Episode 3# New neighbor

1581 Words
Chapter 3 Jinky Ang masayang mukha ni mommy ang sumalubong sa amin nang makalabas kami ng sasakyan. Agad ko naman siyang niyakap at hinalikan sa pisngi nito. "Happy birthday mommy!" masayang bati ko. "Thank you anak!" nakangiting tugon nito. "Mom, happy birthday po!" bati din Anton sabay halik din sa pisngi ni mommy, pagkuway ay iniabot ang dala naming regalo. " Oh... Thank you so much mga anak." tugon nito, bakas sa mukha niya ang kasiyahan habang nakatunghay sa aming dalawa. "Hindi nyo naman kailangang mag abala ng mga kung anong regalo, sapat na ang isang apo sa akin." Nakangiting sabi pa ni mama habang nasa akin ang paningin nito. Hays! there she go again! "Mom!" saway ko dito. "Bakit? Its time naman na siguro para bumuo na kayo ng pamilya ni Anton." Saad nito. "Mom, theres a right time for that, and we already talk about it." tugon ko kay mommy. Magsasalita pa sana ito, ngunit hindi na nagawa nang narinig namin ang maingay na boses ng mga kuya ko. Kaya sabay kaming napalingon sa gawi nila. "Hey! what took you so long guys were really starving na." saad ni kuya Winston, isa sa mga kambal kong kuya. Kasunod nito ang kakambal niyang si kuya Wilson. Habang maingat na inaalalayan ang buntis niyang girlfriend na si nurse Raquel. Ang head nurse namin sa BMC, Siya din ang matiyagang nag alaga sa akin noong nasa coma stage pa ako. Raquel still look so beautiful kahit malaki na ang tiyan niya. Nasa seven months pregnancy stage na ito,at mas malaki ang tiyan niya sa usual na size, dahil triplets ang dinadala niya. Napabaling ulit ang paningin ko kay kuya Winston at sa kasama nitong babae. She look familiar but I ca'nt remember kung saan ko siya nakita. Nakangiti akong lumapit sa kanila.They both look so happy I can see it in their eyes. "And who's this beautiful lady kuya?" nakangiting tanong ko kay kuya Winston. Malapad naman itong ngumiti at bumaling sa kasama. "You can't remember Elsa? former nurse din siya sa BMC but now she work abroad." Sagot nito. Napatingin naman ako sa magandang mukha niya, kaya pala she look familiar. Binati ko siya and we kiss each other on the cheeks, ganon din ang ginawa namin ni Raquel. Pagkuway ay nagyaya na si mommy na pumasok sa loob nang bahay. Sa dinning area ay naabutan namin sina papa at kuya William na nakaupo na sa hapag. Nandoon din ang girlfriend nitong si Vanny at ang dalawang anak nilang si Gianna at Queen. Agad akong lumapit kay daddy para halikan ito sa pisngi. Mula nang maheart attack ito ay malaki na ang pinagbago niya physical, half of his body get paralized kaya nakaupo nalang ito sa wheelchair. Good thing na parehong magagaling na doctor ang mga kuya niya and they did everything to make him survive. Katulad lang din ng ginawa nila sa akin.They dont give up on me, Kahit napakaliit ang chance na magsurvive pa ako but they still fight for life. Imagine five years na para akong buhay na patay at machine nalang ang nagtutuloy sa buhay ko. But miracle really happened, I survive and I made it!.. Im so thankful for my family that they been there for me. Marami mang pinagdaanan ang pamilya namin but we over come on it. Even kuya William, he been alot of problem. Dahil siya ang panganay sa amin kaya sa kanya napunta ang lahat ng responsibilidad, idagdag pa ang personal nitong problema. But Im so glad to see him happy and contented now, with the one he loved.Sina kuya William at Vanny ang buhay na patotoo sa salitang, true love conquered everything. Ako narin ang lumapit kay Vanny para batiin ito at halikan sa pisngi. Pagkuway ay nginitian si kuya William bilang pagbati. Nakakatuwa silang pagmasdan, they really look like a perfect family. Im happy for kuya that he finally found his true happiness. Vanny is worth to fight for, na dapat ay matagal na niyang ginawa. Kung hindi lang sana ako naaksidente at nacoma ng ilang taon, matagal na sana silang masaya at buo. Pero sabi nga nila lahat ng bagay ay may reason kung bakit nangyayari. Hindi ko man alam ang dahilan sa ngayon, but I know it is for the better and only God knows about it. Matapos kong halikan ang dalawang pamangkin ko sa kanilang magkabilang pisngi ay lumapit naman ako sa upuang hinila ni Anton para sakin. Masaya kaming nagsalo salo sa isang mahabang mesa. Bihira lang mangyari ang ganitong moment, ang magkakasabay at kumpleto kaming magkakapatid na kumakain. Dahil lahat kami ay abala sa kanya kanyang ganap sa buhay. Napatingin ako kay Anton nang kunin nito ang plato ko at salinan ng pagkain. "Eat well hon.." Malambing na sabi nito habang nilalapag ang plato sa harap ko. He used to do it, kahit sa bahay ay ganito siya kaalaga sa akin. Nginitian ko naman siya. "Thank you!" pasalamat ko sa kanya. Matamis na ngiti lang rin ang tugon niya dito. Bakit kahit gaano siya ka sweet ay hindi tumatagos sa puso ko. Pagkatapos naming kumain ay nagpasya kaming sa garden ituloy ang bonding time. Bukod ang lamesa ng boys sa amin, perfect time din ito to get to know them more. Na mas malalim ko pang makilala ang mga madadagdag na member sa family namin,ang mga ate to be ko... Si Vanny palang ang nakikilala ko sa kanila dahil sa madalas silang dumalaw ni kuya William noon sa akin. Si nurse Raquel naman kunti palang ang alam ko sa kanya. And I want to know also about Elsa, kung paano niya natatagalan ang ugali ng kuya Winston ko. Sa tingin ko kasi opposite ang personality ng dalawa. I find Elsa as silent, proper at sweet samantalang si kuya ay maingay, magulo at babaero. Hays! Goodluck nalang talaga sayo sis. ani ko sa isip, habang nakatingin sa lamesa ng mga boys. They look like a triplets, dahil iisa lang ang hulma ng mga mukha nila. Parang younger version lang sila ni daddy. Napailing nalang ako nang mapadako ang paningin ko kay kuya William na panay ang sulyap kay Vanny. Hays si kuya talaga! Kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit buntis nanaman itong hipag to be ko, wala yatang balak mag family planning ang kuya ko. Vanny is four months pregnant, may Upcoming family member na ulit kami bukod sa triplets. Nakaramdam naman ako ng lungkot ng maalala ang anak ko. kung nabuhay lang din sana siya, mas masaya sana. Nabaling naman ang tingin ko kay mommy at daddy na abala sa pagaalaga ng kanilang dalawang apo. Akalain mo diba, sila itong unang naging kontrabida sa love life ni kuya noon, but look at them now. Hindi mawaglit ang mga ngiti sa labi habang nakatunghay sa dalawa. Ang gagandang bata, hindi talaga maikakailang dugong Bolivar ang nanalaytay sa mga ugat nila. Mag aalas sais ng gabi nang magpaalam kami sa knila. Even how much I want to stay, kailangan na namin umuwi dahil maaga pa ang duty ni Anton bukas sa BMC. Nang makarating sa bahay ay agad akong dumiretso sa aking kwarto at pagod na ibinagsak ang katawan sa higaan. Ipipikit ko na sana ang mga mata nang maramdaman ko ang pagihip ng hangin. Napadako ang paningin ko sa terrace na bahagyang nakabukas ang pinto. Mabilis akong tumayo para mailapat ang pagkakasara nito. Ngunit natigilan ako sa akmang paghila ng kurtina at napakunot noo ako nang matanaw ang bukas na ilaw sa katapat na bahay. Umuwi na ba ang kapitbahay namin, akala ko ay mag stay for good na sila sa australia. Lumabas ako ng terrace para kumpermahin ang nasa isip ko. Ngunit ganon nalamang ang paninigas ng katawan ko nang matanaw ang isang pamilyar na mukha. Na sakto ding lumabas papunta sa terrace. "s**t!" mura ko nang makilala ito. what is he doing there?, kilala ba niya ang mga Alcantara? What a coincidence na ang mag ama na nakilala namin kanina sa mall ay kapitbahay pala namin. Sunod sunod ang naging paglunok ko nang mapagmasdan ang katawan nito. Wala itong suot na pangitaas at tanging black na jogger lang, kaya kitang kita ko ang magandang hubog ng katawan nito. Nakapatay ang ilaw sa gawi niya ngunit sapat na ang sinag na nagmumula sa buwan para matamasa ng aking mata ang kabuoan nito. "S-s**t!" kagat labing mura ko. Bakit ang lakas ng impact sakin ng lalaking ito. Samantalang si Anton, kahit nakikita kong nakaboxer lang walang dating sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko nang magtagpo ang mga mata namin. Why I see longing in his eyes? tanong ng isip ko. "Love!" narinig kong ang pamilyar na tinig na parang ome-echo sa aking pandinig. Napasapo ako sa aking dibdib, God! why do I have this feeling that I know him. My heart say it! Biglang may mga malabong alaala na bumalik sa aking isipan. I was driving on my car, while listening to a familiar song. I saw a pregnant woman,I helped her.... " A-ahhh..! " daing ko nang sumaid ang kirot ng ulo ko.. Napahawak ako sa aking ulo at patakbong pumasok sa loob ng kwarto ko and get my medicine. This is what happen to me everytime I force myself to remember.. Pagod kong ipinahinga ang aking sarili nang matapos kong inomin ang gamot. " I wish, I can remember everything, at bumalik na sa normal ang lahat ... " usal pa ng isip ko bago ipinikit ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD