PINANINDIGAN ni Arthur ang sinabi niya sa ‘kin. Araw-araw nagpupunta siya sa bahay ko para ipagluto ako at samahan buong maghapon. Isang linggo nang ganito ang sistema namin. Unti-unti ay umaahon na rin ang puso ko sa pagkalunod. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang malapad na likod ni Arthur mula rito sa sala. He’s cooking dinner. Halos lahat ng hinahanda niya healthy foods. P’wede na raw kasing gawin toothpick ang katawan ko. Grabe siya, ah. “Cath, nakita mo na ba ang prenup shoot namin ni Queenie?” tanong niya habang hinahalo ang kanyang nilulutong sinigang. “Hindi pa,” tugon ko. “Nandito sa phone ko. Kunin mo rito sa bulsa ko,” utos niya na agad ko rin namang sinunod. Nang buksan ko ang phone ni Arthur tumambad sa ‘kin ang nakangiting litrato ni Queenie. Napangisi ako saka mala

