Teenage Life 2

1070 Words
Heto talaga ang pinagkaiba namin ni Chloe. Mas maedad siya saken ng dalwang taon pero mas matured akong mag isip sa kanya. Pinilit kong gayahin ang mukha no Chloe. Happy at Joyful si Chloe habang ako naman ay laging nakasimangot at may seryosong mukha. Namana ko yata to kay Daddy. Inayos ko ang sarili ko at nag umpisang bumati sa mga empleyado nila Daddy sa Company. Ang hirap maging Chloe sa totoo lang. Simula kasi sa mga guard, janitors at sino sino ordinaryong empleyado ay kilala siya. Samantalang ako walang kilala kundi un guard sa mansyon sa condo professor sa school at mga pinsan ko. Hindi din ako mahilig umatend sa mga party kaya wala talaga akong kamuwang muwang sa mga negosyo ng magulang namin. Pagbukas pa lang ng pinto ay nakita ko naman si Daddy Paul. Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at kumapit sa leeg niya. Nakalimutan ko na naman na tumatanda na nga pala si Daddy kaya naman halos matumba siya sa pag buhat saken. "Daddy Im here!" pasigaw kong pag bati sa kanya. Hinalikan ko siya sa mag kabilang Pisngi at nag umpisa ng mag reklamo dahil sa sinabi niya saken. Hindi ko napansin na may apat na pares ng mga mata pala na nanuod samen. " Namamayat ka baby. Pinababayaan mo yata ang sarili mo dun sa unit. Sa mansyon ka na lang kasi umuwe " -Dadddy Paul " Hindi naman po Dad namimiss ko kasi un luto ni Mom, saka ang lungkot kumain pag mag isa pero kelangan ko masanay Dad alam mo nam---." ipapaalala ko sana sa kanya ung mga goal ko sa buhay ng mapahinto ako ng isang pamilyar na tikhim. Napatingin ako sa visitor area sa office ni Daddy Paul at napawi ang mga ngiti ko habang napabitaw din ako sa pagkakayakap kay Dad. "Dalaga ka na pero ganyan ka pa rin kung umasta sa Daddy Paul mo." walang ganang pag sita niya sa paglalambing ko kay Daddy Paul. "Daddy Joey andyan po pala kayo." lumapit ako at humalik sa pisngi niya. Naramdaman kong nagtagis ang mga ngipin niya. Bumalik na naman ung pakiramdam kong ayaw niya talaga saken. Mas nakaramdam ako ng lungkot dahil pagkatapos halos anim na buwan naming hindi pagkikita ay hindi niya man lang yata ako namiss. Nakauwe na pala siya galing Greece. Pero wala man lang ako kaalam alam. Nagbigay galang din ako sa lalaking nasa harapan ko. Nakatitig siya saken pero hindi ko na lang pinansin. Binalik ko ang aking paningin sa kay Daddy Paul at Daddy Joey. " Wrong timing po yata ako Daddy, babalik na lang po ako mamaya. Punta lang po muna ako sa Office ni Mom." paalam ko sa kanila. Sinulyapan ko si Daddy Joey pero hindi man lang siya tumingin saken. Nakita kong nakatingin pa rin saken un lalaking kasama nila Daddy kaya nagmadali na akong lumabas. Bago ako pumasok sa loob ng office ni Tita Mommy ay inayos ko muna ang aking sarili. "Its okay Janice. Masanay ka na" Dumiretso ako sa loob ng visitors area ng office ni Tita Mommy. " Janice andyan ka na pala."--Mommy Grace " Hi Mom! " pinilit kong ngumiti pero kilala talaga ako ni Mom. Hinawi niya ang buhok ko at hinaplos ang pisngi ng kanyang palad. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya saken. " Did you see him? "-Mommy Tango lang ang binigay ko sa kanya at iniwas ko ang mukha ko. Iniba ko na lang ang usapan namin. About Chloe at hanggang ngayon nga ay puno pa rin sila ng pag aalala dahil hindi tumatawag ang babaeng yun. Kaagad akong nag sorry sa kanya dahil hindi ko nagawang pigilan si Chloe. I know her, she's a brat and no one can stop her kahit pa pabantayan namin sya sa mga guard. Pagkatapos ng dalwng oras kong pag hihintay s couch ni Mam ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Habang nakapikit ang aking mga mata, naramdaman ko ang pag haplos ng malapad na kamay sa aking buhok. "Habang lumalaki ka mas nagiging mukha mo siya. Im sorry kung wala time si Daddy sayo. I need to do this for our safety. Love ka ni Daddy palagi"- Gumagaralgal na bulong ni Daddy Joey saken. Natatabunan ng akong buhok ang aking mukha kaya naman nagpanggap pa rin akong natutulog. For the first time in my life. Ngayon ko lang nadinig ang sinabi niya na Mahal niya ako. Gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako na baka pag mulat ko ay panaginip lang pala ang lahat. Kaya sinamantala ko na lang ang oras na kasama ko siya kahit isa itong panaginip. Ramdam ko na umupo siya sa may tabi ko. At sa bawat pag haplos niya sa buhok ko hinila akong muli ng antok at nakatulog na ng tuluyan. "Janice! baby, wake up. Uuwe na tayo dun na lang tayo mag usap about sa duties mo sa company." pag gising saken ni Daddy Paul. Kaagad akong bumangon. Napangiti ako dahil sa ganda ng aking panaginip. Totoo kayang sinabi un ni Dad saken? " Umuwe na ang Daddy mo sa mansyon niyo. Nag iwan siya ng body guard mo dahil nag dadalaga ka na daw kelangan na may mag bantay sayo tuwing aalis ka." Pang uuyam na kwento ni Daddy Paul saken. Wow lang ha. Body Guard as in! Hindi ba mas kelangan ko un nung bata ako dahil baka makidnap na naman ako. Si Daddy talaga. Mukhang panaginip nga lang un nadinig ko kanina. Kaya naman bumalik na naman ang seryoso kong mukha at yinakag na si Daddy umuwe sa mansyon nila. " Okay Dad. Lets go na po nagugutom na rin po kasi ako." " Sige naghihintay na rin ang Mom mo saka nga pala nag pahinga na si Manong driver mo at nagkasakit kaya ung body guard na lang din muna ang driver mo ngayon. Mapagkakatiwalaan naman naten siya at behave ka lang sa kanya"-daddy Paul Nang makalabas kami ng company. Sinalubong agad ako ng guard na sinasabi ni Daddy Paul. Aha ang guwapo naman. Kaso mukhang masungit din. Pero wag kang mag alala dahil mukhang pareho lang tayo ng ugali. " Hi Im Tristan Dela Vega. Ako ung assigned na maging body guard mo"pagpapakilala saken ng Tristan. Tumango lang ako sa kanya. At nauna ng pumasok sa kotse. Hindi ako umimik dahil Im sure naman namention na ni Daddy Paul ang name ko sa kanya as Chloe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD