Sinusundan namin ang sasakyan nila Mom and Dad. Habang nasa biyahe kami, medyo matagal din naman nag usap sina Dad at Tristan. Huminto kami sa isang fast food restaurant. Hinintay kong ipagbukas ako ng pinto ni Tristan.
Nung binuksan niya ang pinto nakita kong nakaabang ang kamay ni Tristan para sa pag alalay siguro saken.
Inabot ko naman pero nagulat ako ng pag salikupin niya ang aming mga kamay. Marahas akong napatingin sa mga mata niya.
"Let me go." Inis kong bulyaw sa kanya. pabulong pero siniguro kong mahahalata niyang naiinis ako.
" Chloe right. Masanay ka na. Hindi mo lang ako magiging body guard na tagabantay lang. Pag dating ng dalwang taon naka takda tayo ikasal kaya naman wag mo akong pakitaan ng pagka brat mo Sweetheart." pabulong sa may tenga ko ang pagkakasabi niya.
Kaya naman mas nainis ako. Ang yabang. "Sorry ka pero hindi ako si Chloe at isa pa dalwang taon pa yun marahil pag nakauwe na ang pinsan ko." bulong ng isip ko.
Binigyan ko lang siya ng matalim na tingin saka hinayaan na lang kung anu ang gagawin niya. Binitawan niya rin ang kamay ko pero sabay lang kami ng paglalakad kaya naman damang dama ko ung pang iinis niya saken. "I hate this guy!"
Nasa loob na kami ng restaurant. Table for four ang kinuha nila. Nakita ko ang pag bibigay importansya ni Mom at Daddy Paul sa mayabang na kasama namin. Im sure kung eto palagi ang makakasama ko masisira ang araw ko.
Habang kumakain na kami, panay naman ang dagdag ni Tristan ng pagkain sa plato ko. Naiinis na ako pero pinipilit kong ngumiti dahil nasa harap ako nila Tita Mommy and Daddy. Ayaw kong maging bastos sa harap nila kaya naman hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. Minsan pag di nakatingin si Mom and Dad, tinitingnan ko ng masama un katabi ko.
Nang pauwe na kami ay pinag sabihan ko si Tristan. Hindi naman siya umiimik pero andun parin ung nakakainis niyang ngiti sa labi. Parang sinasabi na " No one cant stop me".
Mabilis akong bumaba sa sasakyan ko at nagmadali umakyat sa kuwarto . Habang un Guard naman na asungot ay iniwan kong kausap si Dad.
"argghhhhh!" sigaw ko sa kuwarto habang pinanggigilan ko un cp ko dahil sinusubukan ko pa rin kontakin si Chloe.
"Chloe! I cant do this. Umuwe ka na!" sigaw kong muli habang nakadapa sa kama at nakasubsob ang mukha sa unan.
Nagising ako ng may sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Nakatulugan ko na pala ung inis ko kagabi. Hindi kaagad ako bumangon. Hinila ko un kumot para itaklob sa mukha ko.
"Good Morning Nay pwede ba pakisabi kay Mom, Bukas na lang ako papasok sa opisina. Charge ko lang un sarili ko before ako mag start" paos kong utos kay Yaya Gina.
Walang umimik at ramdam kong lumubog un higaan ko. Hindi naman gawain to ni Yaya Cely. Kaya inalis ko un kumot at inakala ko si Mommy.
"Ahhhhhhhhhh guwapitong demonyo !!!!!" sigaw ko sa harap ng mukhang kalabaw na nakahiga sa tabi ko at tutok na tutok ang mukha saken. Nakalimutan ko na bagong gising ako. Nakaramdam ako ng hiya kaya nagmadali akong bumangon para sana pumunta sa banyo upang gawin ang aking morning routine.
Pero hindi niya ako hinayaan makaalis. Mabilis niya ako g nakulong sa kanyang mga bisig. Well magtataka pa ba ako e kukunin ba siya nina Daddy body guard ko kung hindi to skilled sa mga ganitong bagay.
