6- Bisexual

1024 Words
JETH’S POV It’s a relief for me dahil kahit papaano ay pumayag si Enna na pansamantala akong tumira sa kanila. Para kasi sa akin ay hindi madaling magtiwala sa ibang tao lalo kung hindi mo sila personal na kakilala kaya milagro ng maituturing na pumayag ito. Siguro nakatulong din ang pakiusap ko kapalit ng nasira ng kanyang anak. Ewan ko ba pero may kakaiba akong nararamdaman sa kanya unang kita ko pa lang sa kanya. Hindi ko lang iyon maipaliwanag pero masasabi kong kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya kumpara sa ibang babaeng aking nakasalamuha, damdamin na ngayon ko lamang naramdaman. Sa loob ng isang linggo ay agad kong nakuha ang loob ng mga anak nito at napalapit na sa akin. Masaya rin ako na nakakatulong dito sa palengke pero napansin kong tila naiilang ito na kasama niya ako sa palengke, marahil tungkol iyon sa ilang mga taong napapatingin sa akin. Hindi ko rin ito masisi dahil kahit na anong gawin ko, kahit na magsuot ako ng katulad ng mga ordinaryo na galing sa ukay o mumurahing damit ay nakakaagaw pa rin ako ng pansin. Ganito rin kasi ang nangyayari sa akin noon sa Tondo noong sinubukan ko ring tumakas sa pagiging Dela Cuadra. Siguro dahil iyon sa aking physical feature ko na nakuha ko sa dugo ng aking angkan na may lahing kastila. Nakatagal lamang ako noon ng dalawang linggo sa lugar na iyon. Dahil kahit na mababait ang mga dating kaibigan ng aking Kuya sa lugar na iyon ay may mga masasamang tao pa rin na nagtatangka sa akin dahilan upang palagi na lang akong masangkot sa gulo at ang mga kaibigan ni Kuya Onyx ang siyang sumasagip sa akin. Nahiya na lang din ako dahil tila naging pabigat ako sa kanila at naging personal na guard ko sila sa magulong lugar na iyon kahit na ang gusto ko lang naman ay maglibang. Noong nakaraang araw ay ipinasok ako ni Enna sa isang pagawaan ng paso malapit sa paaralang pinapasukan ni Bugoy. Kahit na hindi marunong sa una ay agad akong natuto sa paghulma at kinalaunan ay parang nag-eenjoy na rin ako sa aking ginagawa na hindi ko napansin na nakakatatlong araw na kaagad ako sa lugar na iyon. Ngayong araw naman ay hindi ako kaagad pinapasok ni Mang Raul dahil sa wala pa ang espesyal na clay na ginagamit sa paggawa ng paso, kahapon nga ng hapon ay naglipat lang ako ng mga paso. I forgot about my dirty clothes, sanay kasi ako na itinatambak lang iyon sa isang tabi pagkatapos suotin kaya kung hindi pa iyon mababanggit ni Enna ay hindi ko pa maalala. Balak ko na lang sana iyon ipa-laundry pero nang mag-alok ito na siya na lang ang maglaba, kahit nahihiya ay hindi na ako nakatanggi pa at um-oo na lang. Binabasa nito ang aking mga damit sa isang batyang itim na puno ng tubig upang matanggal ang mga putik at mapaghiwalay nito ang mga kulay. Wala itong tigil sa pagsermon na parang si Mommy nang malaman nitong ibinabalik ko sa bag ang mga marumi kong damit. Wala kasi akong nabiling laundry basket o balde man lang na paglalagyan dahil naging abala ako sa pagtulong sa palengke at sa bago kong trabaho sa pagawaan ng paso. Bumalik akong muli sa loob ng aking pansamantalang kwarto at kinuha ang iba ko pang damit na labahan na nakakalat sa sahig. Palabas na ako nang muli kong binalikan ng tingin ang aking higaan at napabuntong hininga ako sabay na napakamot nang mapansing napakakalat pala ng aking kwarto kung kaya nagdesisyon akong ayusin iyon na sandali ko lang natapos pagkatapos ay bumalik na ako sa likod kung saan naglalaba si Enna. Pagdating ko ay naabutan ko itong kinakalkal ang bawat bulsa ng aking bag ngunit napahinto ito saka napakunot ang noo. “Ano ito? Panyo?” “Ang alin?” tanong ko rito. “Teka… Ito oh,” pagkasabi nito ay inilabas ang sinasabi nito. Nabitawan ko ang hawak kong maruruming damit nang makita ang hawak nito. Tatlong maliliit na tela na paniguradong hindi akin. Isang pula, isang itim at ang isa ay pink nakalaylay. Kitang-kita ang hugis at kung ano ba talaga iyong hawak ni Enna. Panty! Nanlalaki ang matang agad na nabitawan ni Enna ang mga iyon na parang diring-diri. Habang ako ay hindi makapaniwala sa aking nakita. Paano napunta ang mga iyon sa bag ko? Napalunok ako nang makita ang paraan ng pagtingin sa akin ni Enna. F*ck! Does she think that it comes from my women? and I'm a womanizer? “Enna, it's not what you think—” “Sorry sa pagiging pakialamera. Nalaman ko tuloy ang tinatago mo. Huwag ka mag-alala, unang tingin ko pa lang sa’yo ay alam ko na na ganyan ka,” sabi nito saka muling dinampot ang mga underwear na nahulog. “Ha?” Puno ng pagtatakang tanong ko rito. “Ano ka ba? Hindi mo naman kailangan itago sa akin kung ano ka talaga. Mapagkakatiwalaan ako, promise. Kaya kong itago ang tunay na katauhan mo,” dugtong pa nito. “Teka, teka. Anong ibig mong sabihin? Anong katauhan?” gulong tanong ko. “Hindi ba bakla ka? I mean, bisexual pala.” Napatanga ako dahil sa kanyang sinabi. Ako? Bisexual? Sa gwapo kong ito ay mapagkakamalan pa akong bisexual? “Enna, ano kasi mukhang nagkamali ka ng iniisip. Hindi ako—” “Nagsusuot ka pala ng ganito. In fairness, elastic siya. Mukha lang maliit pero nababanat ang garter niya. Siguro mahal ang ganito,” anito an ibinuka pa sa harap ko ang kulay pulang panty. “Listen to me first, Enna. Hindi akin Yan, Hindi ako—” “Jeth. Kahit anong deny mo Hindi mo ko maloloko. Katulad ka lang ng kaibigan ko. Nalaman ko lang iyon base na din sa iyong pananamit. Halos parehas kasi kayo ni Janus,” putol nitong muli. Nasapo ko tuloy ang aking noo at napabuntong hininga. All this time, kaya pala niya ako tinanggap sa kanyang pamamahay sa pag-aakalang isa akong silahis. Napatingin ako rito. Paano ko sasabihin sa kanya ang totoo? Na hindi ako isang bisexual at mas lalong hindi ako bading.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD