Habang abala sa paghuhugas ng plato si Madice sa karinderya ay siyang pagtunog ng kanyang cellphone. Kinuha niya iyon sa bulsa at tinignan kung sino ang nagtext. Unknown number. Binasa niya ang mensahe at napangiti siya na dumating na raw ang owner ng De Supermarket. Naalala niyang iyong guard ang nagtext sa dahil ibinigay niya ang kanyang cellphone number. Tinapos niya ang hugasin at nagpaalam sa may-ari ng karinderya. Pinayagan naman siya kaya nagmadali siyang umalis doon at pumunta na sa DS. Pagkababa niya ng traysikel, isang sasakyan ang pamilyar sa kanya. "Parang iyon ang sasakyan ni Owen," bulong niya. "Impossible naman na umuwi siya na hindi man lang nagtext O tumawag sa akin," dugtong pa niya. Naglakad siya papunta sa loob at nadatnan niya ang guard na nagtext sa kanya. "Sa

