SATURDAY. Kakatapos lang ng meeting ko pero hindi pa rin ako lumalabas sa conference room. Nagdadalawang-isip ako kung dapat ko bang gawin ito. Itong date na hinanda ni Queenie para sa ‘kin. Hindi ako sigurado kung handa na ba ang puso ko. Crap. “Ma’am?” Napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Lizzie. Nakatayo siya sa tapat ng nakabukas na pinto, hawak-hawak ang bouquet of roses. Napakunot ang aking noo. “Ano ‘yan?” tanong ko habang mariin na nakatingin sa mga bulaklak. “May nagpadala ho nito para sa ‘yo, Ma’am. May ilan pa po siyang ibinigay na regalo habang wala po kayo. Gusto n’yo ho bang makita?” tanong ni Liz. “Huwag na. Ilayo mo sa ‘kin ang bulaklak na ‘yan,” iritado kong wika. It reminds me of someone. Agad din na itinapon ni Lizzie ang hawak niyang bulaklak sa pi

