PROLOGUE

252 Words
“ISANG taon na Paul, hindi masamang isipin mo naman ang sarili mo anak” si Tito Francisco iyon na tinabihan siya sa pagkakatayo sa malaking glass wall ng Intensive Care Unit kung saan isang taon nang naroon ang comatose niyang nobya. Si Jessica. Nakangiti niyang nilingon ang ginoo saka dinukot ang maliit na kahon sa kaniyang bulsa. Binuksan iyon kaya tumambad kay Tito Francisco ang isang maganda at mamahaling purple rose cut diamond engagement ring. Nang mangyari kasi ang aksidente ay minabuti ng doktor na ibalik muna sa kanya iyon. For security purposes narin at naunawaan naman niya iyon kaya hindi siya tumanggi. “Hindi ko po inaalis ito sa bulsa ko everytime na dadalaw ako rito. Alam ninyo kung bakit? Kasi alam ko babalik siya. At kahit anong mangyari hindi ako bibitiw at mapapagod na maghintay para sa kanya” si Paul na ibinalik ang paningin sa nobya. “hindi po ba ganoon naman ang totoong pagmamahal? Hindi napapagod maghintay kasi hindi nawawalan ng pagasa, gaano man kaliit ang chance, hahanap at hahanap parin ng dahilan na pwedeng kapitan” ang madamdamin niyang hayag sa kabila ng pag-iinit ng kaniyang mga mata. Mabigat ang buntong-hininga na pinakawalan ni Tito Francisco saka nagsalita. “Pero hijo, doctor na mismo ang nagsabi na walang kasiguruhan kung kailan magigising si Jessica. At sakali mang mangyari iyon may posibilidad pang hindi niya maalala ang ilang huling pangyayari sa buhay niya. Gaano ka katagal na maghihintay?” “Forever” ang maikli lang niyang sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD