Dahil sa tanong na ‘yon pakiramdam ko hindi lang ako nag-iisa. Sapat na itong dahilan parang mabagabag ng puso ko. “Ah, right. Si Catherine . . .” Tuluyan nang bumagsak ang mukha ni Anthony sa mesa pagkatapos niya akong ngitian. Sila Paul din ay nakatulog na. Bumigay na silang lahat. “Finally,” bulalas ni Chase. Pasimple ko siyang nilingon. He’s smiling. Habang ako rito sa tabi niya ay hindi na mapakali. Hindi ako kontento sa sagot ni Chase. Teka, hindi kaya paranoid lang ako? Am I becoming greedy? “Ngayon, kailangan na lang natin silang ihatid sa hotel room namin,” wika niya sa akin. “Magpatulong na lang tayo sa staff nitong restaurant,” suhestiyon ko. Right. Paranoid lang siguro ako. I can’t believe na ang bilis kong madala sa sinabi ng isang lasing. Chase is already mine. Ba’t

