"Malapit na ang pasko," sambit ng kababata sa kanya. "Oo nga, malapit na pero hindi ka naman nagpapakita. Sabi mo, uuwi ka rito 'pag eighteen ka na. . . Pero, wala ka naman," tampo niya na sumimangot. "Biglaan kasi iyon, Madice. Alam mo naman dito sa Maynila at pumapasok din ako, gaya mo. Pero sosorpresahin kita. Kaya dapat, nand'yan ka, ha," turan nito. "Oo. At hihintayin ko ang pagdating mo Ronnie," ngiti niyang sagot. Gumanti rin ng ngiti sa kanya ang kababata. Pagdakay muli na naman siya nitong tinitigan. Ngunit umiwas siya ng tingin dito. "Hinintay mo sana ako, Madice," usal nito. "Nahuli tuloy ako. Pero masaya ako na may boyfriend ka na," malungkot na aniya. Ngumiti si Madice. At hindi alam kung anong sasabihin sa kausap na kababata dahil nabigla siya sa sinabi nito. May p

