4- Mesmerize

1246 Words
JETH’S POV Hindi ko alam kung ano meron sa ina ng batang kasama ko pero hindi ko mapigilang mapatitig dito. Habang nagsasalita ito at kinakausap ang kanyang anak ay tamang nakikinig lamang ako na parang isang hibang na maging ang kanyang paraan ng pananalita ay aking pinagmamasdan. Sayang naman at may asawa na ito. Bigla na lamang nasabi ng aking isip. Pagkatapos nitong makausap ang batang umiiyak na sa pagkakarinig ko ay nagngangalang Bugoy ay tinapunan niya ako ng tingin. Tingin na parang naiilang at nag-aalala. "Kayo po ba ang guardian ng bata?" tanong ko rito. "Ako nga po. Sino po sila?" sagot nito. Lumapit ako at inilahad ang aking palad upang makipagkilala. “Jeth po pala.” Tila nag-aalangan pa itong tanggapin ang aking pakikipagkamay at pagkuway ipinunas pa nito ang kanyang kamay sa kanyang damit kahit pa hindi naman ako maselan pagkatapos ay nakipagkamay. Hindi man nito sabihin ay alam kong sa palengke ito nagtatrabaho. Bukod sa natuyong kaliskis ng isda na naiwan sa kanyang buhok ay tila dumikit din dito ang amoy ng kanyang tinitinda. Malambot at medyo kulubot ang kanyang kamay nang marahan ko iyong pinisil na para bang matagal itong nababad sa tubig. Hindi naman ako maarte dahil kahit sandali lamang ang inilagi ko sa Tondo ay natuto naman akong makipagkapwa- tao at nalaman ko kung gaano kahirap ang dinaranas ng iba upang makibaka sa araw-araw na hamon ng buhay. "Ano po ang sadya niyo sa anak ko? Bakit siya umiiyak? A-Anong nangyari?" tanong nito. Agad nitong binawi ang kanyang kamay nang siguro mapansin nito ang marahan kong pagpisil doon. Sayang talaga.. Muli kong napalatak. "Hindi niya kasi sinasadyang matumba ang big bike ko na nakaparada malapit sa tindahan. Nakikipaglaro siya sa mga kaklase niya habang naglalakad then natumba Yung big bike at natanggal ang side mirror," sabi ko rito. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang tungkol sa nasaksihan kong ginawa ng ibang bata o dapat ko itong tanungin kung alam niya ang nangyayari sa kanyang anak dahil pakiwari ko ay biktima ng bully ang bata lalo pa medyo maliit ito habang ang batang lalaking agad na umiskapo at nanulak sa anak niya ay may katabaan. Sa huli, minabuti ko na lamang na manahimik at huwag manghimasok. Lumabas pa ito upang tingnan ang naging damage ng aking motor at kita ko kung gaano ito nanlumo nang makita ang ilang gasgas at ang dapat na side mirror na natanggal. Nakiusap ito sa akin pero bilang parte ng aking pakikisama sa ibang tao, gaya ng dati ay kailangan kong itago ang tunay kong antas sa buhay kaya sinabi ko rito na hindi sa akin ang motor at sa kaibigan ko iyon. “ Ha? Ah, eh, pwede niyo bang matawagan ang may-ari para mapakiusapan. Hindi ko kasi kayang bayaran ng buo ang nasira ng anak ko," anito nang sabihin ko iyon. "Nasaan po ba ang tatay ng mga bata?" out of curiosity ay bigla ko na lamang naitanong. "W-wala po. Sumakabilang-buhay at ako na lang ang bumubuhay sa mga bata," anito na agad na nagbaling ng tingin. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong mapangiti dahil sa sinabi nito at bigla na lamang may isang ideya ang pumasok sa aking utak. Maybe God let those things happen to my big bike to meet them. Kapalit ng pagbabayad nito sa sidemirror ng aking big bike ay nagpahanap na lang ako ng bahay na pansamantala kong matirhan habang narito sa kanilang bayan at kung possible ay magpapahanap na rin ako ng trabahong possible kong pasukan. Ilalabas ko na sana ang aking calling card upang ibigay dito upang maabisuhan niya ako kung sakaling may mahanap itong bahay na pansamantalang malilipatan ko nang maalalang sa calling card ko ay nakasulat ang aking buong pangalan maging ang negosyong sa aki’y ipinaaasikaso kung kaya’t agad ko iyong itinago at hiniram ang kanyang cellphone. Doon ko itinype ang aking number at pagkatapos ay sinave ang kanyang number bago ako tuluyang umalis. Naghanap lang ako ng isang private parking space kung saan ko possibleng iwanan ang aking motor at saktong may nakita akong mall, mahigit limang daang metro lamang ang layo mula sa bahay ng mag-iina. Pinaayos ko rin sa isang pagawaan ang aking side mirror at pagkatapos ay matiyagang hinintay ang tawag ng ina ng bata. Hindi ako makatulog sa kakaisip sa ina ni Bugoy kahit pa anong baling at pagpikit ng mata ang aking gawin. Bigla kong naimulat ang aking mga mata at napaupo nang maalalang hindi ko nga pala natanong ang pangalan nito. Nagpakilala ako subalit hindi niya man lang binanggit ang kanyang pangalan. “May susunod pa naman,” sa isip ko. Kinabukasan ay wala pa rin akong natatanggap na tawag sa babaeng iyon kung kaya inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagbili ng mga damit na aking susuotin at sa isang ukay-ukay sa bayan ako dinala ng aking paa. Pagkatapos makapamili ay nag-ikot ikot na ako sa pamilihan na iyon. Doon ay hindi inaasahan na makikita ko ang ina ng batang aking nakadaupang palad kahapon. Nakangiti itong nakikipag-usap sa mga mamimili habang mabilis ang kilos na nagkikilo at naglilinis ng isda. Parang may sariling isip ang aking mga paa na naglakad patungo sa pwesto nito. “Ano sa iyo, Sir? Sariwa ang mga isda ko, pili ka na,” anito kahit na hindi ito nakatingin sa akin dahil may kinukuha itong pera sa kanyang apron na suot upang ipanukli sa isa pang mamimili. “Magkano kilo rito?” tanong ko. “320, Sir,” sagot nito na nakangiti ngunit biglang nawala ang ngiti nito nang magtama na ang aming mga mata. “Ay, ikaw pala Sir.” Napatango ito. “Ano nga pala ang pangalan mo, Miss? Nakalimutan ko kasing tanungin.” Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tinanong na ang pangalan nito na halos hindi nagpatulog sa akin buong gabi sa kakaisip. “Enna, Sir. Enna po ang pangalan ko. Yung tungkol po sa nasira ni Bugoy, uunti-untiin ko na lang bayaran kasi kalalabas lang ng kapatid ni Bugoy kahapon ng hapon. Pasensya na po talaga sa perwisyo,” hingi nito ng paumanhin. “Naku, Jeth na lang ang tawag mo sa akin at saka nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa iyo kahapon? Basta hanapan mo lang ako ng pansamantala kong matitirhan ay okay na iyon na pambayad. Medyo mahal kasi ang binabayad ko sa inn,” sabi ko rito kahit pa wala sa akin ang presyo ng matutuluyan. “Ah, Oo nga pala. Wala kasi akong maisip na pwede mong tirahan pansamantala pero kung gusto mo, doon ka na muna sa bahay namin tumira. Tatlo lang naman kami ng mga bata at saka para makabayad ako sa naging atraso ng anak ko sa iyo.” “Talaga? Okay lang sa iyo na sa inyo muna ako pansamantalang tumira?” “Oo naman pansamantala lang naman, eh. Mamayang tanghali pa ako uuwi, kung gusto mo pwede mo akong hintayin kasi wala kang madadatnan sa bahay. Sayang din ang ipambabayad mo sa inn na tinutuluyan mo,” sabi nito. “Sige. Hintayin na lang kita. Babalik ako sandali sa inn para kunin ang gamit ko,” nakangiti ng sabi ko at saka na lumayo. Naipilig ko na lamang ang aking ulo nang maramdamang nakangiti at tila excited pa ako habang inaayos ang aking mga gamit. Bakit ako ngumingiti? Dahil ba kay Enna? Kahapon ko lang ito nakilala pero bakit ang gaan ng loob ko sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD