit ni Gelo dahilan upang mapaluhod ulit ito.
"Araaayyyy!!!!" napasigaw siya ng tuamama ng malakas ang tuhod sa asin na nakalatag sa lupa.
Agad namang sinuntok ni Kathy si Allan sabay sabing...
"ano ba ang problema mo?? ha? Allan? wala ka na ba talagang tamang gagawin?"
napatayo naman agad si Maricar, nabigla siya dahil kailan man ay hindi sila napagbuhatan ng kamay ng at Kathy nila hanggang banta lamang ito. Si Allan naman ay tinitigan lamang ng masama si Kathy na ikinainit ng ulo nito, aamba nanaman ito ng isang sipa kay Allan pero pinigilan ito ni Maricar.
"Yan, paborito kasi kaya pinapaboran, pesteng buhay naman oo"
"saan ka pupunta Allan?, wag kang bastos bumalik ka dito"
"wag na, wala naman akong nagawang tama sa bahay na ito" hahabulin pa sana ni Maricar ang kapatid ng pigilan ito ni Kathy.
"Ano?! tapos na ang palabas magsilayas na kayo, mga chismosa! mga Marites talaga" huling sigaw na narinig nila mula kay Allan.
"pabayaan mo at uuwi rin iyon mamaya"
" Baka mapaano ate, marami pa namang siga at adik ngayon baka anong gawin ate" gusto sanang sabihin ni Maricar ngunit hindi na lamang niya ginawa dahil nanginginig parin sa galit ang ate Kathy niya.
Tinulungan na lamang niya si Gelo na linsin ang mga nagkalat at nabasag na gamit, pumasok naman si Kathy sa kwarto at humagugol, nagiguilty siya sa pagsuntok niya kay Allan.
Lumipas ang gabi, araw at linggo ay hindi na nagpakita si Allan sa mga kapatid at isinisisi naman ni Kathy iyon sa sarili.