JETH’S POV
Pagkatapos kong tulungan si Enna maglaba ay naligo na rin ako.
“Dito ka na muna, Jeth. Susunduin ko na muna si Jana sa daycare. Kung nagugutom ka na, mauna ka na kumain. Alam ko naman na may pasok ka pa,” paalam ni Enna saka naglakad palabas ng bahay. Napabuga ako ng malakas saka napaupo sa silyang yari sa kahoy.
“D@mn it!” naibulalas ko.
I was quite frustrated at the same time disappointed.
Hindi ko inaasahan na dahil sa pagsuot ko ng pink t-shirt ay napagkamalan na akong bi-s****l ni Enna. Idagdag pa ang letcheng mga panty na iyon na hindi ko alam kung paano napunta sa bag ko. Kasalanan ko rin dahil hindi ako mahilig magkalkal ng bag ko. Basta ko na lang kasi inilalabas ang kung anong mahawakan ko sa bag dahil alam ko na mga damit lang ang laman niyon. Hindi naman kasi ako naglalagay doon ng underwear ko dahil parati naman akong umuuwi sa bahay at kapag naisipan ko naman ang lumayas ng bahay, itinatapon ko na lang sa basurahan ang mga naisuot ko but I always make sure that no one can use it by ripping the fabrics.
Kapag malaman ko lang talaga kung sino ang naglagay noon, sisiguraduhin ko talagang babasagin ko ang bungo niya. Padabog na akong tumayo at naghain. Una kong inilagay sa mesa ang mga plato sunod naman ay ang kanin at ulam na niluto ni Enna pagkatapos namin maglaba nang bigla na lamang tumunog ang aking cellphone.
Napakunot ang aking noo nang makitang tumatawag si Rayleigh.
“What’s up Mr. Master of Disappearing Acts,” mapang-asar na bungad nito sa akin.
“Ano naman kailangan mo?” iritadong tanong ko rito.
“Why do you seem angry?” tanong nito pero mas lalo akong nairita dahil sa paraan nito ng pagtatanong. Tanong na may halong pang-aasar.
Nagpanting ang aking tenga dahil sa kanyang tono.
He did it!
I knew he did.
Siya lang naman ang kasama ko last week. Nagpunta pa nga siya sa bahay upang kamustahin si Lolo.
“You Pyschotic and childish doctor! Ikaw ang naglagay ng mga panty sa bag ko no?” gigil na tanong ko sa kanya.
Isang malutong ay malakas na halakhak ang aking narinig mula sa kabilang linya dahilan upang makompirma ko na tama ang aking hinala.
“I’m sorry. Hahaha, I just can’t help it. Napag-iiwanan ka na kasi. Isipin mo, lahat ng kuya mo ay may asawa na habang ikaw naglalagalag pa rin. Somebody told me na kapag inalagay mo sa bag ng lalaki ang panty ng babae niya ay hindi mo siya makakalimutin. I’ll just check if that old woman is telling the truth or it’s just one of those superstitious beliefs,” tumatawang sabi ni Rayleigh.
“T@ngina mo! Bakit hindi mo subukan sa iyo, sa akin mo pa talaga sinubukan. Hayup ka!” bulyaw ko rito.
Saan niya naman kaya nakuha ang mga panty na iyon? Kung sa mga babaeng naikama ko naman niya hiningi iyon. Napakaimpossibleng mangyari na hindi ko sila makalimutan gayong kahit mukha at pangalan ay hindi ko maalala.
“Chill, Babe. Binibiro lang kita,”
“Pwede ba Ray, tigilan mo ako!! Babe ka diyan. Kapag nagkita talaga tayo babangasan ko yang mukha mo,” inis na sigaw ko na para bang kaharap ko ang aking kausap.
Muli itong tumawa ng malakas na aking ikinairita.
“Kung wala kang ibang sasabihin, I’ll hang this up.”
“Wait,” habol nito.
“Ano?”
“Are you not going home yet? Isang linggo ka ng wala, hindi mo ba tutulungan ang mga kapatid mo sa kompanyang ibinigay sa iyo? You have two companies to manage now, Mr. Jethro Keaton Dela Cuadra,” paalala nito sa akin.
“Okay lang iyon. Nandoon naman si Mauro, siya ang nagmamanage ng negosyo ko at yung sa negosyo namin magkakapatid kaya na nilang tatlo yun. Wala naman akong maiiambag doon,” sagot ko rito.
“You have to go back. Paano kung magaya ka sa Dad mo at napabayaan mo ang kompanya na ibinigay sa iyo ni Lolo. Mawawala sa iyo ang lahat. Hindi mo na magagawang gumala at umalis ng walang paalam gaya ng ginagawa mo ngayon,” anito.
Natahimik ako dahil sa kanyang sinabi.
May punto naman ito. Kung hindi ko tututukan ang kompanyang ibinigay sa akin ni Lolo ay hindi malabong mangyari na magaya ako kay Dad. Sa akin pa naman ipinagkatiwala ang kompanyang binawi ni Lolo kay Dad at kinalaunan ay naging shared company naming magkakapatid.
“Fine, I’ll go back. Just give me one more week,” sabi ko rito at saka pinatay ang tawag.
Ngayon pa ako aalis? Kung kailan malapit na ako kay Enna?
Kung ako lang talaga ang pagpipiliin ay gusto ko pang magtagal sa lugar na ito dahil sa dami ng lugar na aking pinuntahan ay dito lamang ako naligayahan. Habang nakatira ako sa simpleng bahay na ito ay nakaramdam ako ng contentment, bagay na hinahanap ko kapag nasa siyudad. Dahil sa kabila ng karangyaan at kasaganahan ay tila hindi pa rin ako kontento sa aking buhay.
Para bang sa lugar na ito ay nahanap ko ang kapayapaan ng isip na hinahanap ko kahit napakasimple ng pamumuhay na malayo sa aking kinagisnan.
Nasa malalim ako ng pag-iisip nang pumasok si Enna kasama ang dalawang bata na sina Bugoy at Jana. May hawak na ang dalawang bata na sorbetes mula sa tindahan.
“Oh, bakit ngayon lang kayo?” takang tanong ko dahil malapit lang naman ang daycare center kung saan nag-aaral si Jana pero parang antagal dumating ng mga ito.
“Kasi Kuya Jeth. May kaaway ka kasi sa cellphone kaya umalis na muna kami para bumili ng ice cream sa tindahan ni Aling Tekla. Kaaway mo nga yung Babe mo,” sagot naman ni Bugoy.
Ha? Babe?
“Hoy, Bugoy. Hindi ba bilin ko sa inyo na huwag na huwag kayong nakikinig sa usapan ng may usapan lalo na sa matatanda,” awat ni Enna sa anak.
“Totoo naman, Ma. Narinig ko pa nga yung Babe niya na tumatawa eh,” inosenteng sagot ni Bugoy.
“Magpalit ka na muna. Ibaba mo ang gamit niyo ni Jana sa kwarto. Pasaway kang bata ka,” utos nito sa bata na agad naman tumalima.
“Pasensya ka na Jeth. Hindi kasi namin sinasadya na marinig ang pag-uusap niyo ng nobyo mo. Huwag kang mag-alala. Hindi naman namin narinig lahat. Umalis kami kaagad para bigyan kayo ng privacy para makapag-usap. Mukha kasing mabigat ang naging pag-aaway niyo kaya ka umalis. Alam mo, pag-usapan niyong maigi iyan ng nobyo mo dahil sayang naman ang pinagsamahan ninyo kung masisira lang sa hindi pagkakaunawaan,” dire-diretsong sabi pa ni Enna.
T@nginang buhay to! Sa dami-dami naman ng maririnig ni Enna, bakit iyong part pa na nabanggit ko na Babe ang narinig niya. Napagkamalan pa tuloy na boyfriend ko ang Psychotic na doktor na pinsan ko na iyon.
Siraulo ka talaga, Rayleigh!