bc

PURPLE ROSES

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
opposites attract
powerful
heir/heiress
sweet
bxg
scary
small town
like
intro-logo
Blurb

Higit pa sa inasahan niya ang nangyari nang sa ikalawang pagkakataon ay muling nakita ni Paul ang babaeng nagpaligalig ng puso niya. Si Jessica. At ang lahat ng pinagsaluhan nila nang gabing iyon ang nagbigay ng dahilan sa kanya para huwag na itong pakawalan. Pero paano ba niya tuturuan ang puso ng dalaga na muling magmahal kung ang tanging dahilan ng nangyayari sa kanila ay gusto lang nitong makalimot sa masakit nitong nakaraan?

Mahal niya ang dalaga, pero hanggang kailan siya maghihintay para rito? At ano nga naman ang assurance niya na siya ang pipiliin nito kung sa pagbabalik nila ng Maynila ay naroon at naghihintay si Daniel? At nakahanda nitong gawin ang lahat mabawi lang ang dalaga.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“ISANG taon na Paul, hindi masamang isipin mo naman ang sarili mo anak” si Tito Francisco iyon na tinabihan siya sa pagkakatayo sa malaking glass wall ng Intensive Care Unit kung saan isang taon nang naroon ang comatose niyang nobya. Si Jessica. Nakangiti niyang nilingon ang ginoo saka dinukot ang maliit na kahon sa kaniyang bulsa. Binuksan iyon kaya tumambad kay Tito Francisco ang isang maganda at mamahaling purple rose cut diamond engagement ring. Nang mangyari kasi ang aksidente ay minabuti ng doktor na ibalik muna sa kanya iyon. For security purposes narin at naunawaan naman niya iyon kaya hindi siya tumanggi. “Hindi ko po inaalis ito sa bulsa ko everytime na dadalaw ako rito. Alam ninyo kung bakit? Kasi alam ko babalik siya. At kahit anong mangyari hindi ako bibitiw at mapapagod na maghintay para sa kanya” si Paul na ibinalik ang paningin sa nobya. “hindi po ba ganoon naman ang totoong pagmamahal? Hindi napapagod maghintay kasi hindi nawawalan ng pagasa, gaano man kaliit ang chance, hahanap at hahanap parin ng dahilan na pwedeng kapitan” ang madamdamin niyang hayag sa kabila ng pag-iinit ng kaniyang mga mata. Mabigat ang buntong-hininga na pinakawalan ni Tito Francisco saka nagsalita. “Pero hijo, doctor na mismo ang nagsabi na walang kasiguruhan kung kailan magigising si Jessica. At sakali mang mangyari iyon may posibilidad pang hindi niya maalala ang ilang huling pangyayari sa buhay niya. Gaano ka katagal na maghihintay?” “Forever” ang maikli lang niyang sagot.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.5M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
463.2K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
497.7K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
602.0K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
464.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook