Chapter 22

2997 Words

Kapag nawala tayo, hindi titigil sa pag-ikot ang mundo. Tuloy pa rin ang buhay. Ang sa ‘yo lang ang tulayan nang nahinto. Ang mga taong iniwan mo, ang paligid na nakasanayan mo, tuloy pa rin. Hindi sila titigil sa paggalaw para lang sa ‘yo. “Uuwi lang ako saglit. Pagbalik ko, palit na tayo.” Napakunot ang aking noo nang marinig ko ang boses ni Arthur. Nakapikit pa ang aking mga mata pero gising na ang diwa ko. “Ingat ka,” boses ito ni Queenie. Narinig kong bumukas ang pinto hudyat na palabas na si Arthur. Nang marinig ko ang pagsara nito, iminulat ko na ang aking mga mata. Napangiwi ako nang salubungin ako ng liwanag na nagmumula sa bintana na katabi ng kama ko. Mukhang nasa private room ako sa isang hospital. Sinuyod ko ng tingin ang aking paligid hanggang sa mapatigil ang mga mata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD