Chapter 6
Jinky
Nang maluto na ang pasta ay agad ko itong isinama sa sauce na ginawa ko kanina, and put alot of cheese on top. I know kids love cheese kaya dinamihan ko ang lagay. Pagkatapos ay nakangiti kong inilapag ang niluto ko sa harapan nila. Na agad naman nilang pinag agawang mag ama. Kunot noo ko nalamang silang pinagmadan. Ilang araw bang hindi kumain ang mag ama na ito, at mukhang gutom na gutom yata.
"Mommy'... can you sit here beside me?"malambing na tanong ni Joaquin. " Sure, baby!" nakangiting tugon ko rito at agad na umupo sa tabi nito. Inayos ko ang kinakain nito, samantalang si Alexis naman ang inasikaso ng ama. Bakas sa mukha ng dalawang bata ang kasiyahan, Nakakalungkot lang na hindi nila naranasan ang pagkalinga ng isang ina. Kaya sino ba ako para ipagkait yon sa kanila, Im willing to stand as their mother... It help me also to over come the pain, sa pagkawala ng baby ko. Sa pamamagitan nila ay nawawala ang pangungulila ko sa hindi ko nakasamang anak. Napabaling ang tingin ko kay christian na nakatingin rin pala sa akin. God! ito nanaman ang abnormal na puso ko,hindi nanaman matigil sa pagiingay.
Napakagat labi nalamang akong umiwas ng tingin dito at inabala nalang ang sarili sa pagkain.
"Daddy this is my first favorite spaghetti na,then second nalang yong sayo." Mayamya ay sabi ni Alexis. Napangiti nalang ako sa kadaldalan nito. "Okay!"maikling sagot naman nito. " Its okay for me baby, but I know mommy still want my spaghetti, And she miss it already...right, mommy?." nakangiting pagpapatuloy nito habang matiim akong tinitigan. Sunod sunod naman naging paglunok ko ng laway. Pakiramdam ko ay natutuyo ang lalamunan ko. s**t! ano ba itong ginagawa sakin ng lalaking ito. Wala sa sariling nakagat ko ang pangiibabang labi ko.
Kainis na lalaking ito! saad ko sa isip.
"Dont bite your lips love or I might eat it!" ani nito na ikinalaki ng mata ko. s**t! talagang lalaking ito may mga bata kaming kasama kung ano nong pinagsasabi.
"Your so bad daddy! why you eat mommy lips?" sabat naman ni Alexis kaya binalingan ko ang ama nito at pinanlakihan ng mata,na ikinatawa naman nito ng malakas.
"Im just kidding baby."Pagkuway ay sabi nito sa anak,habang nakatingin parin sa akin. Inirapan ko naman ito, ngunit isang mapang asar na ngisi naman ang iginanti nito sa akin.
Iniwas ko nalamang ang paningin sa kanya at itinuon nalang ang pansin sa pagkain.Laking pasalamat ko nalang nang matapos silang kumain ay nag yaya si Alexis na manood ng movie. Kinuha ko naman itong pagkakataon na makaagwat kay christian. Baka heart attack na talaga ang abot ko nito pag hindi pa bumalik sa normal ang heartbeat ko.
"Maam, ako na po diyan." narinig kong sabi ni manang Mila, kung tama ung pagkakatanda ko sa pangalang ipinakilala niya kanina sakin.
"Okay lang manang,kunti lang naman ito."Tugon ko dito.
"Naku baka tanggalin na ako ni sir christian niyan sa trabaho." Saad nito na ikinatawa ko " Kaya ako na po diyan." pagpapatuloy nito habang pilit inaagaw sakin ang mga hugasin.
Ipinaubaya ko naman ito sa kanya, baka nga totoong matangal ito sa trabaho kunsensiya pa niya.
"Manang may ingredient po pa kayo diyan ng cookies?" tanong ko rito.
"Ay! meron maam, paborito kasi yon ni Alexis." Nakangiting sagot nito
Napangiti rin ako dahil talagang magkapareho kami ni Alexis ng mga nagugustuhang pagkain.
" Tingnan niyo po diyan sa cabinet na nasa kanan,nandiyan po lahat ng gamit sa pagbabake."Saad pa nito, agad ko ring sinunod ang sinabi nito.
Mabilis ko lang napaghalo halo ang mga sangkap at agad ding naisalang sa oven. "Manang, ano pong nangyari sa mother ng kambal?" tanong ko rito na ikinatigil nito. "Ha.. eh, ang alam ko po ay nadisgrasya ang nobya ni sir christian noon. Pero isang himala na nagawa parin niyang mailuwal muna ang kambal bago siya binawian ng buhay." Sagot nito
Napaawang ang mga labi ko sa narinig, pareho pala kami na naaksidente. "Paano pong nangyari na naasidente siya?" kunot noo na tanong ko sa kanya. "Ang alam ko po, tutol ang magulang ng babae kay sir kasi mahirap lang siya, kaya ipinakasal ito sa ibang lalaki pero bago ito ikasal naaksidente po yong babae." mahabang kwento nito.
Nakaramdam naman ako ng habag para sa magama. And I adore christian kung paano niya kinaya na alagaan at palakihin ang mga anak nito habang nagsisikap na magkaroon mgandang buhay... " Ako na po diyan maam, puntahan niyo na po ang mag ama niyo doon. " Saan nito. "po?"kunot noo ko siyang binalingan na ikinatawa nito.
"Joke lang po maam'. Nakakatuwa lang po kasi kayong pagmasdan para talaga kayong isang buong pamilya." tugon nito. Napangiti naman ako, feel na feel nga masyado ng lalaking yon eh. Nakikita rin ba niya sakin ang girlfriend niya kaya kung makapagparamdam, wagas. Naiiling nalamang akong binalingan ang oven, Nang masigurong luto na ito ay agad ko nang hinango at maayos na inilagay sa tray.
" What took you so long?" tanong nang baritong boses sa aking likuran na ikinagitla ko naman. s**t! heto nanaman ang kabayo sa dibdib ko...
"Ah.. K-kasi tinapos ko pa yong pagbabake ng cookies." Nauutal ko pang sagot dito. Naramdaman ko ang paglapit nito sa aking likuran.
"Can I taste it?" sabi nito mas lumapit pa sa akin, dama ko ang paglapat ng katawan nito sa likuran ko. Mariin akong napalunok ng laway, marahang pumihit para harapin ito. Sinikap kong pakalmahin ang sarili at maging normal ang kilos sa harap nito. "Here! "nakangiting sabi ko dito habang inaabot sa kanya ang isang cookies. "Feed me please..." malambing na sabi nito at bahagya pang ibinuka ang bibig...
Maang naman akong napatingin dito.
Shit! bakit ganito siya? wag kang ganyan marupok ako! sigaw ng utak ko. Inilapit ko naman ang hawak kong cookies sa bibig nito, na agad naman nitong kinain ng buo at mabilis na nginuya pagkuway ay humirit pa ng isa. Ngunit ganon nalang ang pagkagitla ko nang hawakan pa niya ang kamay ko at
at isinubo pati mga daliri ko.
" hmm.. it taste good!" pilyong salita pa nito,pinandilatan ko naman siya ng mata at mabilis na binawi ang kamay ko rito. "Yong cookies lang ang free taste hindi kasama ang kamay ko." Nakairap na sabi ko sa kanya at mabilis na akong humakbang palayo sa kanya. Mahirap na at baka kung ano pa ang makain niya. Narinig ko pa ang malakas na tawa nito bago ako nakalabas ng dinning area.
Hays! goodluck jinky!