Chapter 13

1272 Words
Hirap akong makasingit papunta sa upuan ko pero habang nakikipagsiksikan ako ay nakinig ko ang isang boses. Boses na sinasabi ang typical line ng isang supervisor. Kaso sa tagal ko dito at kilala ko lahat ng boses ng mga T.L dito ay ngayon ko lang nakinig ang boses ng kung sino man kausap ng customer ko. Tsaka bakit kailangan may audience habang nag cocommendation call? Normal na naman na once in a while may nakakatanggap nito. Gawa ba ng client? Ginalit ba ni Adeng? “Really Mrs. Oyasu? That’s great to hear! I am glad that my representative managed to answer all of your queries and provided quality customer service despite of your numerous requests in a timely manner. I will make sure she will receive much more than praise from the company regarding her excellent job.” Sa wakas ay nakarating din ako sa sentro ng kumpulan at nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa upuan ko at nakatitig sa monitor. He is wearing a red and black jacket. I can’t of course see his face because he is facing my monitor. Pero ang buhok niya… Pale black… Swept away na parang akala mo ay kakababa lang sa pagsakay sa kabayo… Why do I get the feeling that that hair is familiar? Almost a part of me, of my past. Napatingin ako kay Adeng na kumakaway sa akin at wordlessly na nagsosorry habang nakaturo kay Summer na nakatayo sa tabi ng lalaking nakaupo at ginuguide ito sa kung ano ang itatype habang kausap ang customer. “Again, thank you very much for your loyalty to Swift. I will make sure personally that from now on, everytime you call, she will be the one who will take care of you and your account with us. Thank you very much Mrs. Oyasu for your time and patronage. We will expect your continued loyalty and enjoy your day! Goodbye!” Iyon lang at natapos na ang call ng kung sino man ang kumuha ng com call ko. “Just properly notate the account, your highness,” bilin ni Summer sa lalaki habang tinuturo ang kung ano man sa monitor, “Finally I click mo yung homing button para next time, directly na kay Verns ang call ng customer.” Tumango tango ang lalaki at ilang saglit pa ay mukhang tapos na ito dahil tinanggal na nito ang headset ko at tumayo na, “Verns? The name though,” “May problema ba, your highness?” magalang na tanong ni Jeff na mukhang kakarating lang. “Where is this Verns anyways? Mukhang tuwang tuwa ang customer sa kanya,” tanong niya kay Summer na napasulyap sa akin. “Actually, nasa likod mo lang siya,” turo ng trainer ko sa akin. Lumingon naman ang lalaki… And the moment our eyes met and we are face to face, it seems like suddenly, no one else was here but the two of us. Maybe gawa ng side effect ng gamot dahil nagwarp sa paningin ko ang paligid at suddenly we were at the same place where we met for the first time. Hoshiro Utsuwa Here he is standing in front of me. Akala ko hindi na ito tatangkad pero now he is a few inches taller from when we last met years ago. Gumanda ang tindigan niya at nawala na kung ano mang natitirang babyish fats sa mukha niya at nahalata lalo ang chiseled niyang mga panga. And his eyes, his dark brown eyes… Same bright dark brown eyes na ang tanda ko dati ay parang nagkakaspotlight sa liwanag tuwing nakatingin sa akin. Still the same handsome face from the past. Napakurap ako at suddenly ay bumalik ata kami sa reality (o ako lang). Nakaramdam ako ng hilo at panlalamig ng ulo. Im just hallucinating… That’s right, there’s just no way the guy who I didn’t hear anything for years will be standing infront of me right now after taking my commendation call. “Verna? Are you okay?” kinig kong alalang tanong ni Summer. Napailing ako at pinilit kong wag tingnan ang lalaking nakatayo sa harap ko at finocus ko ang tingin ko sa panda inspired outfit ng trainer ko, “I’m fine. I’m fine. Side effect siguro ng gamot. I think I’m hallucinating. I’m seeing my schoolmate from high school. Dapat siguro hindi ako nagpalipas ng oras ng inom ng meds,” awkward kong sagot, probably saying more than what I really want to say. Tahimik na nagmamatyag ang mga katrabaho ko sa akin habang kita ko si Jeff na mukhang naguguluhan. Bago pa makasagot si Summer ay naglakad ang lalaki papalapit sa akin. I can see his feet walking towards my direction. Hinawakan ako ng kaliwang kamay niya sa balikat at naramdaman ko ang kanang kamay niya na iniangat ang aking mukha to meet his. Then I saw him closer… Alam ko mataas ang dose ng gamot pero this is insane. He really, really looks like… “Verna. Schoolmate?” kunwaring tampong pacute na simangot niya sa akin tapos ngumiti ng matamis, “I’ve been courting you since our first year days. Nagpakahirap akong maging Representative Coordinator ng Fenrir para lang makasama ka lagi. Hanggang sa makagraduate tayo ng high school lagi akong kabuntot mo at nanliligaw. Then years after we last met when I thought hindi na tayo magkikita pa, all you gonna say is I’m your schoolmate?” naiiling na sabi niya sa akin. Hindi halos ako makahinga sa sobrang gulat. May kung anong tumadyak sa utak ko para iparamdam sa akin na hindi halusinasyon ang lalaking nasa harap ko ngayon. “Ho… Hoshiro?!” hindi ko makapaniwalang bulalas finally ng pangalang hindi ko akalaing mababangit ko pa ulit in my lifetime. Ngumiti ito the same way he always did whenever he tries to be close to me, “Siguro kaya mo sinabi na schoolmate para tigilan na kita sa panliligaw ko right?” maling hula nito sa reaksyon ko pero bago pa ako makasagot ay umiling na ito, “Well, let me burst your bubble. Technically I am STILL courting you at sa tagal kong nagsawa sa kaka reject mo ay hindi na tatalab sa akin ang mga below the belt na hirit mo. I’ve heard all the snide remarks you can think of and you can’t rid of me. Not now that we meet again,” proud niyang pagmamalaki na para bang lahat ng panglalait at pagtataboy ko sa kanya ang isa sa mga greatest skills nya or something. “Uhm, your highness. So Verna and you are,” simulang tanong ni Jeff at tumango agad si Hoshiro, now holding my hands so tight parang hindi na niya ako bibitawan pa. “Yes Jeff. I am her suitor. The first and the last girl I will court,” proud na sabi niya sabay ngiti sa mga katrabaho ko, “Ngayon alam nyo na ang totoo kung bakit subsob ako sa trabaho since I returned from the Philippines at wala akong nakakadate. Verna is holding my heart. Blame her,” nakakalokong sabi nito sabay yakap sa akin. Between the side effects ng gamot at sa shock na makita ulit ang isang malaking parte ng buhay ko, I don’t know what to do as of this moment. Maybe my mind is clueless… But my heart can only feel the warmth and nostalgia habang yakap yakap niya ako ng mahigpit at hinalikan niya ang aking ulo. Tsaka ko na siguro poproblemahin ang ibang mga bagay. Right now, I will let my heart enjoy the feeling this heartwarming and unexpected reunion. Because I can’t lie to myself… I missed him so much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD