Episode 5 # See him again

1130 Words
Chapter 5 Jinky Hinila nito ang kamay ko papasok sa loob ng bahay. "Faster mommy! I'm so starving na." Sabi nito habang hila parin ako sa kamay. "Alexis! stop that, nakakahiya na talaga yang mga ginagawa mo!" saway naman ng taga alaga nito. Hindi ko mapigilan ang mapahanga sa ayos ng bahay, hindi ito ang unang beses na nakapasok ako sa bahay na ito. Ngunit iba pa ang nakatira dito noon, kakaiba at maganda sa mata ang ayos at disenyo ng buong bahay. Dinala niya ako sa kusina, napapailing nalamang ako sa batang ito. Napakataas ng energy sa katawan, Ngunit hindi sa way na kakaiinisan mo siya, kundi lalo Mo pa siyang magugustuhan. "Maam pasensiya na po talaga kayo, napakakulit po talaga ng batang iyan." Nahihiyang sabi nito habang inilalabas ang mga gagamitin ko sa pagluluto. "Okay lang po, ganyan po talaga ang mga bata." Sagot ko naman dito habang inaalalayan si Alexis sa pag upo, sa upuan na nasa dining area. Marunong naman ako magluto at isa sa mga favorite kong lutuin ang spaghetti. Why do I have this feeling na para bang nagawa ko na ito noon, to cook for someone. Nagpaalam naman ang taga alaga nito na aalis muna para gumawa ng ibang gawain. "Okay manang ako na po muna ang bahala kay Alexis." sagot ko rito. Nakangiti akong bumaling dito, ang gandang bata talaga nito. Nakapangalong baba pa siya habang nakatunghay sa gawi ko. Alam kong gutom na ito kaya binilisan ko na ang mga kilos ko. Ngunit natigil ang paggigisa ko nang marinig ang isa pang tinig. Agad akong napalingon sa gawi nito. "Mommy!" sigaw nito, patakbo itong lumapit sa akin at niyakap ako sa bewang. Kamukha ko ba ang nanay ng mga batang ito at tinatawag nila akong mommy. Ngunit may kakaibang sarap sa pakiramdam pag tinatawag nila ako sa paraang iyon. "Joaquin! finally your awake na!" sabi naman ni Alexis. Nginitian ko naman ang batang lalaki at yumuko para magpantay kami. "Are you starving also baby?" malambing na tanong ko dito. Marahan naman itong tumago, napangiti naman ako dito. Napakagwapong bata! nakuha talaga nito ang bawat angulo ang mukha ng ama niya. Hinalikan ko siya sa ulo, pagkuway ay pinangko at inupo sa upuan na katabi ng kapatid nitong babae. "Are you two a twin?" tanong ko sa kanila, napangiti ako nang sabay pa silang tumango bilang tugon. A fraternal twin, they really look so cute. Magkaiba man sila ng kasarian at itsura ay makikita parin ang pagkakapareho nila sa kilos. Kakaibang saya ang nararamdaman ko, na para bang feel na feel ko ang pagiging ina ko sa kanila. Bumalik ako sa harap ng lutuan at pinagpatuloy ang pagluluto. "Are you excited to eat spaghetti na?" nakangiting tanong ko sa kanila, bahagya pa akong lumingon sa gawi nila para makita ang reaction nila. They are both look so cute habang nakapangalong baba at nakatungahay sa akin. Binilisan ko nalang ang kilos, at siniguradong magugustuhan nila ang niluluto ko. Why do I have this feeling talaga na parang nagawa ko na ito with someone. I picture one scene on my mind, kagaya rin ng ganitong ganap.I was cooking and theres someone in my back, embrasing me from my behind. "Hmm... ' smells good love!" malambing na sabi pa nito. Napangiti naman ako. " The food or me...? " nakangiting tanong ko sa kanya. Narinig ko ang malakas na tawa nito na animoy musika sa pandinig ko. "Ofcourse, ' you're more craving than the food, love." Sagot nito,na mas lalo pang nilambingan ang boses. Naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi nito sa aking balikat. s**t! mura ng isip ko. Bakit biglang uminit ang paligid. Umakyat ang halik nito, papunta sa aking leeg that make me moan... "uhmmm..." I moan, habang ikiniling pa ang ulo sa kabilang side para mas mabigyang laya ang mga labi nito. s**t! I feel hot! ani ng isip ko. Bigla naman akong napabalik sa katinuan ng marinig ang pagsigaw ng kambal. " Daddy!" Bigla akong nanigas sa kinatatayuan. God his here! sigaw ng isip ko.Nagkunwari nalamang akong abala sa pagluluto at hindi ito nilingon. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko saking dibdib sa sobrang kaba. Animoy may mga nagtatakbuhang kabayo sa loob nito. Natigilan naman ako... nang tumahimik ang paligid. Kaya mabilis akong pumihit paharap upang alamin ang nangyayari. Ngunit ganon nalang ang paninigas ng katawan ko nang tumama ako sa isang matigas na bagay na nasa aking likuran. Or should I say sa matigas na katawan ng kung sino... Napapikit ako nang sumaid sa pangamoy ko ang gamit nitong pabango. A familiar scent, Na parang matagal ko na itong naamoy. s**t! ang lapad ng dibdib niya! Ani ng isip ko.Napatukod kasi ang dalawang kamay ko sa dibdib nito,para hindi ako tuluyang mapasubsob dito. Dama ko naman ang mga braso niya na nakapulupot saking bewang. Upang alalayan ako, para hindi ako mabuwal sa pagkakatayo. Dama ko naman ang lalong pagwawala ng mga kabayo sa dibdib ko. God! Ano ba itong nararamdaman ko? nakakabaliw... Nakakawala sa sarili... Bakit ganito nalang ang impact sakin ng lalaking ito, mula kahapon noong una ko siyang makita. Nawindang na agad ang isip ko, lalo na ngayong malapit na siya na halos magkayakap na kaming dalawa. Nabalik ang sa katinuan ang isip ko nang marinig ang malakas na tawa ng dalawang bata habang pumapalakpak pa. "Yes! we have complete family na!" malakas na sabi ni Alexis habang pumapalakpak pa. "Yeah! 'mommy is back!" segunda naman ng isa. Dama ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa kahihiyan. Na para bang gusto ko nalang lumubog na kinatatayuan. Ano kasing ginagawa ng mokong na ito dito, akala ko nasa trabaho na ito. Ramdam ko ang pagbigat ng paghinga nito na animoy nahihirapan. "Smells good as ever..." mahinang sabi nito, habang marahang inaamoy ang aking buhok. Matangkad ito at malaki ang katawan, kaya sa height kong 5'4 ay hanggang balikat lang niya ako. Maang akong napaangat ng tingin sa kanya, na naging dahilan para magtagpo ang mga mata namin. Sino ba talaga ang lalaking ito? tanong ng isip ko. Why do I have this feeling that... his my home? "Mommy! were starving na!" narinig kong sigaw ni Alexis kaya natigilan ako sa pagiisip. "My little snake on my stomach eating my intestine na!" patuloy pa nito. Napatawa naman ako sa mga salitang lumalabas sa bibig nito. Sigurado ba talagang five years ols lang ito. Bahagya ko namang naitulak ang ama nito para makaagwat dito. "I- I just p-prepare the food." Nauutal ko pang sabi at mabilis na siyang tinalikuran. Kinakabahan man at naiilang at pinilit ko paring kumilos ng normal. s**t! Umupo naman ito sa tabi ng mga anak niya. Aba at pati ba siya makikikain din? saad ng isip ko... Hays! goodluck talaga sayo Jinky!...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD