KABANATA 1

820 Words
INIP na napabuntong hininga si Paul kasabay ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay saka muling naupo sa concrete bench ng Richardson University kung saan siya graduating sa kursong Business. Alam ni Andrea na may pagka-mainipin siya. Oo nga’t siya ang lalaki at normal na sa kanya ang maghintay. Pero sa loob ng halos dalawang taon narin nilang relasyon, hindi kaya nito naisip minsan man na naiirita talaga siya sa mga sandaling kagaya nito? Noon siya muling nagbuntong hininga saka wala sa loob na napatingala sa hagdan ng gusali ng College of Education kung saan agad na inagaw ng isang maganda at mestisahing babaeng pababa roon ang atensyon niya. Napangiti siya, alam niyang may nobya siya pero hindi niya maitatangging napakaganda ng babaeng iyon. Simpleng-simple sa suot nitong school uniform pero nagawa paring agawin ang pansin niya. Hindi rin nakabawas sa appeal nito ang suot nitong glasses na may itim na frame. May ilang sandaling tinitigan niya ito saka nagbawi ng tingin at ibinalik ang pansin sa hinihintay na nobya. Pagkatapos ay sinulyapan ang suot na wrist watch saka yamot na nagkamot ng ulo. Mahigit kalahating oras na siyang naghihintay, gustuhin man niyang puntahan sa classroom nito ang nobya niya pero minabuti niyang huwag na. Ayaw kasi ni Andrea ng ganoon, iyong susunduin mo dahil lang sa naiinip ka nang maghintay, dahil siguradong pagmumulan iyon ng away. Nang muling napadako ang paningin niya sa kaninang hagdan ay maluwang siyang napangiti. Ang maganda at mestisahing babaeng may itimang buhok, ngayon ay naglalakad pababa at paitaas ng hagdan, pabalik-balik nang may nakapatong pang libro sa ulo. Natawa siya ng mahina gawa ng matinding amusement. Hindi niya alam kung anong iisipin niya pero dahil siguro walang katao-tao doon kaya nagagawa ng babae ang ganoon. “Hi!” ang mabini at pamilyar na tinig mula sa kanyang likuran ang umagaw ng atensyon ni Paul. Si Andrea, “sorry ah, late ng nag-dismiss ang prof namin” nang marahil mapuna nito ang pagkalukot ng kanyang mukha. Tumango siya saka tumayo at pasimpleng sinulyapan ang babaeng kanina ay tahimik niyang pinagmamasdan. Wala na ito doon, bigla siyang nakaramdam ng panghihinayang. “Halika na?” “Kumain muna tayo, nagugutom na ako eh” suhestiyon ng nobya niya na kumapit ng mahigpit sa braso niya. Nagkibit siya ng balikat. “Okay” saka na sila nagtuloy sa canteen. ONE MONTH LATER MEDYO mahaba ang pila sa Finance kaya minabuti ni Jessica na maupo na muna at maghintay. Wala siyang pasok pero dahil nga exam na sa susunod na linggo ay inutusan siya ng Mama niyang magbayad na at kumuha ng permit. Nagsuot lang siya ng isang simpleng skin tone dress with black stripes na mahaba ng dalawang pulgada mula sa mga tuhod niya. At flat strappy sandals na kulay itim. Ilang minuto rin ang hinintay niya at sa wakas naubos ang mga tao. Dahil nga wala naman siyang pasok okay lang na maghintay siya, kasi karamihan sa mga nakapila kanina ay naka-uniform at naghahabol na ng oras. SA canteen ang tuloy ni Paul dahil doon ang itinext na meeting place nila ni Andrea. Natigil ang mga hakbang niya nang mamukhaan ang babaeng naglalakad pasalubong sa kanya. Pababa na siya noon ng hagdan ng kaniyang college building habang ang babae naman ay paakyat at nakayuko sa hawak nitong papel. Ang magandang babae na una niyang nakita sa may hagdan ng College of Education. Sa pagkakataong ito hindi naka-uniform ang babae, sa halip ay dress. Isang skin tone dress na may itim na stripes kaya lalong lumutang ang angkin nitong kaputian. At dahil nga sa abala ito sa hawak na papel ay hindi nito nakita ang unang step ng hagdan paakyat kaya bahagyang sumabit doon ang paa ng dalaga. Nabigla siya doon at kinabahan. Kumilos siya para sana alalayan ang babae pero totoong nasorpresa siya nang marinig itong nagsalita. Kinakausap ang hagdan. “Ikaw talaga hagdan, idadapa mo pa ako eh hindi naman kita sinasaktan!” anito pa sa masiglang tinig saka sinundan ang sinabi ng isang mahinang tawa pagkatapos ay tila walang anuman siyang sinulyapan at saka nagpatuloy sa pag-akyat. Parang wala sa sariling sinundan lang ng tingin ni Paul ang papalayong bulto ng dalaga. Hindi niya mapigilan ang sariling maapektuhan sa karisma at gandang taglay nito, pero mas naa-amuse siya sa nakikita niyang personalidad ng dalaga. Well, hanggang doon lang naman iyon dahil alam niya sa sariling may nobya siya at mahal niya si Andrea. Undeniable ang atraksyon na mayroon siya para sa babaeng iyon, pero hindi tama, kaya habang maaga pa, alam niyang kailangan niyang sikilin na ang damdaming iyon. Dahil kahit bata pa siya sa edad na twenty one, gusto niyang isiping sawa na siyang magpalipat-lipat at magpapalit-palit ng nobya. Sa katunayan si Andrea na nga ang pinakamatagal niya na kulang dalawang taon na. Kung nagkataon lang sana na wala siya sa buhay ko. Ang kabilang bahagi ng isipan niya na mabilis rin naman niyang iwinala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD