Chapter 12

2608 Words
“Hi! Thank you for calling Swift Credit Customer Service! My name is Verns! How can I help you today?” masaya kong bati sa kasunod kong customer kahit pang ilang dosena ko na siya this long night. Lumulutang na naman sa himpapawid ng production floor at sa liwanag ng bumbilya ang aking may lamig na utak sa antok. Almost Christmas season na at syempre madami na namang credit card related issues ang nagkalat sa mundo. That and gawa siguro ng iniinom kong pain-killers kaya medyo “high” pa rin ng kauntian ang inyong lingkod. “Nasugatan sa stampede ng mga nagtatakbuhang tao” ang press release ko at ng kumpanya kung bakit mukha akong mummy nang bumalik ako sa opisina the day after my supposedly bakasyon engrande na naging sugatan engrande. Inofferan ako ng one month paid leave pero di ko na tinanggap. Baka lalo akong tamarin sa buhay. “Oh Verns! Can you….” Simulang tanong ng pamilyar na boses ng lalaki sa akin sa kabilang linya. Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya bago ako sumagot, “Sir, saglit lang may kausap pa si Adrianne,” sabi ko sa kausap ko sabay lingon sa babaeng mukhang nasa gitna ng mall at nag dedemo ng kung ano-ano. Babaeng mukhang inianak ng t.v na ang palabas ay Kpop or something. To be fair mukha nga itong hilaw na Koreana. Maputi ang balat ay may pagka chinky ang mga mata. Dagdag mo pa ang Korean fashion sense nito at naka boy’s cap pa ay talagang aakalain mong may show na K-Artist sa tabi mo. Boyish ang kilos at pananalita kaya mabentang mabenta sa mga customers ano man ang gender at age. “Yes na yes mam! Kaya mag avail na kayo ng health insurance na ito! Mura na sigurado pa! Tanong ninyo mam sa mga kapitbahay ninyo! Pag check ko sa location ninyo, kayo na lang ang hindi pa naka Swift Health Insurance! Ano pa ba hinihintay mo mam? Kasal ko? Aba, matatagal pa un! Ano mam? Enroll na kita hah? Para di ka na nahuhuli sa mga kumare mo dyan na sabi mo ay tinatanong ka kung naka S.H.I ka? Ngayon, pahiya na sila! So go na mam? Go na?! Ay ang saya eto na mam!” mabilis nitong clinick ang enter button sa keyboard niyang puno ng glitter stickers at designs bago pa magbago ang isip ng kausap niya. Ilang saglit pa ay nakapagclose na naman ito ng isang lucrative deal na nagkakahalaga ng mahigit sa one year na sahod naming dalawa combined para sa kumpanya. Kaunting bola, tawa at paalam ay natapos na naman ang isang fruitful call ni Adeng bago nirecord ang kinita niya for today at bumaling ng tingin sa akin, “Paano ba yan Verns?! May pang kain na naman tayo?! May asim pa rin ang seatmate mo diba? Okay sagot ko ang dinner natin ni Elesa this weekend!” proud nitong sabi sa akin habang nag aayos ng buhok sa harap ng colorful niyang salamin na nakapatong sa desk nya. “Oo na, oo na. Mamaya ka na manalamin at kunin mo na tong lalaki sa line ko dahil hindi pa ako nakakakota ng calls ko. Kulang pa ako sa kota!,” pagmamakaawa ko sa kanya. Thankfull ay mukhang kinilig ang bruha, “AY! Di mo naman sinabi agad Verna! Dali! Transfer mo na siya sa akin ng matubigan ang nanunuyot kong Avaya!” malandi nitong sabi sabay ayos ng upo na akala mo ay makikita siya ng kakausapin niya. Napatawa na lang ako bago binalikan ang lalaki sa linya ko at sinabi ang script ko, “Thank you for patiently waiting Mr. Daniel Reid! As requested, I will be transferring you to our S.W.I specialist. Would there be anything else before I connect you over?” “No, nothing as usual. I owe you as always, Verns,” masaya nitong sabi sa akin. “I’ll keep that in mind sir! Hold the line please,” iyon lang at itinapon ko na kay Adeng ang customer ko na bago pa ako magwork dito ay kalandian na ng katabi ko ang lalaking sa telepono lang niya nakilala. Alam ng mga boss namin dito ang pinag gagagawa ng bruha pero hindi na nila pinapansin at pinababayaan na lang dahil halimaw maghakot ng quota ang katabi ko at tuwing magtatapos ang araw ay hindi bababa sa doble ng target nito ang naipapasok niya sa kumpanya. Ang galing ba namang mang bola at magpaikot ng customer. She once said na kung hindi lang daw siya mabait at may pag galang sa mga bituin (Hyillist siya) ay matagal na siyang yumaman ng bongga sa pang iiscam. Her voice is so convincing bordering hypnotic maiisip no na mapapa oo ka nalang niya ng hindi mo namamalayan sa kahit anong ioffer niya o hingin sa iyo. A skill that is gold and very much valuable sa line niya na naghahabol ng benta sa customers. *English* Bumuntong hininga na lang ako at napapailing kay Adeng na kilig na kilig ngayon sa kanyang kausap. “Hi! Thank you for calling Swift Customer Service! This is Verns, how can I help you today?” automatic kong bati sa babae