Chapter 9.1

2099 Words
Kung ga’no katirik ang araw kahapon, kabaliktaran naman nito ang panahon ngayon. Ang lakas ng ulan sa labas. Binalot ng umiiyak na kalangitan ang buong Isla Pahuway pero hindi pa rin nito napigilan ang ilang turista na gawin ang nais nila. Napasandal ako sa salaming bintana ng aking kuwarto habang nakatanaw ako sa bumabayong karagatan. Nakalapag sa harapan ko ang phone ko. Naka-flash sa screen nito ang numero ni Chase na naghihintay lang na tawagan o padalhan ko ng mensahe. Napabuntonghininga ako habang nakayakap sa aking unan. It’s almost 2 AM pero hindi pa rin siya nagpaparamdam. Teka, ba’t naman siya magpaparamdam sa ‘yo, Catherine? Argh! Ipinukpok ko ang aking noo sa matigas na salamin. Simula paggising ko kaninang umaga si Chase na ang laman ng isip ko. May spell yata ang t-shirt na sinuot ko kahapon. Crap. “Bahala siya!” Naglakad ako papunta sa aking kama at pabagsak na nahiga rito. Baliw na, Chase. May number naman siya sa ‘kin ba’t ayaw niya akong ikontak? Busy ba siya? Tsk, like I care. Ilang araw pa lang kaming nagkakilala at wala namang espesyal sa aming dalawa maliban sa . . . Ewan. Ibinaon ko ang aking mukha sa unan. “Akala ko ba gusto niya ako?” tanong ko sa sarili. Malalim akong huminga saka tumingala sa kisame. Nagiging immature na ako dahil kay Chase. Naaawa ako sa sarili ko at the same time natutuwa rin dahil pakiramdam ko bumabata ako. Ang mali lang ay masyado na akong nagiging dependent sa kanya nitong mga nakaraan. Pero hindi ko naman maikakaila na nag-e-enjoy ako sa company niya. He really did his best for me. Sa mga ginawa ni Chase para sa ‘kin, na-prove ko nang totoo nga ang nararamdaman niya. Ang hindi ko lang maintindihan, ba’t ako? Nandiyan naman si Georgia. May iba pa naman siyang p’wedeng makilala rito sa isla. Kaya ba’t ako? Isa ‘to sa dahilan ba’t hindi ako mapanatag sa nararamdaman niya sa ‘kin, eh. Wala akong makitang valid reason para magustuhan niya ang babaeng katulad ko. That’s why I couldn’t help but to think that, maybe, he’s just sympathizing with me. Baka awa lang nararamdaman niya at hindi talaga pagmamahal? Chase is a really nice guy. Pasok siya sa ideal type ng mga babae. I admit, sa simula pa lang, type ko rin siya. When I say type, ang ipinupunto ko ang physical appearance niya. What makes him ‘Chase’ physically. He’s good looking, lean but muscular, he smiles a lot, knows how to handle a woman, halos lahat yata nakuha niya na. Pero . . . hindi siya pasok sa standards ko. Arthur himself is my standard. Si Arthur ang gusto ko. Nasa kanya ang mga katangian ng lalaking gusto kong makasama habang-buhay. Nakakalungkot lang at hindi pareho ang gusto naming mangyari. “Naku! Heto na naman tayo, Catherine!” Sinampal-sampal ko ang sarili ko bago pa man ako magsimulang mag-drama. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagpukaw sa aking sarili, narinig kong tumunog ang doorbell sa baba. Hindi ko narinig na may kumatok kaya siguro sa doorbell na umasa ang taong nasa labas ngayon. Malalim akong huminga saka ako bumangon sa aking kama. Walang gana kong binuksan ang pinto nang makilala ko ang lalaking naka-hoodie sa harapan ko―si Chase. Ano’ng ginagawa niya rito? Napakurap ako sa kanya sabay lunok sa laway na bumara sa lalamunan ko. Napansin kong medyo basa ang suot niya pero mukhang hindi siya apektado. Nakangiti lang siya sa ‘kin habang kaharap namin ang isa’t isa. “My Catherine . . .” malambing niyang wika. “Ano’ng ginawa mo rito?” tanong ko sa kanya. Ngumuso sa ‘kin si Chase. “Labas tayo.” “Anong pinagsasabi mo? Ang lakas ng ulan,” kunot-noo kong saad. Ito talaga ang problema sa ‘tin, ano? Kapag nandito na sa harapan natin, itinataboy. Pero kapag wala, hahanap-hanapin. Naku, Catherine! Hindi ka na teenager! “Ano naman ngayon kung umuulan? Hindi