Noong araw na naisipan kong umalis para matutunan kong bitawan si Arthur, hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari sa ‘kin dito sa isla. Ang plano ko naman talaga ay tumambay lang dito hanggang sa kusa nang makalaya ang puso ko. I already said this at sasabihin ko ulit: Hindi madaling bumitaw lalo na kung kalahati na ng pagkatao mo ang gusto mong bitawan. It sucks. Sobra. Hindi siya madali, but you don’t have to go through it alone. Chase made me realized that. He thought me how to let go in a slow but sure process. Mas makatotohanan kaysa sa plano ko para sa sarili ko. And, it’s effective. My heart can feel it. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Lola Gracia sa ‘kin noong nasa high school pa lang ako. She said to me, “If you can’t save yourself, someone will come and save you.”

