"The show must go on!" wika niya nang siya ay makabalik sa event room. Nagkagulo man kanina ay hindi iyon balakid para hindi matuloy ang event. Tinawag niya si Mr. Greenford para sabihing siya na ang bahala rito. Pumayag ang Manager ngunit hindi pumayag ang producer at director ng SFTI. Pinatapos niya ang Search for the idol na magulo ang kanyang isip at hindi alam kung tama ba ang mga napili niyang nanalo. Pinagbigyan na rin niya ang mga media na interview-hin siya. At handa niya nang sagutin ang mga ibabatong tanong sa kanya. "Good afternoon Mr. Owen. You looked handsome today. Are you inspired?" birong tanong ng isang gay reporter. "Yeah. I'm really inspired," tipid niyang sagot. "Uhm, Mr. Owen, ngayon ka lang namin ulit na-interview at hindi lingid sa inyong kaalaman na nakita na