sa kabilang linya na parang ginigilitan ng buhay as of this moment. -0- Nakakapit na ako sa divider ng cubicle habang nakikipag usap sa makulit na matandang Akimrean sa kabilang linya. Hindi naman siya galit o nambwibwisit. Talagang madami lang siyang pinapacheck sa akin na items na pinagbibili niya for Christmas na talagang nakakalula sa mahal ng presyo at sa dami. Hindi naman ako normally ganito. Carrybells naman most of the time. Pero dahil nga sa may iniinom akong painkillers ay naaapektuhan ng side effects ang quality ng work ko. Especially pag medyo sala na ako sa oras ng inom like this night, naghahalo na ang sakit ng mga sugat ko sa pagkamanhid ng katawan at ng ulo ko. Pinapanawan na ako ng ulirat as of this moment pero kapit lang talaga dahil kadalasan sa mga matatandang ganito pag natulungan mo ay napakagrateful at tiyak na mabibigyan ako ng magandang feedback. Na reach ko na naman ang kota ko a few calls ago kaya kahit abutin ako hanggang end of shift kay lola ay ok lang. Tutal wala nang thirty minutes ay uwian na so okay lang pagpasensyahan si lola. The question is makakareach kaya ng end of shift ang utak ko? “Sweetie, I’m really sorry for taking so much of your time. I know this is very annoying but I really need your help with these expenses. I just need to know when and where I bought them exactly so I can track the perks. Give me a few minutes to tell which is which,” paumanhin sa akin ng may katandaan nang ginang. 87 years old na si lola. “It’s all right Mrs. Oyasu, please take your time,” sabi ko sa matanda sabay tingin sa tumbler ko sa tagiliran ng monitor katabi ang painkillers ko, “Actually, if you don’t mind, can I just take my meds while you are sorting out your purchases?” Segway ko sa matanda na hopefully ay pumayag. “Oh Verns, no need to ask! Go on ahead and if there are foods there then grab a bite as well! You are doing me a lot of favor here so go on and help yourself. Just don’t let go of me, kay?” swerteng sagot sa akin ng cutomer ko. Nagpasalamat naman ako bago inabot ang gamot at tubig at mabilis na ininom iyon. Kakaiba talaga ang mga high end na gamot (at mamahalin) from T.A.N. Yung tipong wala pang five minutes ay umepekto na agad ang painkiller at para na namang nalipad sa alapaap ang aking utak. I feel so light, yet so free and content. Tiningnan ko ang likod ng bote ng gamot at binasa ang side effects. Side effects may include (or several) of the following: Lightheadedness, numbness, chills and extreme hallucinations. Extreme hallucinations? Well maliban sa halusinasyon ay naranasan ko na lahat ng side effects ng letseng gamot na ito. Wag naman sana ako abutan ng *pagkahigh* dito sa opisina. “Verns? Dear? Still there honey?” tanong ng matanda sa kabilang linya. “Yes Mrs. Oyasu, still here. Found them all?” magiliw kong tanong sa matanda. Nagusap pa kami ng customer ko ng ilang minuto nang biglang dumating si Adeng sa tabi ko galing comfort room. Minute ko ang call nang sumenyas siya sa akin. “Girl, wrap up mo na yan! May surprise client visit! Paparating na sila!” panic nitong sigaw sa akin bago inayos ang kanyang cubicle na puno ng kung ano anong abubot. Napakunot ang noo ko ng binalikan ko ang matanda, “Yes Mrs. Oyasu got it, just give me one to two minutes to allocate all the points you earned to your perks. Will it be okay if I put you on a brief hold while you wait? Great. Please hold,” mabilis kong sabi sabay hold sa customer at mabilis na tinapos ko ang procedure sa account ni lola bago nilingon ang katabi kong akala mo ay pinalayas na squatter kung makapagbaklas ng mga nakadikit sa kanyang cubicle at computer. “Adeng client? Sinong client? At ngayon na talaga dadating sila? End of shift na halos ah?” mabilis kong tanong dito habang nakikinig ko ang panic na kalibumbungan ng buong production floor na parang ginagawa din ang ginagawa ng katabi ko right now. “Client! OMG oo nga pala hindi mo pa sila namemeet. Client meaning big boss! Big boss meaning may ari. May ari meaning pag hindi ka nila nagustuhan papalayasin ka nila!” panic nitong sabi sa akin nang basta basta na lang nito itinapon lahat sa personal drawer niya ang mga gamit niya bago pinilit itong isara kahit mukhang sasabog na sobrang puno, “Surprise visit lagi sila. Buti na lang pa end of shift na. At buti na lang wala kang aayusin sa boring mong cubicle!” puna nito sabay turo sa walang kadesign design kong pwesto. “Well at least hindi ako tulad mo at ninyo na parang mga illegal settler na idedemolish ang mga bahay sa pagmamadaling magtago ng mga kalat ninyo. Hay naku, ikaw kasi napasobra design mo sa pwesto mo. Teka nga mabalikan nga si Mrs. Oyasu. Balitaan