Sabay-sabay naming itinaas ang aming mga baso nang matapos si Anthony sa kanyang speech. Hindi man lang ako sinabihan ni Chase na birthday pala nitong kaibigan niya. Naghanda sana ako ng regalo. “Twenty-one na ako! Cheers!” masiglang sigaw ni Anthony sabay inom sa hawak niyang beer. Sinabayan naman namin siya. Naubos nila Chase ang laman ng kanilang mga baso habang ang sa ‘kin ay hindi man lang nangalahati ang bawas. Ayaw kong malasing dito. Mahirap na baka ano pang magawa ko. “Hindi mo ba nagustuhan ang lasa?” tanong ni Chase nang mapansin ang laman ng baso ko. I shake my head and smile at him. “It’s good. Hindi ko lang kayang ubusin in one drink.” “Don’t worry. Hindi mo naman siya kailangang maubos,” nakangiti niyang wika. “Oi! Si Chase na ang sunod,” kantiyaw ni Anthony. Inosent

