JETH’S POV Being with them is the best part happening to my life. Hindi ko inaasahan na sa sandaling pagtakas ko sa mundong aking ginagalawan ay makakahanap ako ng bagong pamilya. Masaya na ako na natanggap ako ni Enna pero mas lalo pang gumanda at sumaya nang malamang birhen ko nakuha ang babaeng inakala ko noon na single mom. Ang babaeng umagaw sa aking atensyon sa kabila ng napakasimple nitong kaanyuan. Siguro kapag ibang lalaki ay mayayamot o di kaya ay magagalit kung ang isang bata ay bigla na lang makiusap na tawagin siyang Papa. Pero ako, ni katiting na galit o inis ay wala akong naramdaman nang tawagin akong Papa ni Jana. Si Bugoy ay Kuya pa rin ang tawag sa akin pero ayos lang sa akin iyon dahil pansin ko naman na mukhang boto ito sa akin para sa kanyang tiyahin na nagsilbing