" Mamaya ka na bumangon. Tatawag ko na lang kay uncle na di ka papasok ngayon sa trabaho mo." Malambing nitong wika na nakapagpataas saking balahibo dahil na rin sa tumatama nitong hininga sa puno ng aking tenga.
" Fine, pwede ba bitawan mo ako Mr. " mabilis kong kinagat ang kanyang braso kung kaya naman nabitawan niya ako pero dahil sa hindi ko napansin na nasa dulo na pala ako ng kama ko ay bumagsak ako sa sahig na siyang ikina sigaw ko dahil sa sakit.
Madali ako binuhat ni Tristan at inilapag sa kama.
"Sorry, ikaw kasi e!" -Tristan
"So your blaming me pa din. Ikaw diyan etong nangyayapos. Wala kang pahintulot na pumunta dito sa kuwarto ko tapos chinansingan mo pa ako kaya ikaw ang may kasalanan." pasigaw kong paninisi sa kanya.
Naiinis ako. Nasira na naman niya ung araw ko. Gusto ko sanang magpahinga muna pero eto nga pag gising ko pa lang sirang sira na. Nag talukbong ako ng kumot ko dahil nakikita ko ang pagtitig niya sa katawan ko. Oo nga pala sympre sa pag tulog ko kelangan sexy ako dahil ganito so Chloe.
"Get out alam kong binilin ako ni Daddy Joey at Daddy Paul sayo pero hindi mo na kelangan pang puntahan ako dito sa kuwarto. Okay? kaya lumabas ka na" naiinis ko pa ring utos dito.
Wala akong nadinig na kahit na anong salita niya pero naramdaman ko naman ang paglabas niya ng kuwarto ko.
"God, Pabilisin niyo naman po ang pagkuha ni Chloe ng tagumpay niya para makauwe na siya agad" bulong kong dasal sa itaas.
Nawalan na ako ng ganang matulog kaya naman inayos ko na ang sarili ko. Pupunta na lang ako sa isa sa mga paborito kong pwesto dito.
"Good Morning Ms. Chloe." sabay sabay na bati ng mga katulong ni Daddy Paul saken.
May ilang nakasunod saken. Marahil nagtataka sila dahil hindi ko sila binati pabalik ng may sigla. Gustuhin ko man hindi ko talaga kaya. Ayaw kong makipag usap sa mga di ko kilala. Nang nakita ko naman si Yaya kaagad ko siyang bineso.
" Good Morning Nay! " masigla kong bati sa kanya.
Tiningnan naman ako ng Yaya namin ni Chloe dito s bahay sa mga mata. And I knew it yang mga tingin niyang yan saken. Alam na alam ko yan. Si Nanay Cely hinding hindi mo yan maiisahan. Kahit pa nga magkahawig kami ni Chloe kilala niya pa rin kami kahit nakatalikod.
" Nay dont look at me that way. Kasalanan to ng mahal mong alaga. Pinalaki mo kasing spoiled." pabiro kong paninisi kay Yaya.
" Ah ganun." kinurot niya ako sa may tagiliran. "Kayo talaga mag pinsan ay parehong spoiled. Kaya nga nagagawa niyong makatakas samen palagi dahil sa pagtutulungan niyo. Naku sinasabi ko sa inyong mga bata kayo. Paano kung mapahamak kayo dahil sa gingawa niyo yan." puno ng pag aalalang sermon ni Yaya saken.
Kaagad ko naman nilambing si Yaya. Inaya ko siya sa paborito kong lugar sa mansyon ni Tita Mommy.
Mabilis lang din nag hilom ang inis ni Yaya samen ni Chloe matapos kung ikwento un sitwasyon ni Chloe sa kanya. Mas pinili kong tumambay dun habang pinag aaralan ang mga ini email ni Daddy Paul saken about sa gagawin ko sa company at hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala eto.