mo ako Adeng hah?” paalala ko dito sabay upo ulit at suot ng headset bago binalikan ang customer ko. “Thank you for patiently waiting Mrs. Oyasu! As promised I already allocated all the perks you earned during your last shopping spree. You can see that the online profile will be updated in the next two to three days after this call. Anything else?” “Oh thanks for that Verns actually, one last thing then I will let you go,” mabilis na sangat nito na nagpangiwi sa akin. Turns out gusto nitong ipanotate lahat ng nirequest niya during our call para next time daw ay hindi na mahirap alamin kung ano ba ang gusto niyang gawin sa account niya. Carry lang sana kaso nakita ko si Summer in her panda outfit na nag uuli na sa paligid at pinapatapos na ang mga call. “Wrap that call Verna! Nandyan na sa entrance ang clients! Double time!” inis na sabi nito ng sumenyas ako na matanda ang kausap ko. Well, kahit pa dumating ang leader ng Akimrea ay hindi ko idrodrop o mamadaliin ang matanda na ito. She is one of the nicer customers I ever talked to and I make a promise to myself to remember and cherish customer convos like these in a workplace kung saan kalimitan ay mura ang inaabot ko. Type ako ng type habang may narinig akong palakpakan at batiaan sa hindi kalayuan na in my guess ay mga clients dahil halatang pilit ang energetic na bati at tawanan ng mga katrabaho ko. Ilang minuto pa siguro ang lumipas at nobela na ata ang naitype ko sa notes section ng sa awa ng mga bituin ay mukhang naligayahan ang matanda. “Verns, dear. You made my problem the easiest thing to tackle even though I know it takes a lot of patience and empathy to handle someone as naggy as me. Before you ask if I need anything else, let me say that yes, I want to talk to your supervisor or manager so I can tell them how much you helped me,” sweet na request sa akin ng matanda. “Oh, that is so nice of you Mrs. Oyasu. Can you still wait for a few minutes while I get one of my superiors to hear you out?” “Oh honey. I can wait for days here if its just for you. Take your time,” masayang sagot niya sa akin. Tumayo naman ako at nagpalingon lingon. Bakante ang Team Leader stations. Lumingon ako sa isang malaking kumpol ng mga ahente na parang may pinapakinggang mag speech. Tumakbo ako sa gilid ng kumpulan at nakita ko si Adeng na nakatikdi at may sinisipat. “Adeng! Hanap mo ako ng T.L! Commendation call!” bulong ko dito. Napakunot ang noo nito, “Naku Verna! Nasa unahan ang mga T.L at manager kasama yung client na supper yummy at super powerful grabe once in a lifetime mo makikita ng personal! Swerte natin! Anyways, you don’t expect me to go there just to ask for you right?” suspicious na tanong nito sa akin. Sa halip na sumagot ay tinitigan ko ng seryoso ito. Eye to eye I said wordlessly that ang laki ng sinakripisyo ng AHT ko (average handling time o oras ng bilis mo sa pag handle ng call) at metrics para lang matulungan siya sa kanyang phone love life. Na ilang freebies at coupons ang hindi ko nakuha dahil mas pinili ko na tulungan siyang makausap agad ang jowa nya instead of just transferring Daniel to other agents to save my scorecard. Mukhang in a span of a few seconds ay naintindihan niya lahat ng gusto kong ipahiwatig at napangiti na lang ito at kumindat sa akin, “When you stare at me that way, it sends me thousands of messages including wala akong utang na loob at ang dami mong sinakripisyo para sa akin, sa amin. When you look at me like that how can I even say no? Baby Daniel adores you too! So yes! Sa ngalan ng pagibig AT kalandian, kakapalan ko ang mukha ko at pupunta ako sa unahan para harapang kumuha ng T.L sa harap ng client at ni Summer na more or less ay mababastusan sa akin at may chance na mawalan ako ng work o masuspend! Pero who cares! Because of you, Daniel and I became closer! So go Adeng! GO!” motivate nito sa sarili niya. “Ok, sige. Dalhin mo na lang kung sino makakaladkad mo sa station mo at kukuha lang ako ng tubig sa refiling station ha?” bilin ko dito at bago ako tumalikod ay mabilis na itong sumangat papunta sa unahan habang tumakbo ako pabalik sa station ko sabay kuha ng tumbler at punta sa tubigan. Kahit kalian talaga sobrang bagal ng patak ng tubig sa letseng dispenser na ito. Yung mas mabilis pa ung patak ng mens ko. Sa likod ko ay nakakinig ako ng biglang pagtahimik kasunod ng ilang dosenang yabag papunta sa direksyon ng station ko. Paglingon ko ay halos mabitawan ko ang tumbler ko ng sa halip sa gitna ng floor ay naputa sa station ko ang gitna ng town hall gathering ng account. Nanlamig ako habang tumakbo pabalik sa station ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD