JETH’S POV
Paglabas ng mansyon ay agad na pinaharurot niya ang kanyang mamahaling motorsiklo. Walang malinaw na plano kung saan siya tutungo dahil ang tanging nais niya lamang ay makaalis sa lugar na iyon. Gusto niyang pumunta sa isang lugar kung saan hindi siya kilala ng tao bilang isang Dela Cuadra. Malayo sa gulo at ingay.
Hindi na siya pwedeng magtungo sa Tondo kung saan dating nakatira si Kuya Onyx dahil sa kilala na siya ng mga tao roon. Ganito kasi talaga ako kapag tila nagsasawa na sa takbo ng buhay at kung feeling ko ay nagiging toxic na ang aking paligid. Sa ganitong paraan ay natatakasan ko ang realidad at ang mundong aking kinabibilangan.
Patuloy ang aking pagmamaneho. Humihinto kapag napapagod, kumakain sa karinderya kapag nagugutom at nag-chcheck sa isang inn kapag inaabutan ng dilim. Hindi ako tumigil sa pagmamaneho kahit na ilang milya na ang aking tinakbo. Nang sumunod na araw, pagkatapos lang magpahinga at maligo ay muli na akong sumakay sa aking motor at nagpatuloy sa aking adventure. Hindi ko pa rin kasi maramdaman ang isang bagay na hinahanap ko.
Yung feeling na maari kang mapabilang sa lugar na iyon.
Halos apat na oras ang aking ibiniyahe nang makaramdam ako ng ngalay at pananakit ng likod mula sa mahabang biyahe kung kaya huminto ako sa isang tindahan na may katabing karinderya. Sakto naman na magtatanghalian na kung kaya naisipan ko ng humimpil upang mananghalian.
Sanay naman na akong pagtinginan kahit na in-adjust ko na ang aking paraan ng pananamit na isang bagay na aking natutunan noong nasa Tondo ako. Hindi rin ako nagsusuot ng mga mamahaling alahas gaya ng relo at mas lalong hindi ako mahilig magsuot ng tuxedo o americana gaya ng mga kapatid ko. Siguro dahil sa dala kong motor pero wala na akong pakialam kung ano pang dahilan ng kanilang pagtitig sa akin. Wala rin namang naglalakas ng loob na magtanong sa akin.
“Sir, ano pong order niyo?” nakangiting tanong ng isang babaeng na may katabaan na sa tingin ko ang edad ay nasa kwarenta na.
Sinilip ko na muna ang mga ulam na nakahilera sa estante.
“Isang sisig po ate at saka ito po. Samahan niyo na rin ng dalawang kanin at pahingi na rin po ng sabaw,” sabi ko at saka nag-abot ng pera. Isa sa aking natutunan habang nakikisalamuha sa mga ordinaryong tao ay ang pagdadala ng barya at mas mababang denomination ng pera. Ang tanging laman nga lang ng aking wallet ngayon ay tig-iisang daan, bente at singkwenta. May isang libo rin naman subalit iilan lang. Ayaw ko naman magdala ng maraming cash at isa pa ay may cards naman ako kung sakaling maubusan ako ng pambala.
Nang makuha ko ang aking order ay umupo ako sa isang bakanteng silya malapit sa lugar kung saan nakaparada ang aking motor at kung saan ko inilapag ang aking helmet. Magana akong kumain dahil na rin sa gutom nang hindi inaasahang matapunang ng sarsa ang aking suot na damit.
“Sh.t!” hindi ko napigilang mapamura. Kumuha ako ng tissue na nasa lamesa at saka pinilit itong pinunasan pero dahil masyadong mapula ang sarsa ay hindi naging matagumpay ang pagtanggal ko sa mantsa. Mabilis ko na lang tinapos ang aking pagkain.
“Ate, may cr po ba kayo rito? Pwede po bang makigamit?” tanong ko sa tindera.
“ Sa gawing kanan. Yung kulay berdeng pintuan.”
“Salamat po. Pwede rin bang pakibantayan sandali yung helmet ko?”
“Walang problema,” nakangiting sagot ng tindera.
Agad akong nagtungo sa direksyon na itinuro ng ale upang magbihis. May dala naman akong damit kahit papaano, iyon ay ang bag na naka-ready na dahil madalas nga akong umalis at may pagkakataon na kapag bigla ko na lang maisipan ay bigla bigla na lang din akong nag-roroadtrip, ginagawa ko iyon para hindi hassle.
Ipinatong ko sa itim na drum na may takip ang aking bag at saka tinanggal ang aking suot. Binuksan ko ang aking bag at saka naghanap ng damit na aking possibleng magamit pero doon ko lang naalala na ito na pala ang huling malinis na damit na aking isinuot kanina. Sinubukan ko pang magkalkal sa pinakailalim at napakunot ang aking noo nang may makita akong isang t-shirt. Ibinuka ko iyon at iniladlad.
“What the? Pink talaga? Hindi naman ito sa akin,” nasabi ko na lamang.
Hindi naman ito matingkad na pink at isa iyong polo shirt pero for Pete’s sake, hindi ako nagsusuot ng pink. Siguro ay sa aking kakambal na si Jasper ang may-ari noon dahil hinihiram niya paminsan-minsan ang motor ko.
Napabuntong hininga na lamang ako saka isinuot iyon. Ayaw ko naman isuot ang shirt ko na may mantsa ng sarsa kaya wala na akong choice. Isinuot ko na lang ulit ang aking jacket kahit na sobrang init upang hindi masyadong halata ang damit na suot ko.
Pagbukas ko ng pinto ng banyo ay nadinig ko ang ingay sa labas kasunod ng iyak ng isang bata at sigaw ng isang babae.
“Hindi kayo nag-iingat! Alam niyong may mga nakaparadang mga motor eh diyan pa kayo naghaharutan! Ano na ang ipambabayad niyo dyan?” sigaw ng tindera na kanina ay nakangiti sa akin.
Napalapit ako sa mga kumpulan at doon ko napagtanto na ang motorsiklo ay nakatumba at ang sidemirror nito ay nakahiwalay na.
“Motor ko!” agad akong lumapit at itinayo iyon. May mga gasgas sa gilid pero hindi naman ganoon kalaki pero ang mas malaking naging damage ay ang side mirror na kahit subukan iyong ibalik ay hindi na maibabalik.
“Hindi ko po sinasadya. Tinulak po kasi nila ako, eh” umiiyak na sabi ng isang batang lalaki.
“Hindi po kami iyan Aling Divina. Si Bugoy po may kasalanan. Andiyan na po pala ang sundo ko, siya po ang may kasalanan,” sabi naman ng isang batang lalaki na may katabaan na tila malikot ang mata at pawis na pawis. Mabilis itong tumakbo sa kabilang kalsada at sumakay sa nakaparadang tricycle habang ang ibang mga estudyante ay umalis na rin na parang umiiwas na madamay.
“Ikaw, nasaan ang magulang mo? Kailangan mo bayaran ang ginawa mong pagsira sa motor ng customer ko,” masungit na sigaw ng Ale.
“Sir, pasensya na. Nasira ang motor mo,” nahihiya namang baling sa akin ng Ale.
“Sorry po, Kuya. Hindi ko po sinasadya,” hingi ng paumanhin ng bata.
“Huwag ka na umiyak. Saan ba ang magulang mo? Ihahatid na kita,” tanong ko rito na tila mas ikinatakot nito.
“Mabuti na iyan Sir. Sumama kayo sa bata para makausap niyo ang magulang at mabayaran ang nasira niya,” sabat ng Ale bago bumalik sa pwesto nito kanina.
“Sir, ipapakulong niyo po ba ako? Kawawa po ang mama ko kung ipapakulong niyo ako,” umiiyak na sabi ng bata.
“Hindi kita ipapakulong. Tara na, mainit dito.” Sumampa na ako sa aking motor at pinakuha ko sa kanya ang helmet kong naiwan sa lamesa. Nang mabuhay ang makina ay iniangkas ko ito sa aking likuran.
“Kumapit ka ha,” sabi ko rito saka marahan na pinaandar ang aking motor nang maramdaman ang pagyakap nito sa aking bewang.
Itinuro nito sa akin ang isang bahay ilang metro ang layo mula sa karinderya. Medyo may kalumaan pero mas disente itong tingnan kaysa sa mga bahay na aking tinirhan noon sa Tondo.
Walang katao-tao sa loob ng bahay nang makarating kami. Pinapasok ako ng bata at doon namin hinintay ang kanyang mga magulang. Tahimik lamang itong nakaupo sa katapat ko habang walang tigil pa rin sa pag-iyak kahit na sinabi ko na sa kanya na hindi ko siya ipapakulong dahil sa kanyang ginawa. Gusto ko lang sana itong ihatid dahil pakiwari ko ang bata ay biktima ng pam-bubully ng kanyang mga kaklase.
“Kuya, kung hindi niyo po ako ipapakulong. Yung mama ko po ba ang ipapakulong ninyo kasi naging masama akong bata?” tanong nito.
Bago pa ako makasagot ay may pumasok na isang babae.
Simple ang kanyang pananamit.
Medyo magulo ang buhok, may dalang timbangan at may nakasabit na sling bag sa kanyang leeg pero ganun pa man may isang bagay akong napansin.
Mukha pa itong bata upang maging ina ng bata at saka may kung ano rito na hindi ko maipaliwanag dahilan upang hindi ako kumurap at hindi ko maiwaglit sa kanya kahit ilang sandali ang aking paningin.