“Ready?” Napasandal ako sa headboard ng kama at pinagsiklop ang aking mga kamay habang malapad na nakangiti sa mga kaibigan ko. After a long time, ngayon lang ulit kami nakapag-FaceTime na kompleto. Nasa kotse si Elle, kumakain ng cheese burger habang si Yurii naman nakaupo sa sofa, pinuputol ang kuko niya sa paa. Ito na ang araw na sasabihin ko sa kanila ang katotohanang ilang linggo ko rin na ikinimkim sa sarili ko. “Napansin ko lang, ha? Iba ang ngiti mo ngayon. Ano ba ang chika, Catherine?” biglang tanong ni Yurii habang nakatuon ang atensyon sa kanang paa niya. Napangiti ako. Ito na! Malalim akong huminga sabay pikit ng aking mga mata. “I have a boyfriend,” diretso kong sabi, smiling from ear to ear. Excited kong iminulat ang aking mga mata para alamin ang reaksyon ng mga kaibigan