porke’t masama ang panahon, masama na rin araw mo.” Nginitian ako ni Chase. “Magpalit ka na.” Tinulak niya ako papasok kaya hindi na ako naka-angal pa. Kung sa bagay, wala rin naman akong gagawin dito. “Sa’n naman tayo pupunta ngayon, aber?” tanong ko sa kanya. “Basta. Sekreto na muna. Bilis na, Cath!” “Ito na, ito na. Magbibihis na, geez.” Kumuha ako ng sweater at square pants sa cabinet ko saka dali-daling naghilamos sa banyo. Akala ko talaga hindi na siya magpaparamdam sa ‘kin ngayong araw. Ewan . . . Biglang nakampante ang puso ko nang dumating siya. Pagkatapos kong i-lock ang kuwarto ko, diretso sa parking area ang ruta namin ni Chase. Napatigil ako sa entrance ng hotel habang hinihintay kong kunin niya ang sasakyan. Isang BMW 1602 ang tumigil sa harapan ko kaya bahagya akong naguluhan. Nasa’n ang hippie van? Pinalitan na naman ba nila? Biglang bumukas ang bintana ng kotse. Pagsilip ko sa loob, si Chase lang ang bumungad sa ‘kin. Hindi ba namin kasama ang mga kaibigan niya? “Sakay na,” utos niya sa ‘kin at agad din naman akong sumunod. Isinuot ko ang seatbelt ko sabay lingon kay Chase. “Nasa’n sila Anthony?” “Ang ulan, ang kotse na ‘to, ikaw at ako. Tayo lang muna ngayon.” Hindi ako nakaimik dahil sa sinabi ni Chase. He’s smiling from ear to ear. Napaiwas ako ng tingin at sa labas na lang ng bintana itinuon ang atensyon ko. Anong nangyayari? Ba’t biglang bumilis ang t***k ng puso ko! Nababaliw na siguro ako! Kalma, Cath. Si Chase lang ‘yan. Ang ingay ng ulan ang pumuno sa katahimikan sa pagitan namin ni Chase. Walang nagsalita sa ‘min buong byahe hanggang sa tumigil kami sa gitna ng ‘sang one way na kalsada. May matataas na puno sa paligid na pare-pareho ang height tulad ng mga forest sa ibang bansa. I didn’t know na may ganito pa lang lugar dito. “Nandito na tayo.” Inihinto ni Chase ang kotse sa gilid ng kalsada at nakangiti akong nilingon. Eh? Dito na? “Ano’ng gagawin natin dito?” tanong ko habang sinusuyod ng tingin ang paligid. “Magku-kuwentuhan. Teka, may dala akong donuts at kape rito.” May kinuha si Chase sa likuran ng kotse at nilapag ito sa pagitan namin. Napatingin ako sa excited niyang itsura. Ibig sabihin ba . . . nasa ‘sang date ako ngayon! “I always wanted to do this with you. Mabuti na lang nakisama sa ‘kin ang kalangitan ngayong araw,” wika ni Chase habang binubuksan ang karton ng donuts. “Basically, niloko mo ako,” saad ko habang nakatingin ng diretso sa kanya. “Huh! Hindi, ah. Kusa ka pong sumama. Hindi ka naman nagtanong kung may ibang kasama tayo. Sasagutin naman kita with all honesty,” ngumisi si Chase sabay about sa’kin ng isang tumbler. Napailing na lang ako sa kanya at tinanggap ang inabot niyang kape. Ano pa ba ang magagawa ko? Hindi naman ako p’wedeng bumaba rito at maglakad pabalik sa hotel. Natanggal na siguro ang turnilyo sa utak ko kung gano’n ang gagawin ko. Makisama ka na lang, Cath. “Salamat,” wika ko kay Chase. Ipinatong ko ang aking mga paa sa upuan sabay higop ng kape. I heard him chuckled. “The pleasure’s all mine. I’m doing this because I want to. Nakaka-relax dito, ano?” He smiled at me. “Yeah, nakakawala ng pagod.” Nagtagpo ang mga mata namin ni Chase at kapwa kaming napangiti sa isa’t isa. This is not bad. Ngayon lang ako naka-experience ng ganito at na-a-appreciate ko siya. Simple pero nakakagaan ng puso. “Can I ask you something?” Napalingon ako kay Chase sabay kuha ng isa pang donut. “Um, ano?” tugon ko sabay kagat sa strawberry donut ko. Napasandal si Chase sa kanyang upuan habang nakatingin sa ‘kin. Nakapatong na rin sa upuan ang paa niya habang hawak ang tumbler na katulad ng sa ‘kin. “Can you tell me about him?” Napakunot ang noo ko sa kanya. “Gusto mong makilala ang dahilan kung ba’t nandito ako ngayon?” tanong ko pabalik. Tumango si Chase. “Seryoso ka? Hindi ka magagalit sa sasabihin ko?” Masigla siyang tumango sa ‘kin habang kumikinang-kinang pa ang kanyang mga mata. Mahina akong natawa kay Chase saka napatingin sa unahan ko. “Um, his name is Arthur Padilla. My first love. My first boyfriend. My first heartbreak.” Napangiti ako nang mag-flash ang imahe ni Arthur sa isip ko. Nilingon ko si Chase na tahimik lang na nakaupo sa aking tabi. “Itutuloy ko pa ba?” tanong ko. “Yeah, I want to hear more.” His smile is warm. It gives comfort to my weary heart. “Three years kaming nagsama. It was the best three years of my life. Then one day, napagdesisyunan namin na maghiwalay para hindi namin mapigilan ang isa’t isa sa mga nais naming maabot. Pumunta si Arthur sa Italy at naiwan naman ako rito sa Pilipinas.” Huminga ako nang malalim nang unti-unting bumabalik sa ala-ala ko ang nakaraan namin. F*ck, masakit pa rin pala. “Tapos ‘yon. Five years siya ro’n sa Italy pero hindi naman naputol ang ugnayan namin sa isa’t isa. Pakiramdam ko nga hindi kami naghiwalay.” Teka, ba’t ko nga ba ‘to sinasabi sa lokong ‘to? “Tapos ano?” tanong sa ‘kin ni Chase. Bahala na. Wala namang masamang ikuwento ang mga bagay na hanggang alaala na lang. “Umuwi siya this month, si Arthur. Naisip ko na makipagbalikan sa kanya pero . . .” Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. I was sure na hindi na ako maiiyak pero heto ako ngayon. Hindi ako hinawakan ni Chase. Hinayaan niya lang ako hanggang sa ako mismo ang nagpatahan sa sarili ko. I fake a smile. Grabe. Hindi ako umiyak nang ikuwento ko kina Yurii ‘to pero kay Chase . . . Sa mga oras na ‘to, pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa labis na pagsisisi. Hanggang ngayon nagsisisi pa rin akong pinakawalan ko si Arthur. Nagsisisi ako . . . “Then, what happened?” walang emosyon ang boses ni Chase. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang tissue na nilapag niya sa hita ko. “Tapos ‘yon, nagkita kami. Alam mo ‘yon? ‘Yong excited kang makita siya ulit? Gano’n ‘yong naramdaman ko. Ay . . . hindi. Beyond pa pala. Masayang masayang masaya ako nang magkaharap kami ulit ni Arthur ta-tapos. . .” Pumiyok ako pero pinilit ko pa rin na matapos ang kuwento. “T-Tapos ipinakilala niya sa ‘kin si Queenie. F-Fiancee niya ra—ah!” Napahagulhol na ako. Sinuntok-suntok ko na ang dibdib ko dahil hindi ko na kaya ang nararamdaman kong sakit ngayon. Akala ko ayos na ako. Akala ko mawawala ang sakit kapag binalewala ko ito. Mukhang naipon lang pala sila sa loob ko. “A-Ang sakit ng . . . pu-puso ko . . .” Naisuklay ko ang mga palad ko, pilit na pinigilan ang pagtulo ng aking mga luha pero ayaw, eh. Ayaw talaga. “A-Ang sakit, Chase. Napakasakit . . .” Napansin kong inalis ni Chase ang mga gamit sa pagitan namin. Maya-maya pa ay ikinulong niya na ako sa mga bisig niya. Mas lalo lang akong naiyak. “A-Akala ko . . . ahh . . . p’wede pa naming ibalik ang dati. Akala ko lang pala.” Marahan na hinaplos ni Chase ang buhok ko habang nakasandal ang ulo ko sa kanyang dibdib. Ilang minuto kaming nanatili sa ganitong posisyon hanggang sa si Chase na mismo ang bumitaw sa ‘kin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at malamlam akong tinitigan sa mata. “Napakawalan mo na ba lahat? Gusto mo pang umiyak? Umiyak ka pa, Catherine. Nandito lang ako.” Napangiti ako kay Chase sabay punas sa sipon ko. “Salamat. Nakakainis ka talaga. Akala ko magagalit ka ‘pag nagkuwento ako tungkol kay Arthur, mas apektado pala ako.” Mahina akong tumawa at kumuha pa ng tissue. “To be honest, nagseselos ako habang nakikinig ako sa ‘yo. Pero hindi dahil sa naramdaman ko kung ba’t isinama kita rito ngayon. I want you to release your pain, Cath.” Napatingin ako sa maamong mukha ni Chase. He is smiling at me. I can’t look away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD