Chapter 4
Jinky
Magaan ang pakiramdam ko nang magising ako kinabukasan. Maganda ang panahon, maaliwalas ang langit at hindi pa gaanong mainit ang sinag nag araw. Well, maaga pa naman kasi, alas singko palang ng umaga. I decide na magjogging na muna matagal narin akong hindi nakakapag jogging mula nang makabalik ako sa BMC. I just wear black legging and white t-shirt, then a sneakers And tie up my hair.
"Good morning!"masiglang bati ko kay Anton nang madatnan ko siyang nakaupo sa komedor, while eating breakfast. "Good morning!" maagap ns tugon naman nito habang may malapad na ngiti sa labi. Lumapit naman ako sa refregerator para kumuha ng fresh milk, matapos makapagsalin sa baso ay umupo ako sa katapat niya. "magjojogging ka?" tanong nito.
Tumango naman ako bilang sagot,
"Sorry hindi kita masasamahan hon, maaga ang duty ko ngaun sa BMC, I have a schedule for surgery." paliwanag pa nito. "No its okay, kaya ko naman.Diyan lang ako sa malapit." Sagot ko namam sa kanya. Nang maubos ko na ang iniinom ay agad na akong nagpaalam dito.
Sa park na nasa loob ng subdivision lang ako nagpunta.Malawak at maganda ang pagkakaayos ng park. Presko at maaliwalas ang paligid dahil sa mga puno at halaman na nakatanim dito. Marami ring nakapalibot na mga upuan at lamesa na yari sa marmol,at mayroon ding play ground na para sa mga bata. Naging center of attraction din ang fountain na nakatayo sa ginta ng park. I can say that LC Homes is a perfect home for every one. Well hindi naman nakakapagtaka basta ang may ari ay si Samuel Zain, asahan mo na hindi lang basta basta.
"Yaya! make it faster please." Narinig kong sabi ng isang batang babae na nasa aking likuran. Pakiramdam ko ay biglang lumundag ang puso ko sa saya. "Ikaw naman kasing bata ka napaka aga mo naman magyaya dito sa park.Tulog pa nga yong kapatid mo." Angal naman ng isang babae.
" Tsk! you forgot yaya, the vet said luke need an exercise. so he wont get sick again." maarte pa nitong sagot. hays! ang cute nitong magsalita.
"So he wont get sick again... Why your so arte magsalita huh!" sabi naman ng kasama nito na ginaya pa nito ang pananalita ng bata.
"Eeew, yaya! your really antique talaga!" sigaw ng bata
"Aba! at bakit naman ako naging antique huh?" palatak na tanong nito. "Because your so slow, trending kaya yong ganito yaya... It's called sosyal."
sagot naman ng bata na lalo pang pinaarte ang pananalita.
"Aba at anong nalalaman ko sa mga trending na yan! ikaw,limang taon ka palang kung ano ano na pumapasok sa utak mo." Palatak naman ng matandang kasama nito.
Naiiling nalamang ako sa habang nakikinig sa dalawa. Limang taon palang pala yong bata pero iba na magisip, at magaling narin magsalita.
Nakakalungkot lang kung sana nabuhay lang ang baby ko... May ganyan anak narin sana ako. Ani ng isip ko. Patuloy parin ang pagtatalo ng dalawa kaya hindi ko mapigilang lumingon sa gawi nila. Napangiti ako sa ayos ng bata,ang cute nito... Why her face so familiar? para bang nakita ko na ito somewhere...
Ang gandang bata! how I wish I have a baby like her. Ang cute ng heart shape na mukha nito, bumagay lang ang singkit na mata niya.Pati ang maliit at matangos nitong ilong at mapulang labi, para siyang buhay na manika.Idagdag pa ang kulot na buhok nito na hangang balikat ang haba. Lalo pang naging cute ang mukha niya dahil sa pagsimangot niya habang iniirapan ang yaya nito. Napatingin ako sa hinihila niyang alaga na isang shih tzu dog. Ito pala ang tinutuloy niyang luke kanina, pareho silang cute ng alaga niya.
"Hi!" bati ko sa kanila, na ikinalingon nila sa gawi ko. Nakita ko ang pag awang ng labi at paglaki ng mata ng batang babae.
"Oh... my God! as in omg!...Yaya, is this real?" bulalas nito habang nakatingin sa akin. Kunot noo ko naman itong binalingan. Ngunit natigilan ako nang bigla nalang itong tumakbo sa gawi ko ang niyakap ako bewang. "M- mommy! your back..." Umiiyak nitong saad. Lalo naman akong naguluhan. Pangalawang bata na itong may tumawag sa akin na mommy. " Pinakawalan ka na po ba ng witch sa castle?" malambing na tanong nito. Natawa naman ako sa sinabi nito. Kakaiba talagang magisip ang batang ito. Hinawakan ko ang magkabilang kamay nito na nakapulupot sa bewang ko at yumukod para magpantay sa taas nito. Now mas napagmasdan ko ng maayos ang mukha nito. I know now where I see that face... It reminds me my childhood days. Napangiti ako rito, " Hello little girl!" nakangiting bati ko dito, niyakap niya ulit ako.
"I miss so much mommy... Sa amin ka na ba ulit? Hindi ka na sasama sa witch na grandmother namin?" Tanong nito na malakas kong ikinatawa. Grabe talaga ang imagination ng batang ito. "Naku! bata ka, tigilan mo nga yan! nakakahiya kay maam."Narinig kong palatak ng magaalaga nito,habang hinihila ang bata palayo sa akin.
"No,yaya... si mommy yan!" sabi ng bata. " pasensiya na po kayo sa alaga ko." Baling naman nito.
"No,its okay po... Nakakatuwan nga po siya, napakabibong bata." Sagot ko rito "Ay! opo, napasoba lang po sa pagkabibo..." sagot nito na habang nagkakamot sa kanyang ulo. Napatawa nalang ako,niyaya ko sila na samahan ako sa paglalakad. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Magaalas diyes na nang magdecide kaming umuwi. But to my surprise ay isang way lang din pala kami. Kaya magkasabay din kaming naglakad pauwi.
Ngunit ganon nalang ang pagbagsak ng panga ko nang makita ang bahay nito. s**t! Sila pala ang bago kong kapit bahay...
What a coincident again!
" Mommy, can you cook spaghetti?" maya maya ay sabi ng bata. Lumingon ako sa gawi nito, nakikiusap ang mga mata nito.
Hays! paano ko ba matatangihan ang ganito ka' cute bata. Sabi ng isip ko
"Naku' namang bata ka, tigilan mo nga yan!" saway nanaman ng yaya nito "No, okay lang po...Hindi naman ako busy, eh." Tugon ko dito.
" Yeesss..." Masayang sigaw ng bata, habang tumatalon talon pa ito at pumapalakpak.
Bakit ang sarap sa pakiramdam na makita siyang ganyan kasaya. Pakiramdam ko ay lumulundag din sa tuwa ang puso ko..